D A R W I N
x
Days past, hindi parin maalis sa isip ko yung nangyare. He hugged me!!!
Okay, i might sound overreacting but damn! i just can't believe it. For all we know he doesn't like me but still nakaya ng sikmura nyang yakapin ako.
Am i harsh to myself?
But one realization slapped me from reality that of course he just did that because tita pushed us to do it. Hindi naman siguro magkukusang yakapin ako nun kung di lang yun naipit sa sitwasyon.
But still it bothers me every time and everyday since.
At dumating na nga yung araw na babalik na sila ng Maynila na kasama ako.
It was really hard for me to leave the place where i grew up. I left all the good and even bad memories. And specially lola. Lola was smiling habang papaalis kami but i can feel in her soul that she's sad. I'm really holding my tears to fell down that time. I really hate sad goodbyes.
Then my tears slowly fell nung bumabyahe na kami. I still managed not to create sound baka mapansin yun nila Tita Siesta and specially Andrei dahil nakaupo lang sya beside me wearing his earphones.
Nasa byahe palang kami pero parang gusto ko nalang hindi tumuloy. Gusto ko nalang bumalik. Parang nahihirapan akong huminga sa kakaisip. But then naalala ko ang sinabi sakin ni lola. Na pangarap nyang makatapos ako ng pag-aaral. Kaya kahit papano ay naisip ko ring tanggapin ang idea ng sacrifice para kay lola. But still it's really hard lalo pa this is my first time na malalayo sa kanya.
I was busy thinking anything when i suddenly napansin ko ang isang kamay na may hawak na panyo sa harap ko.
Nang tingnan ko sya, he was looking straight sa ibang direction habang ibinibigay nya sakin ang panyo nya.
Tinanggap ko naman yun agad. Napansin nya bang umiiyak ako? Of course he'll notice he's sitting beside me! Hay naku self lutang kana.
But for now ayaw ko muna syang pansinin gusto ko munang magmoment. Gusto ko munang iiyak to para naman gumaan gaan pakiramdam ko.
But, thanks Andrei! Kailangan ko nga ng panyo. Sabi ko sa sarili ko.
Haaay, ano kaya ang mga mangyayare sakin dun sa Maynila? Magiging masaya kaya ako dun? Maeenjoy ko ba ang pag-aaral ko dun? Dami kong naiisip pero ganun pa man, kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga posibleng pagbabago ng buhay ko dun sa Maynila.
Ang alam ko ay maunlad ang Maynila gaya nang mga napapanood ko sa tv. Nakikita ko kasi yung magagarang buildings at mga makukulay na ilaw pag gabi. Nakakahiya mang sabihin pero first time kong makakakita nang ganun sa personal pag nagkataon.
Malungkot man pero may excitement naman akong nararamdaman. Sana ay maging maayos ang buhay ko sa Maynila sa puder ni tita Siesta and with my childhood friend, Andrei.
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili.
Manila, here i come!
x
It was around 6:30pm nang makarating kami sa Maynila. I experienced a lot of first time. First time kong makapasok sa airport, first time kong makasakay ng eroplano at first time kong makita ang mga ulap sa kalangitan ng malapitan. Tanaw na tanaw ko din ang mga bahay na nagmistulang mga langgam mula sa taas. Isang salita.... Nakakamangha!
Anyway, speaking of nakakamangha, nakakalaglag panga rin kung gaano kaganda ang bahay nila tita Siesta. Para akong nasa isang panaginip. Napakagara ng bahay napakamodern. Kung maganda na yung mansion nila sa probinsya, mas maganda pa ang bahay nila dito sa Maynila.
Wow!
Agad akong ipinahatid ni tita Siesta sa isang katulong papunta sa magiging kwarto ko para makapagpahinga after namin kumain. And damn! Napakalawak ng kwarto ko at kakaiba ang disenyo, para akong nasa space. Ganun yung design ng buong kwarto. And thankfully hindi na kami magkalapit ng kwarto ni Andrei.
x
Magiging madali lang din daw ang proseso ng enrollment ko at ni Andrei kahit na late na kami nagpaenroll. Dahil narin sa mga connections nila sa University na papasukan namin ay makakahabol pa kami at hindi na namin kailangan pang magpabalik-balik dun to pass requirements for enrollment.
Same lang ang kurso namin. I know na alam nya na yun ang kukunin kong kurso dahil mga bata palang kami ay alam na nyang mahilig ako sa architectures.
Anyway, eneenjoy ko parin ang sarili kong libutin ang bawat corner ng kwarto. Grabe sobrang ganda nito napakagara pang mayaman talaga sya.
Minutes later, ay nakaramdam na ko ng antok siguro ay dahil sa pagod narin sa biyahe. Kaya naisipan ko munang magpahinga.
I was about to sleep nang bigla nalang pumasok sa kwarto ko si Andrei. Acting na parang di nya ko nakikita.
"Wait... Anong ginagawa mo sa kwarto ko Andrei? Di ka manlang ba marunong kumatok?". Pagpigil ko sa kanya pero parang hindi nya lang ako pinansin.
"Bat ako kakatok? This is our house". Again with his plain voice at dumiretso sa isang cabinet na parang may kinukuhang kung ano.
"E ano ba gagawin mo?". Takang tanong ko.
Di nya ko sinagot. Maya-maya pa ay isinara na nya yung cabinet at agad nang umalis na para bang walang nangyare. May napansin akong nahulog mula sa mga kinuha nya sa cabinet. Tatlong piraso yun ng hugis square na bagay.
Kinuha ko yun at tiningnan ng malapitan. "**** Condom". Basa ko.
What the actual fvck! Napatakip ako ng aking bibig bukod sa nalaman kong may tinatagong condom si Andrei dito sa Kwarto, kundi narealize kong nakapagmura ako.
Paulit-ulit na bumubulong sa isip ko.
He is hiding condoms in my room!
He is hiding condoms in my room!
HE IS HIDING CONDOMS IN MY ROOM!
HE IS HIDING CONDOMS IN MY ROOM!
So I'm assuming na ginagamit nya din tong room na to kahit nung wala pa ako dito?
And of course hindi naman ako masyadong ignorante pagdating sa mga gantong bagay pero did he do all of his earthly desires in this room?!!
IN MY ROOM??!!
Oh God! Bless this room. Feeling ko punong-punog ng kasalanan ang kwartong to.
This room which apparently my room needs a hundred gallons of holy water. Holy moly macaroni!
Anyway, i need to throw this three pieces of condoms that Andrei had left here.
I still can't believe what i just witnessed. Napafacepalm nalang ako sa pangyayareng to.
good boy

BINABASA MO ANG
With My Childhood Friend (bxb)
RomanceAfter 10 years of being away from each other, finally Darwin will be reunited again with his childhood friend, Andrei. Malalaman din ni Darwin na he will be in the same school with Andrei. Sa tagal na taong hindi nila pagkikita, marami kayang magbab...