-1022-

110 8 10
                                    

Lumilipad ang isip ko habang nakikinig sa mga kwento ni Dwight sa akin.

Hindi kasi matanggal tanggal sa isip ko ang sinabi ni Leonard.

Kanina, pagkatapos naming mag-usap ng presidente, dumiretso na ako agad sa sinabi ni Dwight na lugar kahapon kung saan kami magkikita.

"Blaze, are you still here?"

Nagulat ako nang biglang itinapat ni Dwight ang palad niya sa mukha ko.

"U-uh, of course! Oo naman.. Bakit? Hindi naman ako umalis ah?"

"I mean, what's bothering you? Bakit parang ang layo naman ata ng nilipad ng isip mo? Snap out of it. Our food is here already."

Medyo nahiya ako sa kanya dahil nandito na pala ang mga pagkain na inorder namin.

Busog pa naman ako pero gusto ko lang sabayan si Dwight para naman hindi siya magtampo.

Wala rin kasi akong makakausap ngayon. Kaya pagtitiyagaan ko nalang si Dwight para naman makalimutan ko saglit ang mga problema ko.

Nagsimula na kaming kumain.

"Ah Blaze, about sa sinabi ko kanina. Sasama ka ba sa amin next day?"

"H-ha? May sinabi ka bang ganun?"

"Tingnan mo 'to.. Wala nga rito ang isip mo.. Ano ba kasing inaalala mo diyan? Si Reincci ba? O baka naman yung nagpakilalang 'MACHETE'?"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Anong Machete??"

"Yung kasama niyo? Yung Dominique ba iyon?? You know what? I don't really like that guy.. Binabakuran ka niya kahit kagrupo mo lang siya. Bakit nag-aastang boyfriend mo yun? May gusto ba sayo yun?"

Hindi ko nagustuhan ang tanong niya.

So, he warned Dwight nga.. Iba rin talaga.. Pagkatapos niya akong ireject, may balak pa atang bakuran ako. Ano bang gusto niya???

"Wala.. Let's not talk about him nalang, masisira pa araw natin pareho."

Bigla siyang natigilan at hindi ko maintindihan kung bakit ngiting-ngiti siya ngayon.

"So, you don't like him too? That's great Blaze. Wag ka talagang magkakagusto dun. Napaka feelingero eh! Sarap kutusan."

May kasama pang action ang pagkakasabi niya nun. Halatang nanggigigil ang isang to kay Dominique.

Well.. The feeling is mutual Dwight.

Pareho kaming nagulat ni Dwight nang biglang may sumiko kay Dwight mula sa likuran dahilan upang masagi ni Dwight ang tubig na nasa mesa.

Natapon iyon kaya nabasa si Dwight.

"What d fuck.."

"Dwight are you okay?"
Tanong ko sa kanya.

Pinagpag ni Dwight ang nabasa niyang pantalon.

"Ano ba?? Tumingin ka nga sa paligid mo! May tao dito oh!"

Galit na galit si Dwight habang kinakausap ang lalaki na nasa likuran niya.

Teka?? Parang kilala ko 'to ah???

"Bakit?? Akala ko kasi gusto ng mga isda na mabasa sila.. Kaya ayan, tinulungan na kita."

"Pati ba naman dito sinusundan mo ako??? Nananadya ka ba Dominique???"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon