-1021-

67 10 3
                                    

Para akong timang na papalit-palit ng posisyon sa kama buong magdamag dahil hindi ako makatulog kakaisip kung itutuloy ba ni Blaze na makipag-date sa meztisong tilapya na iyon.

Mag aalas dos na ng madaling araw pero heto ako't mulat na mulat parin ang mata at diwa.

Sinubukan ko muling matulog pero hindi talaga. Kaya lumabas na ako ng kwarto.

Madilim sa sala dahil nakapatay lahat ng ilaw.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Pero nakabukas na pala iyon.

"Teka, bakit bukas 'to? Sinong naiwan kagabi bakit hindi to ni-lock?"

Binuksan ko ng tuluyan ang pinto. Madilim rin sa parling lot, pero agaw atensiyon ang tila sindi ng sigarilyo.

Bigla akong kinabahan.

Kinapa ko ang switch ng ilaw at nang bumukas iyon, mas lalo akong kinabahan dahil tama ang hinala ko.

Si Blaze na nakaupo sa hood ng kotse niya habang naninigarilyo.

Parang hindi ka maniniwala na humihithit siya ng sigarilyo sa itsura niya ngayon na naka pajamas.

Para siyang inosenteng bata sa itsura niya. Kaya nga lang, hindi talaga dahil may dala siyang sigarilyo eh.

Alam ko na nakita na niya ako. Obvious naman siguro no? Ang liwanag na kaya???

Pero nakapagtataka na hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin o ng sulyap man lang.

Snob na naman?? Babalik na naman ba siya sa dating Blaze ??

Wag naman sana.. Nakakatakot yun..

Bigla niyang itinapon ang sigarilyo sa kung saan.

Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siya.

Umalis siya sa pagkakaupo sa hood ng kotse niya at nilapitan ang sigarilyo na itinapon niya.

Tsaka niya ito dinuraan.

Pagkatapos noon, nagtama ang mga mata namin..

Oh no.. That glare.. Please, stop it!

Hindi ko namalayan na umaatras na pala ako habang papalapit siya sa akin.

Nakakatakot ang titig niya sa akin ngayon. Parang gusto niya akong saksakin.

Nagulat ako ng bigla nalang bumangga ang likuran ko sa pader.

"Aray"

Napakamot ako sa ulo dahil sa pagkakauntog ko sa sementadong pader.

"Tss."

Iyon ang tanging naging reaksiyon niya. Kulang nalang sabihin niya na 'buti nga sa'yo!'

Papasok na sana siya nang bigla akong magsalita.

"Bakit gising ka na? Ang aga mo naman ata para sa date mo mamaya?"

Wala sa sarili kong nasabi iyon.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya sa tanong ko.

Pero alam ko na galit siya dahil nakakuyom na ang dalawang kamao niya.

"Biro lang.. Bakit gising ka pa?? Hindi ka rin ba makatulog??"

Biglang pag iba ko sa tanong.

Baka kasi sapakin ako pag itinuloy ko pa ang unang sinabi ko eh.

Nakita ko na nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago niya ako tiningnan.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon