-1014-

226 19 20
                                    

🇦 las tres palang ng madaling araw ay nagising na ako.

Sinigurado ko muna na tulog pa sila bago ako pumuslit.

Pupunta ako ng bayan para maghanap ng telepono. Tatawagan ko si Mom.

Hindi ko lubos-maisip na nagawa ni Reincci yun sa amin. And I feel so futile and useless as his brother coz I didn't do anything about it. Hindi ko man din nalaman ang ginagawa nya these past three years. Or.. Hindi lang sa nakaraang tatlong taon, posible rin na matagal na nyang ginagawa ito-ang pagnanakaw.

And maybe.. JUST MAYBE. Ito pala ang naging dahilan ng pagkamatay nya.

Nakokonsensya ako.

I should've played my part. I should've been there by his side.. Protect him and kept him out of this bullshit doings.

But it's too late. He's gone already. The only thing I can do now for him, is to help in resolving the real cause of his death.

Nakalabas na ako ng bahay.

Dahil malapit lang ang bayan sa kinaroroonan ko, naglakad nalang ako.

Pakiramdam ko, ang laki ng kasalanan ko kay Cci at sa mga magulang ko.

Mga tatlumpung minuto mahigit ang nakalipas bago ako nakakita ng telephone booth.

May cellphone na ako, pero ayoko gamitin iyon sa pagtawag sa kanila dahil baka ma track na ng tuluyan nila Major ang eksaktong lugar kung saan kami namamalagi which is Hindi pwedeng mangyari sa ngayon..

I started dialling our telephone number.

Memorize ko ang number ng bahay namin, syempre.

"*ring...* ring*...*ring*...*ring..*"

"Mom, c'mon, pick up the phone.."

Walang sumagot ng tawag ko, kaya sinubukan ko ulit.

Sa ikalawang pagkakataon, sa wakas.. May sumagot na ng tawag ko.

"Hello? Si Gina po ito ng Laxa residence, Sino po sila?"

Si yaya Gina..

"Uhm, hello Yaya? Si Doom po ito, nandyan po ba si Mom?"

"Ayy!!sir Doom!! Buti po napatawag kayo! Miss na miss na po kayo ng mommy nyo. Opo, andito po sya. Teka lang po, tatawagin ko.. MA'AM!! MA'AM!! DALI PO!! NASA TELEPONO SI SIR DOOM!!"

Halata na excited si Yaya Gina sa lakas ng boses nya.

Ilang saglit lang ay narinig ko na ng boses ng mommy ko.

"Oh! Thank God, you called!! How are you!? Why did you leave without telling us?? Where are you!? Dominique? Kumusta ka dyan? Nakakakain ka ba ng eksakto? Nakakatulog ka ba ng mahaba? Bakit ngayon ka lang tumawag? You don't know how much we miss you.."

"Mom.. Anuba? Haha. Okay lang ako dito tsaka, pasensya na kung ngayon lang ako tumawag. I'm doing something VERY IMPORTANT here mom, and I don't want anyone else to know this except you. Is yaya Gina still there?"

"H-ha?? A-ahh.. Yeah.. She's here."

"Can you please her to go in the kitchen? And prepare something for me?"

"O-okay.. Uhm, yaya Gina? Pwede po bang lutuin nyo ang paboritong ulam ni Doom? -uuwi po sya dito ma'am? Aba'y syempre naman po! Sige po."

Narinig ko ang usapan nila ni mom.

"Mom? Are you alone now?"

"Yes, son. Ano bang gusto mong sabihin? "

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon