Chapter 2 - Let's go Home

2.1K 97 6
                                    

D A R W I N

x

Naging masaya ang usapan sa hapag-kainan. Enjoy na enjoy si Tita Siesta sa mga niluto namin. Marami syang kwento tungkol sa buhay nila sa Maynila. Gaya nang paglago ng kanilang negosyo na Toy Factory, mga naachieve nilang awards sa negosyo at kung anu-ano pa. Kinamusta din nya ako at tinanong ng kung anu-anong bagay.

They even recall the times nung mga bata pa kami ni Master Andrei. Tungkol sa mga kapilyuhan namin when we we're young. Which makes feel awkward dahil si Andrei ay wala manlang karea-reaksyon, focus lang sya sa kanyang pagkain.

Marami pang naikwento si tita. Tinanong din nya kung kamusta kami dito. Sila-sila lang nila lola at ang iba pang katulong ang nag-uusap usap. Gaya ni Master, nagfocus nalang ako sa pagkain ko na napakasarap.

Ilang sandali pa tumayo na si Master sa kanyang inuupuan.

"I'm full, i gotta go to my room mom". He uttered sound monotonous.

"Oh sige nak, do you want manang to bring you there? It's been ten years baka di mo na kabisado ang mansion". Pagbibiro ni Tita Siesta.

"Mom, i know it's been a long time, pero kabisado ko parin ang mansion, at isa pa gusto ko munang mapag-isa, I'm tired and i need to rest po". Sagot naman nya sabay alis.

Tahimik lang akong nakikinig habang kumakain. Ibang iba na nga talaga si Master.

"Pagpasensyahan nyo na si Andrei ha? Ganun lang talaga yun at baka napagod talaga sa biyahe". Sabi ni Tita Siesta nung nakaakyat na sa taas si Master. "Sya nga pala Darwin, nakumpleto mo na ba mga requirements mo para enrollment mo sa college?". Dugtong nya.

"Ahm opo Tita, bakit nyo ho natanong?". Pagtataka ko.

"Well that's good, kasi after one week, sasama ka samin sa Manila at dun kana mag-aaral kasama ni Andrei. Ako ang magpapa-aral sayo". Nakangiting sagot ni Tita Siesta na ikinalaglag ng panga ko.

Tiningnan ko si lola na ngayon ay nakangiti lang. Tiningnan nya akong parang sinasabi nyang "surprise!" Base sa kanyang expression.

"One week nalang? E p-pano po si lola?". Ang nasabi ko na lang dahil para akong tanga na gulat na gulat.

"Apo, bata ka palang, nangako na tita mo na pag-aaralin ka nya pag tungtong mo sa kolehiyo. Kaya nga lagi kong sinasabi sayo na wag mong intindihin ang mga gagastusin mo sa pag-aaral sa kolehiyo dahil si tita Seista mo na ang bahala". Sagot naman ni lola.

"Right, and besides kanina sinabi sakin ng lola mo na rank 2 ka daw sa graduation nyo. Kaya dapat lang na pag-aralin kita sa isang sikat na school sa Manila dahil bagay ka dun kasi matalino ka". Nakangiting dugtong ni tita Seista.

"Naku hindi po ako matalino, masipag lang ho. Saka paminsan-minsan nakakachamba lang". Agad ko naman sagot.

"Naku manang Esper ha, ang humble ng apo nyo, at saka hindi parin nagbabago, mahiyain parin hahaha". Natatawang sabi ni tita Siesta kay lola.

"Hay naku ma'am, ganyan talaga ang batang yan. Maaasahan yan sa mga gawaing bahay, pwede syang tumulong sa mga gawaing bahay nyo dun sa Maynila". Ika ni lola.

"Naku manang Esper, pag-aaral lang po dapat ang focus nya kasi yung mga gawaing bahay ay gawain na po yun ng mga kasambahay ko dun". Sagot naman ni Tita.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon