-1004-

310 17 8
                                    

Dinala nila ako sa isang parking lot na wala namang mga sasakyan.

Pagdating namin doon, agad na pumasok yung Belle sa isang pinto.

Iniwan nya kami nung Kyle.

"Pare? Dito ba kayo tumatambay?"

"Ayos din mga tanungan mo guard ah?" Natatawa sya nung sinabi nya yun.

"Maghintay ka lang. Makakaharap mo rin ang lider namin. At, humanda ka.. malupit yun." Pagpapatuloy nya.

"Asan na? Alam mo?kahit gaano Pa sya kalaki, hinding-hindi ko sya uurungan." pang-aasar ko sa kanya.

"Haha! Kakainin mo lahat ng sinabi mo."

"Ano bang ginagawa ko dito? Dahil Lang Ba nagnakaw ako, bubugbugin nyo na ako? Ano bang karapatan nyo? Mga pulis Ba kayo? O mga alagad nila? O baka naman nag aastang SUPERHEROES? hahaha!"

"Aba'y gago ka ah?" Inaktohan nya akong uumbagin.

"KYLE! Tama na yan!" May babaeng biglang nagsalita. Sinigawan nya yung Kyle.

"Pasensya na Blaze. Nakakaasar kasi."

Blaze..

Sya na ba yung sinasabi nung Belle?

Tiningnan ko yung babae mula ulo hanggang paa. Terno pa yung suot nyang bonete at T-shirt. Tingin ko ay kasing edad ko lang sya. Pero, napakalakas ng aura nya..

May dalawang babae at dalawang lalaki syang kasama bukod kay Belle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May dalawang babae at dalawang lalaki syang kasama bukod kay Belle.

"Sino ka? Dayo ka ba dito?"
Tanong nya sa akin.

Napakalakas ng aura nya pero di naman ganon ka tigas yung boses nya.

"O-oo. Ikaw na ba ang lider nila?" Tanong ko. Teka? Bakit ba ako nauutal?? Na iintimidate ba ako sa babaeng astang lalaki na ito?

Hindi ako sinagot ng babae.
Sumenyas sya kay Kyle na ibigay ang wallet ko sa kanya.

"Hmmm.. Dominique Cruz Benitez, 22 anyos. Isang security guard..(pause)
Teka, SECURITY GUARD ka? Seryoso? Haha"

"Bakit? Anong nakakatawa sa pagiging gwardiya ha? Miss? Mister? O kung ano ka man."

Biglang sumimangot ang babae.

Binigay nya ang wallet ko kay Belle. At, lumapit sya sa akin. Nagalit ata sa biro ko.

Bwiset..bakit ako kinakabahan ng ganito? Ano bang meron sa babaeng ito? Hindi naman sya katangkaran tsaka mas matangkad lang sya ng kaunti kay Belle. Kayang-kaya ko sya patumbahin. Pero, hindi pwede kasi may mga kasama sya. Kailangan ko nalang magpanggap na walang alam sa self defense kung saka sakaling bigla nalang nya ako sakalin.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon