Chapter 42 - Revelation

1.6K 84 103
                                    

A N D R E I

x

Hindi ako mapakali habang papunta kami sa ospital ni lola Esper. Mom told me na nabugbog si Darwin. Nagulat si lola Esper dahil sa nalaman nya tulad ko ay hindi rin sya mapakali.

Binabaybay namin ang daan papuntang ospital. Tahimik lang si lola Esper ngunit mababakasan mo ng pag-aalala.

Palaisipan parin sakin kung sino ang mga bumugbog kay Darwin. At bakit ang layo ng pinuntahan nya? Ngunit hindi ko mapapatawad ang mga hayop na yun. I'm gonna make sure na magbabayad sila.

Pagkarating namin sa ospital ay agad kaming dumiretso sa kwarto kung saan naka confine si Darwin. Sa kabutihang palad ay okay na ang lagay nya. Sinalubong kami mommy, ngunit pinigilan nya ako.

"Andrei anak, hayaan muna natin si manang Esper sa loob". Pagpigil nito.

I sighed. At saka naupo kami sa labas ng kwarto.

"I heard him talking with someone yesterday, i suspected na manliligaw nya because he was smiling  and happy. So sinundan ko sya, and i think napagtripan lang si Darwin, baka na prank call. Pero don't worry son, pinaiimbestigahan ko na sa awtoridad ang nangyare para mahanap na ang mga gumawa nun sa kanya". Pagbasag ni mommy sa katahimikan.

"Sino naman kaya ang gagawa ng ganun kay Darwin?". Wala sa sarili kong sabi. Kanina pa ko nag-aalala at hindi na ko makapag-isip ng maayos.

"I don't know, yun ang aalamin natin".

Naputol ang usapan namin ni mommy when someone came.

"Tita Siesta, Andrei, o-okay na ba ang lagay ni Darwin?! K-kumusta na sya?". Si kelly. Mababakasan mo ng takot sa mukha.

Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung paano nya nalamang na ospital si Darwin?

"Kelly, how did you know about Darwin?". Tanong ni mommy. Siguro maging sya ay nagtataka.

Hindi sya nakasagot pero ilang segundo lang ay nagsalita na sya.

"A-andito k-kasi kayo sa ospital, so i assumed na si Darwin yung pasyente". She forced a smile.

"Yes he's fine now, thank you for your concern Kelly". My mom answered in disbelief.

"S-sige po tita and Andrei mauna na ko". Segunda neto.

"Hindi ka ba bibisita sa kwarto Kelly? At bakit ka nga pala nandito sa ospital?". Tanong ulit ni mommy.

"Actually tita, i gotta go na, may gagawin pa kasi ako. Nagpunta lang ako dito to...... um.... to consult about my skin care... T-that's it, s-sige po una na ko". Utal nyang sagot at saka umalis.

"She's lying". I paused. "I think may kinalaman si Kelly sa nangyare kay Darwin". Kumpiyansa kong sabi.

"Wait, paano ka naman nakakasiguro Andrei? Wag tayong magbintang".

"Galit si Kelly kay Darwin, at ilang beses ko nang nahuhuling binubully nya si Darwin sa school. At saka mom paano nya nalaman na nasa ospital si Darwin?". Sagot ko.

"Anak hindi tayo pwedeng mag akusa lang ng ganun. Yes, kind of weird kung pano nya nalamang andito sa ospital si Darwin pero hindi yun sapat na ebidensya. If you think na may kinalaman si Kelly sa nangyare kay Darwin, kailangan muna natin ng proof".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon