-1008-

160 15 4
                                    

🇭 indi ako makatulog dahil sa sinabi nya kanina.

Alam nyo? Tanggap ko naman na astig talaga syang kumilos eh. Ang hindi ko matanggap, ay ang pag-aakala kong sa akin sya may gusto. Yun naman pala, kay BELLE.

Jutangina naman oh? Napahiya kaya ako dun! Kala ko talaga ako ang nagwagi. Tsk tsk.

Nandito ako ngayon sa isang kwarto. Ito lang kasi ang bukas sa lahat ng silid sa weird na bahay na 'to.

Wag nyo ako pag-iisipan ng masama ah? Hindi ako nanghihimasok sa kung sinong kwarto. Sadyang.. hindi ko pwedeng higaan ang sofa sa sala nila.

"Wag kang matutulog dito. May makikita kang multo.."

Pagkatapos nyang sabihin na gusto nya si Belle, tinakot naman nya ako bago sya pumasok ng kwarto.

Tinatakot nya lang kaya ako?

May multo daw sa sofa.. ?

Hindi ako natatakot ah? Ayoko lang talaga matulog sa sofa. Parang.. Hindi ako komportable kasi. 😁

Wala namang masyadong kagamitan ang kwartong 'to maliban sa kama, mesa na may maliit na lampshade, at wall clock. Kung sinuman ang nasa labas ang may-ari nito, ang tanga nya dahil hindi nya nilock ang pinto.

Nakailang beses na akong nag-iiba ng posisyon sa paghiga para makatulog ngunit..

Bwiset! Pasado ala una ng madaling araw na pala!

Kasalanan ng babae... este.. Teka? Babae naman sya ah? Oo nga! kahit gusto nya si Belle.. Babae pa rin naman sya di ba?? Ano ngayon??

Huy Doom! Ano bang nangyayari sayo? Bakit ang hirap sayo na tanggapin na tibo nga sya??

Ano ba Dominique? Dapat sanayin mo na sarili mo. First impression lasts nga di ba? Tsaka, Your mission is to find out their illegal activities.. Not to ascertain that BLAZE's preferences .

Oo nga! Nandito ako para tuklasin ang mga illegal na ginagawa nila. Wala na akong paki alam kung anong issue nila sa isa't-isa. Mas lalo na, kung ano ba talaga ang kasarian ng lider nila.

Pero.. Talagang namimihasa na ang babaeng yun sa pagpapahiya sa akin! Kaya hindi ako makakapayag na hindi ako makaganti! ( ͡° ͜ʖ ͡°)



"GISING!!!!"

Sa gulat ko, agad kong kinuha ang handgun sa libro na katabi ko.

"HOY! CB!!"

Gago. Si Blaze pala. Ano bang problema nito? Istorbo, nakaidlip na ako eh!

Ibinalik ko ang baril sa libro at binuksan ang pinto.

"Oh? Bakit ka naka costume? Saan lakad mo?"

Tanong ko na ang tinutukoy ko ay ang all-black attire nya ngayon. Mula sa cap, hanggang sa sapatos.

"Tss.. 😒 Wala akong balak makipag biruan sa'yo. Sasama ka sakin, may lalakarin tayo. "

Ha? Saan naman kami pupunta sa oras na ito? Tsaka, di ba to napapagod? Akala ko ba, pagod sya? Yun nga yung sabi nya kanina di ba?

"Huy!!!"

"Ha?"

"Anong ha!? Tara na!"

"Ha!?? Ngayon na? Agad agad!?"

"Tsk!"

Yun lang at tinalikuran na nya ako.

Teka.. Kailangan kong isuot ang mahiwagang jacket ko para ma trace nila Major kung saan kami pupunta ngayon.

Agad akong nagbihis ng pantalon at kinuha ang jacket ko na nasa kama pati na ang handgun na nasa libro. Inilagay ko ito sa loob ng pantalon ko.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon