-1007-

194 17 5
                                    

auwi na kami ngayon.

At gaya kanina nung papunta kami sa Casa, kina Belle pa rin ako sumabay pabalik sa kuta nila.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maintindihan kung anong nasaksihan ko kanina.

"Ahh.. Belle?"

Lumingon sya sa akin.

"Oh? Ano yun Dom?"

"Akala ko ba, wala kang ideya kung saan tayo pupunta kanina..?"

"(◕‿◕) haha. Pasensya ka na Dom ha? Kabilin-bilinan kasi ni Blaze sa amin na wag na wag sasabihin sayo kung saan tayo pupunta kanina."

"Ganun ba? Bakit naman?"

"Ewan ko. Ganyan naman talaga si Blaze. Pa suspense. Hehe."

"Ang sabihin mo, gusto nya lang na kabahan yang si CB! Masyado kasing pa-cool." Natatawang sabat ni Kyle sa usapan.

Teka..narinig ko yun ah? Ano ba gustong iparating ng Kyle na to? Baka akala nya, hindi ko sya papatulan?

"Siguro tama ka Kyle. Gusto nya akong kabahan. Binigyan ba naman ako ng kutsilyo. Akala ko nga, ako ang papatay ng may-ari ng bahay na akala ko pagnanakawan natin kanina. Sayang.!" Ganti ko sa kanya.

Huh! Akala siguro ng Utoy na 'to na mahina ako..

Oo. Utoy. Alam ko na mas matanda pa ako sa kanya. Parang magkaedad lang din sila nila Belle.

Nabigla ako nang bigla nyang pinahinto ang kotse.

"Huy!? Ba't ka huminto?" -Belle

Imbes na si Belle ang sagutin, ako ang tinanong nya. Lumingon sya sa akin.

"Totoo ba?" -Kyle

"Ang alin?"

"Na handa kang pumatay?"


Ulol! Malamang! Kung hindi ko nga lang nirerespeto ang batas, malamang sa malamang, pinaglalamayan na kayo ngayon!

Pero syempre.. Kailangan kong magkunwari..

"Oo naman! Lalo na kung yun ang kailangan para may pakinabang naman ako. Katulad ko na bago palang, dapat talaga gawin ko ang mga bagay na yan para pagkatiwalaan nyo ako at tanggapin na talaga sa grupo."

Tiningnan ko silang dalawa ni Belle.
Wala naman akong maaninag na pagdududa sa mukha ni Belle. Pero si Kyle..

"TSK!" Umiiling siya na bumalik sa manibela.

Pinaandar nya uli ang kotse, tsaka nya pinaharurot. Dahil sa sobrang bilis, agad kaming nakarating sa parking lot ng kuta nila.

Nandito na rin ang iba nilang kasama. Pati si Blaze..

Napako agad ang paningin ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi tititig sa isang babae na naka indian
sit sa hood ng kotse nya habang abala sa paghithit ng sigarilyo?

"Blaze! May sasabihin ako sayo!" -Kyle

Aba'y magsusumbong ba 'to?

"Ano yun?" Sagot ni Blaze habang abala pa rin sa ginagawa.

"Wag dito!"-Kyle

"Kyle. Pwede bang bukas nalang yan? Pagod ako gusto ko munang mapag-isa.."-Blaze

"Hindi pwedeng ipagpabukas to Blaze! Baka wala ng matira sa atin! Baka patayin nya tayong lahat!"

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Kyle.
Nagsumbong nga ang hunghang. 😏
At dinuro pa ako! Tangina, nakaka insulto ka na ah?

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon