Chapter 3 - He's Getting Into my Nerves

2K 88 5
                                    

D A R W I N

x

Wala nalang akong nagawa kundi sundan sya papunta sa mansion. Naiwan kong nakatulala si Sai sa daan. Bahalasyadyan.

Naging tahimik lang kami habang papabalik sa mansion. Tanging tunog lang ng tsinelas ko at sapatos nya ang maririnig. Pero nagulat nalang ako nang bigla syang magsalita.

"Hanggang ngayon di ka parin nagbabago noh? Same as before.... Duwag ka parin". May halong pangiinsulto nyang sabi.

"Kung yung tinutukoy mo yung nangyare kanina, hindi yun pagiging duwag, umiiwas lang ako sa gulo, saka kita mo naman babae yun, ayokong patulan". Tahimik kong sagot.

"Okay, you have a point. Pero paano ka nalang makaka survive sa Manila once magaral kana dun kung ganyan kalang". Sabi pa nito na diretso lang nakatingin sa daan.

"Ano bang pinupunto mo? Kung ano man ang mga mangyayare sakin dun, akin na yun, bahala na ko dun". Sagot ko.

"Tsk! Bakla". Tahimik ngunit rinig na rinig ko parin yun. Dahilan para matigil ako sa paglalakad habang sya patuloy lang.

Bat ang sakit? Bakit ganun sya kung makapagsalita? That word, lagi nalang pag naririnig ko yan masakit sa dibdib. Simple word but it affects me.

I remember when i was in elementary lagi akong tinutuksong, bading, bakla, bayot. At first hindi ko yun pinapansin hanggang sa madalas na nila yun ginagamit laban sakin. Which makes me feel outcast sa klase.

I mean, hindi ko naman ikinakaila sa sarili ko na there is something weird on me. I know it, habang kasi lumalaki ako nag-iiba din ang interes ko kumapara sa ibang lalaking kaedaran ko. Kung sila tinutuon ang oras nila sa paglalaro ng basketball or kung anu-ano pang sports, ako sa gawain bahay ako namulat. Pero wala lang naman yun sakin.

Sa itsura ko naman, hindi naman ako gaya ng iba na nagsusuot ng pambabae, normal lang naman ako, lalaki parin tingnan. I prefer to wear clothes that are meant to wore by men.

Everytime na sinasabihan akong ganun i wish na nandito si Andrei para ipagtanggol ako or palakasin ang loob ko pero lingid sa kaalaman ko, isa din pala sya sa mga magsasabi sakin ng ganun. Ang sakit lang.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy nang maglakad pauwi. Hindi ko na sya makita sa daan, siguro ay nakauwi na yun.

I also realized na hindi ko narin dapat sya pinagaaksayahan ng oras. Kung ganun tingin nya sakin edi bahala sya.

Di purket sila magpapaaral sakin ganyan na sya. Kapal nya!

x

Tumulong ako kay lola sa mga gawain sa mansion gaya ng pagluluto ng ulam at pagsaing, isama narin ang paghugas ng pinggan at kunting walis sa sahig. Ayun ang usual na ginagawa namin dito sa mansion.

Pagsapit naman ng dinner, ay naging maayos naman ang usapan sa hapag-kainan. Allowed kaming sumabay kumain kasama nila Tita Siesta at Andrei dahil sabi pa nga ni tita Siesta, it would be boring daw kung sila lang dalawa ang kakain sa napakahabang mesa dito sa mansion.

Samantalang si Andrei, ganun parin, seryoso lang na kumakain and at the same time tahimik ding nakikinig sa usapan nila.

Ganun din ako, focus lang ako sa kinakain ko. Actually ako nga ang unang natapos kumain e. After that umakyat na ko sa kwarto ko. I think, i need to rest, sobra akong napagod today at deserve kong matulong ng matagal.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon