-1012-

208 19 7
                                    

🇧 umalik na kami sa bahay nila.
Kasalukuyang abala ang mga kasama nya sa pagparte-parte sa perang nanakaw nila ngayong gabi.

"Dom?  May bank account ka?" -Belle

"W-wala." Pagsisinungaling ko.

"Ibigay mo nalang sa kanya ang parte niya Belle. Baka kailangan na nyang padalhan ang pamilya nya. Ilang araw na rin siguro syang hindi nakapagdala sa kanila." -Blaze.

Tiningnan ko sya. Nakasandal sya sa pader and as usual, naninigarilyo.

Tinitigan ko sya..
Bakit nya kaya ginawa yun kanina?
Bakit nya ako hinalikan?

-flashback-

BIGLA AKONG HINALIKAN NI BLAZE.
Ni hindi ko na maramdaman ang buo kong katawan dahil sa ginawa nya.

Habang magkadikit ang mga labi namin, abala naman ang mga mata nya sa pagsipat kay Kirsten.

Kumalas sya sa paghalik.

"Wala na sya." Pahayag nya nang makaalis na siguro si Kirsten.

May sinasabi pa sya ngunit di ko maintindihan. Natulala nalang ako dahil sa ikinilos nya..

Parang kahapon ko lang napanaginipan na hinalikan ko sya..

"Kyle to Blaze. Tagumpay ang misyon. Nailipat na namin ni Francine ang pera."

Narinig ko si Kyle na nagsalita sa radio.

Natuwa si Blaze sa ibinalita ni Kyle at pagkatapos ay umuwi na nga kami.

-end of flashback-

"Oh! Tama na yan! Matulog na kayo. Maaga pa tayo bukas." Inilagay nya ang upos sa ash tray na nasa mesa ng sala. Tsaka sya nagsindi ng panibagong sigarilyo.

Naiwan kaming dalawa ni Blaze.

"Matulog ka na. Kailangan bago mag alas kwatro naka alis na kayo dito."

"Saan ba tayo pupunta bukas?"

"Sa Baryo Malubay."

"Ha? Saan naman yun?"

"Basta! Matulog ka na."

"T-teka.. Di ba? Sabi mo? Pwede akong magtanong ng kahit na ano sayo?"

Bigla nyang nilagay sa ash tray ang sigarilyo at pinatay ang sindi.

"Bukas mo nalang itanong ang mga yan. Matulog ka na, baka marinig pa nila tayo."

Tsaka nya ako iniwan.

Grabe naman yun..

                   --𝕂𝕚𝕟𝕒𝕓𝕦𝕜𝕒𝕤𝕒𝕟--

Gaya ng sabi ni Blaze, maaga nga kaming ginising ni Kyle. Alas tres palang ay naghanda na sila sa mga dadalhin.

"Oh? Magdala kayo ng extrang damit. Malayo ang Baryo Malubay at walang gaanong bahay. Wala tayong mahihiraman ng damit doon." -Kyle

Hinintay kong lumabas si Blaze sa kwarto dahil wala pa sya dito sa sala.

"Asan si Blaze?" Tanong ko kay Belle.

"Nauna na sya Dom. May aasikasuhin pa raw."

"Tara na. Naghihintay na sila Blaze." Anyaya ni Kyle.

Sumabay na ako kay Darren at Belle.

Si Kyle, Francine, Kiray at Igi naman ay magkasama sa van.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon