-1003-

232 15 1
                                    


"TAO PO!.. SIR! SIR!"

TOK! TOK! TOK!

Napabangon ako ng wala sa huwisyo, dahil sa sobrang lakas ng pagkalampag sa pinto ko.

Binuksan ko ang pinto.

"Ano ba yun!? Haayyy.."

Nakapikit at nahihikab kong tanong sa taong nasa labas ng apartment ko.

"S-Sir.. Pasensya na po naistorbo ko ang tulog nyo.. Kasi.. Kanina ka pa tinatawagan ng opisina, hindi ka naman sumasagot kaya pinapunta na ako ni major dito para personal na sabihin sayo na ngayon ka raw pupunta sa Halcyonville."

Iminulat ko ang mga mata ko.

(O.O)

Si Sky pala ang nandito.
Teka...

NGAYON NA MAGSISIMULA ANG MISYON KO!?? TOTOO BA!?

"You mean.. Ngayon ko sisimulan ang misyon ko?? Teka.. Anong oras na ba?"

Sinipat nya ang suot na relos.

"Mag aala-una na po Sir."

"Ay! Pota!" Napamura ako dahil late na pala akong nagising.

GAGO! Ang irresponsable!

"Naka kotse ka ba Sky?"
Tumango sya bilang sagot.

Hindi ko kasi dadalhin ang kotse ko dahil pupunta na nga ako ng Halcyonville ngunit, syempre.. dadaan muna ako sa opisina.

"Sige. Hintayin mo ako dito. Maliligo lang ako ng mabilis. Sasabay na ako sayo."

"Oh sige Sir"

Agad akong dumiretso sa taas para maligo.

Gago talaga.! Nakakahiya kay Major!
Sana pala di nalang ako sumama sa lakad nila Kuya Robi kagabi.--sya yung pinsan ko na galing abroad dahil may inasikaso na negosyo at kahapon lang nakauwi. Nagkayayaan na mag bar hopping kaya ayun! Na lasing, nalate ng uwi at ngayon.. nagbabadya na pagalitan ni Major.

Bahala na..

Lumabas na ako ng banyo tsaka nagbihis.

Mabilis lang akong magbihis kaya bumaba na ako. Nakita ko na tumayo si Sky pagkakita nya sa akin.

"Let's go."

Nagpatiuna ako sa paglalakad.
Ni-lock ko ang pinto.

"Oh. Ikaw na muna ang bahala sa apartment habang wala ako."

Inabot ko sa kanya ang susi ng unit ko.

"Magpadala ka nalang ng mga maglilinis. Matatagalan rin siguro akong makabalik, tsaka wag kang mag-alala, walang mawawala dyan. Wala rin namang nanakawin dyan dahil bukod sa sofa at mga damit ko, wala ng ibang kagamitan sa loob."

"Ako na bahala sir."

Sagot nya habang pinapa andar ang sasakyan.

Papunta na kami ngayon sa opisina. Ibibigay ko kay Major ang baril at mga gamit ko para maitago ng maayos.

Pagdating namin ni Sky, dumiretso na kami sa opisina ni Major.

"Magandang hapon Major!"

Nagsaludo ako sa kanya ngunit hindi sya tumugon dahil sa mga papeles na inaatupag nya ngayon.

"Magandang hapon din Tenyente. Ano ang dahilan bakit ka natagalan? Kanina pa kami tumatawag sayo, hindi ka sumasagot."

"Pasensya na Major.. Nagkayayaan kasi kami ng mga pinsan ko kagabi kaya ayun. Nalate ng gising. Sorry."

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon