-1011-

178 13 3
                                    

🇲 amayang gabi ang lakad nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🇲 amayang gabi ang lakad nila.
Actually, namin pala. Sa buong umaga ay hindi ako makakita ng pagkakataon para tawagan si Major.

Nakakainis naman kasi. Bakit hindi nalang kasi sila nag set up ng radio na pwede kong suotin patago para malaman nila ang mga pinag-uusapan namin dito.

Tsk! Tanging ang tracking device lang at ang baril ang binigay nila sa akin.
Wala man lang mga high-tech weapons and gadgets na pwede ko gamitin.

Kailangan ko pa tuloy maghanap ng pagkakataon at ng telepono para tawagan sila.

Pag ganito, baka mabuking nila ako. Magtataka sila kung bakit halos araw-araw na akong tumatawag sa "pamilya" ko.

Alam ko na may mga kasamahan ako na nasa paligid lang. Naghihintay ng hudyat ko. Pero kailangan ko pang malaman ang pinunta ko dito. Kaya hindi ko pa sila pwedeng ipaaresto/arestuhin.

"Mag aalas singko na. Magsihanda na kayo. Aalis tayo mga alas syete."

Anunsyo ni Blaze sa amin.
Pagkasabi nun, pumunta na sila sa mga kwarto nila para maghanda.

Aalis na sana ako.

"Teka, magsuot ka ng formal. May formal na damit ba sa cabinet mo?"

"Oo. Meron yun panigurado. Sa dami ng damit na nandun. Kaninong damit ba ang mga yun?"

"Sa dati naming kasama na namatay."

(⊙︿⊙)

DAMIT SA NAMATAY ANG MGA YUN!?
MOTHERFUCK*R!

"ANO!? at bakit mo pinasuot sa akin!? Jusko naman Blaze!"

"Tss.. Hindi naman nya sinuot ang iba doon. Ang OA mo. Di bagay sa'yo."

"Aba! At dapat lang? Sya ba ang sinasabi mong multo sa sofa? Baka naman mas multuhin nya ako dahil sa kwarto nya ako natutulog!?"

Kadiri! Sa patay pala ang mga yun!
Hayp na Blaze.. Nakakatakot at sinuot ko pa.. Tapos sa kwarto at sa kama nya pa ako natutulog!

"Hindi naman kasi yun natutulog madalas doon. Sa sofa sya natutulog nung nabubuhay pa sya. Kaya wag kang mag-alala, hindi ka niya mumultuhin." Natatawang saad nya.

Loko ka! Yun pala talaga ang sinasabi nyang multo..

"Bakit di mo nalang kasi ako bigyan ng pera para ako nalang ang bumili ng mga damit na para sa akin talaga? Tsaka, padadalhan ko na rin ang mga magulang ko. Yung mga na hold-up ko sana yung ipapadala ko. Kaso, kinuha mo."

Duhh.. Buti nalang magaling akong umacting. Well, part naman talaga yun ng training namin. So, no wonder why..

"Wag kang mag-alala, mamaya pag naging successful ang lakad natin, bibigyan na kita sa parte mo. Magbihis ka na, mag-aalas sais na."

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon