-1009-

147 11 3
                                    


🇮 didn't noticed we stopped in front of an eatery.

Siguro dahil sa sobrang daming tumatakbo sa isipan ko kanina habang tumatakbo rin ang sinasakyan naming motor.

Bumaba na ako. Tsaka nya tinanggal ang susi at inilagay sa bulsa. Ang bag na dala ay isinukbit nya. Tsaka nya hinubad ang suot na jacket.

Naka white T-shirt na sya.
Nilagay nya sa manibela ang jacket.

Ang bargas talaga..

"Kain muna tayo bago tayo bumalik ng bahay."

Nasa kaliwang bahagi ng kalsada ang kainan, kaya kailangan naming tumawid.

Magbubukang-liwayway na rin. At medyo maliwanag na.

Hindi ako kumibo..

Iniisip ko pa rin ang kapalaran ng babaeng ito. Pati na ang mga kasamahan nya.

Concern na ba ako sa kanila?

Malamang. Ayoko rin namang may mga taong nabubuhay sa paggawa ng krimen. Kaya lang, choice nila yun eh. Choice nilang mapasama at choice nilang labagin ang batas.

Pero.. Hindi pa naman huli ang lahat para magbago.

Pero.. Pano nga kung konektado sila sa pagkamatay ng kapatid ko?

Kung totoo man, hindi ko maipapangako na dadalhin ko sila sa presinto na buo pa ang mga ngipin. Dahil sigurado, bubungalin ko silang lahat kapag nalaman kong may kinalaman sila sa nangyari kay Reincci.

Ayoko rin namang ilagay sa kamay ang batas hindi dahil sa utos ni capitan at major, kundi dahil nirerespeto ko ang batas mismo.

Nakatawid na kami.

"Um-order ka kahit anong gusto mo." Utos nya sa akin.

Aminado akong gutom na ako. Ngunit parang hindi kakayanin ng sikmura ko na kumain ng ganito. I mean, ang sasarap ng mga pagkain sa karinderyang ito. Ngunit, alam ko naman na ang ibabayad nya ay ang perang NINAKAW nya.

Ang tawag dito? KONSENSYA.

Kaya lang, gutom na talaga ako.. Kaya oorder nalang ako. Tutal, huhulihin ko rin naman ang babaeng to, pagbabayaran din naman nya ang mga kasalanan nya sa bilangguan. Tsaka, babayaran ko na lang ang lahat ng kinain ko pag nakabalik na ako sa San Mateo. Siguro kay major ko nalang ibibigay ang pera o baka si Major na din ang magbabayad. Basta, sa kahit anong paraan mabayaran ko lang ang lahat ng kinain ko simula nung dumating ako dito, ayaw ko rin namang kumain ng galing sa nakaw.

"Ahh.. Miss pa order nga ng dalawang rice tsaka isang adobo at isang nilagang baboy."

Sinabi ko na ang oorderin ko pagkatapos tingnan ang menu nila na nakasulat sa likod ng kalendaryo na nasa pader.

Actually, may mga naka display naman. Siguro sample ng mga pagkain nila. Pero, may nakasulat din naman kaya hindi ka na manghuhula kung anong putahe ang siniserve nila.

Oo na. Mabigat agad sa tiyan ang kakainin ko ngayon. Eh.. Sa gutom na gutom na ako eh?

Dahil madaling-araw pa, wala pang masyadong tao sa lugar. Malaki rin tong kainan na ito.

Hinanap ko si Blaze. Ayun! Nasa pinakalikod sya umupo habang kinakalikot ang cellphone nya.

Lumapit ako sa kanya.

"Pwede bang dito nalang ako kumain?"

Huminto sya saglit at tiningnan ako.
Pagkatapos ay bumalik muli sa pagkakalikot ng cellphone.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon