-1018-

113 14 2
                                    

🇳 akatingin sa akin ang isang staff ng hotel kaya hindi ako nagpahalata na sinasadya kong kumubli sa pader.

Mukhang nakumbinse ko naman ang staff dahil hindi na siya tumingin sa akin.

Pasimple kong tiningnan si Blaze mula sa salamin..

Halatang mukhang naiinip na siya sa kinatatayuan.. At makalipas lang ang ilang minuto.. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaharurot iyon palayo.

Phew! Muntik na ako dun.. Kanina pa kaya siya dun?? Baka nakita niya ako..

Ano ba kasing ginagawa niya dito?? Di kaya.. Dito lang siya pumunta kanina?? Baka nga.. Tskk.. Mas lalo tuloy lumalakas ang kutob ko na alam na nga niyang buhay si Reincci, lalo na nung sinabi niya sa akin kanina ang nakita niya..

Hindi ako kumbinsido sa sinabi niyang nagmamalik-mata lang siya.. Baka nga hindi ko alam na nagkita pala sila kanina.. Isa lang ang pwedeng sumagot sa mga tanong ko..

Pero wala pa rin siya hanggang ngayon dito..

Nasaan na ba kasi si Reincci???

Bumalik ako sa front desk.

"Excuse me Miss.. Natawagan nyo na po ba si Paolo?"

"Oh! I forgot to tell you sir.. Mukhang umalis po ata si Sir Fontebella. Wala po kasing tao sa room niya. Pinuntahan na ng staff namin at ilang beses na kinatok, pero wala raw sumasagot. Siguro po, bumalik nalang po kayo bukas.. Pero mas agahan nyo po sir para maabutan nyo po siya."

Pambihira! Nakakainis naman!
Kung kelan nakahanap na ako ng tiyempo tsaka naman wala siya!.  Tsk.. Di bale nalang, at least alam ko na kung saan siya hahanapin..

"Ahh ganun po ba? Oh sige po salamat nalang. Babalik nalang po ako pag may pagkakataon. Pakisabi nalang po sa kanya na pumunta ako rito.."

"Sige po sir, makakarating.."

"Salamat ulit."

Umalis nalang ako. Kahit naman disappointed wala naman akong magagawa.

Palabas na ako ng hotel.

Hindi parin ako makampante dahil baka nasa paligid lang si Blaze at hindi pala siya umalis.. kaya, pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid.

Wala naman akong nakikitang bakas na magpapatunay na nandito pa nga siya.

Medyo madilim na rin dahil malapit na mag alas sais ng gabi. Ang mga ilaw sa kalsada ay nakabukas na..

Patuloy pa rin ako sa pagmamasid sa paligid habang naglalakad nang may biglang humablot sa kamay ko at tumangan sa akin na siyang ikinagulat ko ng sobra..

Hinila niya ako.. Actually, KINALADKAD niya to be exact.

I can't say na kamay ng babae ito dahil hindi naman gentle kung makahawak. Hindi ko rin siya makita dahil nasa likuran ko siya.. Yes, kinaladkad niya ako patalikod dahil dalawang kamay ko na ngayon ang hawak niya..

"Wait.. Who the hell are you!? Stop dragging me! Get off of me! Let me go!"

Buong lakas kong binawi ang mga kamay ko.

Bwiset na tao ito.. Ano bang trip niya!?

Ang sakit ng kamay ko..

Susunggaban ko na sana ang taong humila sa akin..

"Sorry.. Hindi ko gustong hilahin ka rito.."

Nang makilala, agad kong niyakap si Reincci.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon