Chapter 20 - I am Parted Between Him and Him

1.5K 80 0
                                    

D A R W I N

x

Nakangiti akong nagising ng maaga at nagprepare na for school. Finally magkaibigan na ulit kami ni Andrei. Si Master Andrei!

Kakatapos ko lang magbihis at inihahanda ko lang yung mga gamit ko when suddenly i noticed my phone ringing.

Gara noh? May cellphone narin ako haha. Tiningnan ko yun kung ano meron at isa iyong text message na galing kay Master. Nakangiti ko yung binuksan.

---

From: Master

Darwin Ispiritu, pwede ba bumaba kana dyan baka malate pa tayo.

Good morning btw.

---

Napatawa pa ko sa nabasa ko. Ang aga talaga magising nun. Saka maaga pa naman ah, sadyang mabilis lang sya. Anyway, lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na.

Nakangiti nya akong sinalubong dahilan para mailang ako kaya tumingin nakang ako sa baba dahil medyo nahiya ako sa tingin nya sakin.

"Ayos ang pormahan natin ngayon ah". Salubong nya sakin.

Pinagsasabi ng lalaking to?

Hindi ko sya sinagot at dumiretso lang ako papuntang kotse. Bago kami pumasok ay napansin namin si tita Siesta na kararating lang. She looks tired.

Haggard...

Lurch...

Baka napagod sa nangyareng two days event sa negosyo nila. Ni hindi nga kami pinansin ni Andrei e. Para syang zombie diretso lang ang lakad. Habang kami naman ni Andrei este Master, ay sinusundan lang ng tingin si tita Siesta.

"Anong nangyare kay tita?". Tanong ko kay nang lingunin ko Master.

He just give me a shrug.

"I don't know, hayaan muna natin yun na makapagpahinga. Let's go". Sagot naman nya.

Nagkibit-balikat nalang din ako at pumasok na sa kotse.

x

A N D R E I

Nakarating kami ni Darwin ng tamang oras sa University. Actually wala pa nga yung prof namin nang makarating kami sa room.

Nagkahiwalay lang kami ni Darwin nang maupo na kami sa pwesto namin. Medyo malayo kasi ang agwat namin na upuan.

Ilang sandali pa ay dumating na ang prof namin sa minor subject.

"Okay, good morning everyone, i would like to announce that you will be having a PowerPoint presentation about a particular topics that i will be given to you later. This is a by pair presentation and i hope na magtulungan kayo para makagain kayo ng malaking points". Agad na bungad ng prof naming si Ms. Corpuz.

Napansin namin ang isa naming kaklaseng nagtaas ng kamay at agad naman yun nakita ni ma'am at pinatayo.

"Ma'am kami lang po ba mamimili ng ka partner namin?". Tanong ng kaklase namin.

"Hmmm. Nope, ako ang magpipili kung sino ang makakapartner nyo para fair". Sagot naman ni ma'am.

"Sana naman makapartner ko si Darwin". Bulong ko.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon