Chapter 23 - Awkwardness

1.3K 77 2
                                    

A N D R E I

x

Matapos ang nangyareng yun ay pareho na kaming umakyat sa kwarto ni Darwin. Si manang Emy nalang daw ang bahala sa mga nabasag na plato.

I still can't get over sa nangyare. Hindi ko rin maintindihan ang naramdaman ko nang magtama ang mga labi namin ni Darwin.

It was a strange feeling. I didn't like it but i don't hate it.

It was like in the movies. Yung slow motion ang pangyayare, unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa mukha ko then afterwards when we fell down, we accidentally kissed.

Maging sa pagtulog ko, iyon ang gumugulo sakin. Hindi ako makatulog ng maayos dahil paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko yung nangyare kanina. Ilang ulit din akong palipat-lipat ng posisyon sa pagtulog. Damn! I can't sleep.

Napaupo muna ko at huminga ng malalim.

"Okay Andrei, aksidente lang ang nangyare, kaya wag mo isipin masyado. Just forget it. Bukas kailangan you act normal na parang walang nangyare. Tama! Yun dapat ang gawin ko. Dahil for sure ganun din si Darwin nyan". Sabi ko sa sarili ko.

Again, i sighed heavily at bumalik na sa pagtulog.

x

D A R W I N

I woke up early at agad nang naghanda para sa klase. Siniguro kong mas maaga ako kay Master.

Dahil hindi muna ako sasabay sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin pag makita ko sya. Bat ba kasi nangyare yun kagabi!???

Antanga ko kasi e, di ako tumitignin sa dinadaanan ko, ayun tuloy! Anyway...

Agad na kong lumabas ng bahay bago pa ko maabutan ni Master at magcommute papuntang school. Nang makasakay na akong jeep ay dun ko na sya naisipang i text para ipaalam na nauna na akong magpunta sa school.

Ilang saglit pa biglang nag pop out ang reply nya.

---

From: Master

What!? Kaya pala nang puntahan kitang kwarto mo wala ka. Maguusap tayo mamaya!

---

Napalunok ako sa sarili kong laway sa nabasa ko. Galit kaya yun? Hindi naman siguro noh?

Baka naman kakausapin lang ako or tatanungin kung bakit hindi ako sumabay sa kanya. I think i should think for an acceptable alibi now.

x

I arrived early at school. Iilan palang kaming nandito sa room. After some minutes, ay unti-unti nang nagsisidatingan ang iba ko pang mga kaklase.

Then i saw Master. Pagpasok palang nya ay agad na syang tumingin sa inuupuan ko. Looking at me seriously and honestly i felt uncomfortable kaya nagiwas agad ako ng tingin. Patay parang galit nga sya! Akala ko nga lalapitan nya ko e, kaya nakahinga ako ng maluwag nang dumiretso lang sya sa upuan nya. Pero ganun parin ang expression nya, seryoso parin.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon