Chapter 17 - Darwin's Care

1.5K 91 4
                                    

A N D R E I

x

Naiwan kaming dalawa ni Darwin dito sa bahay and it was so awkward. I know this is the right time to say sorry to him pero pinaghihinaan ako ng loob. Hindi rin nya ko magawang tingnan.

I don't know what to do.

Kaya naisipan ko munang maglibang. Yun ay ang magjogging, i know I'm a varsity player at ginagawa namin ang pagjojogging pero yun ang bagay na pinakaayaw ko.

Hindi ko din maintindihan pero yun ang naisip kong gawin instead na magbuhat sa mini gym dito sa bahay. I guess na gusto ko lang talaga bigyan ng space si Darwin for a while at isa pa malapit lang dun sa kinauupuan nya kung saan ako nagwowork out. Baka hindi ako makapagconcentrate same as him, kasi tahimik lang din syang nagbabasa at baka maistorbo ko pa.

Kaya umalis na ko para mag jogging. Iniwan ko sya dun na libang na libang sa pagbabasa.

Sa kalagitnaan ng pagjojogging ko ay bigla nalang kumulog ng malakas at dun inaabutan ako ng ulan. Unti-unting lumakas ang buhos nito at dali-dali na kong tumakbo papuntang bahay. Malas!!!

Pagkauwi ko naabutan ko parin syang nagbabasa ng pocket book nya at mukhang libang na libang pa sa binabasa nya. Habang ako naman ay nakaramdam ng lagkit sa suot kong basang sando kaya hinubad ko na ito.

Suddenly nahagip ng peripheral vision ko si Darwin na napatingin sakin. And what's funny is that agad syang tumingin sa binabasa nya ng makitang tinanggal ko yung damit ko. Para syang nataranta na ikinatawa ko. I'm not gonna lie but i chuckled a bit.

He look uncomfortable Kaya agad na akong umakyat sa taas para magbihis.

After kong magbihis ay naisipan ko munang magpahinga dahil nakaramdam ako ng pagod.

x

Nagising nalang ako gawa ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

And I know si Darwin yun. Ano naman kaya ang kailangan nun?

"What?". I said.

"Kakain na". Sagot nya mula sa labas.

Na ikinagulat ko. So he prepared food for us? Pero bigla nalang ako nakaramdam ng pamimigat ng buong katawan ko. Siguro dahil lang to sa pagod ko kaya siguro kailangan ko munang magpahinga pa.

"Hindi ako kakain". Sabi ko pa.

Hindi na ko nakatanggap pa ng sagot nya. Hindi manlang ba ako pipilitin nun?

Bigla nalang akong napahampas sa noo ko sa narealize ko.

Ano nanaman bang ginagawa mo Andrei. Asa kapa! e galit nga sayo yung tao.

So pinagpatuloy ko nalang ang pagtulog ko. Pero habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. Dahilan para hindi na ako makatulog ng maayos.

Maya-maya pa ay sumabay naman ang pagsakit ng ulo ko. Hirap mang makatayo ay pinilit ko parin para tingnan ang temperature ko. When i checked it.... Fvck! Ang taas ng lagnat ko.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon