-1005-

214 15 4
                                    

Maaga akong nagising.

Ay! Hindi pala dahil hindi ako nakatulog buong magdamag.

Kagabi, imbes na ako ang bantayan nung Blaze (dahil yun nga yung sabi nya kaya nya ako pinatulog sa kwarto nya), parang napanindigan ko ang pagpapanggap ko na security guard dahil binantayan ko ang natutulog na magnanakaw na iyon.

Well.. wala pa akong ebidensya na magnanakaw nga sila dahil hindi pa naman sila kumikilos at dahil unang
araw ko pa naman dito sa kuta nila.

Pero alam ko at malakas ang kutob ko na sila na nga ang hinahanap ko.

Kaninang madaling araw ay lumabas ako at tiningnan kung nasaan ang lugar na ito. Parking lot pala ito ng isang 4-storey building na sa palagay ko ay abandonado.

Kinabisado ko rin ang mga daan papasok at palabas sa lugar na ito para kung magkabistuhan na, madali nalang para sa akin at sa mga kasamahan ko ang makapasok at makalabas dito.

Tumawag din ako kay Major kanina para ipaalam na nakapasok na ako sa teritoryo ng mga pinaghihinalaan kong mga kriminal.

Major: Magaling tenyente. Ngayon na nakapasok ka na sa kuta nila, magiging mas madali nalang sayo ang misyon mo. But, don't be complacent. Your mission just started and you have to be careful coz you don't have any idea yet kung sino talaga sila at kung sino pa ang mga kasama nila. Basta, keep wearing the tracking device para ma monitor ka namin.

Yan ang sinabi ni Major kanina sa akin. Pinaalam nya rin sa akin kanina na pumunta daw ng opisina si Mom at Kirsten, hinahanap ako. Sinabi naman ni Major sa kanila na may misyon ako ngunit hindi niya sinabi kung saan at kung ano.

Maingat akong lumabas ng elevator na parang bahay na ito kanina at maingat rin akong pumasok. Tiningnan ko ang wall clock nila. 5:11

5:11 na pala ng umaga. Babalik nalang ako sa loob ng kwarto nung Blaze para hindi nya mahalata na lumabas ako.

"SAAN KA GALING???"

Gulat na gulat ako sa taong nagtanong kaya agad akong natigil sa paglalakad papunta sana sa kwarto nya.

Kilala ko na ang boses nya. Sa trabaho ko, kailangan na matalas ang mga senses mo para hindi ka nila maisahan. Kaya kagabi, kinabisado ko ang mga boses at mga galaw nila..

Kaya alam ko na si Blaze ang nagsalita. Nilingon ko sya.

"K-kanina ka pa ba gising???"

Nilapag nya sa mesa ang dalang tasa na sa palagay ko ang laman ay kape.

"Bakit gulat na gulat ka?? May ginawa ka ba? Tsaka anong binabalak mo? Tatakas ka?"

"Ano ba.. Wala. Lumabas lang ako. Hindi kasi ako nakatulog buong magdamag. Ikaw ba naman ang matulog sa banig na nasa sahig tapos de-aircon pa. Ang lamig-lamig. Tsaka, hindi ako sanay sa aircon. Sa amin kasi, sa papag kami natutulog pero hindi naman ganun kalamig."

Mahabang paliwanag ko upang makumbinsi sya.

Ngumisi sya.

Sa tingin ko ay nakumbinsi ko nga sya.

"Ganun ba? Kawawa ka naman pala. O sige.. Bibigyan kita ng isang oras para matulog. Kailangan mo matulog dahil mamayang gabi, isasama ka namin sa lakad."

Yun lang ang sinabi nya tsaka sya agad na lumabas ng pinto.

Wow. Papatulugin nya raw ako?

Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para magtanong. Kung saan ang lakad nila mamaya.

Malamang.. Magnanakaw na naman sila..

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon