-1006-

187 12 2
                                    

WALA akong ideya kung saan kami pupunta at ano ang dadatnan ko sa pupuntahan namin.

Nakasakay kami ngayong tatlo sa isang puting van na minamaneho ni Kyle. Si Belle ay nasa passenger seat na katabi ni Kyle at ako naman ay nasa backseat.

Kanina pa kami umalis sa parking lot at kanina pa walang imik ang dalawang kasama ko ngayon sa kotse.

"Belle? Saan ba talaga tayo pupunta?" Pagbasag ko sa katahimikan.

Nilingon nya ako pagkatanong ko non.

"Ang totoo nyan Dom, wala rin akong alam eh."

"Pwede ba CB tumahimik ka nalang. Malalaman mo rin kung saan pagkadating natin dun. Ihanda mo na sarili mo sa bakbakan."

Gago... Isa pa tong Kyle nakiki-CB na rin.

Bakbakan??? Agad agad???
Grabe naman pala ang ENSAYO na sinasabi ni tibo.. Aktwal nakawan agad.

Hindi nalang ako umimik.

Dahil wala akong relos, tinanong ko uli si Belle. This time, ang oras naman ang tinanong ko sa kanya.

"6:15 na Dom. Bakit?"

"Ahh wala. Napasarap pala talaga ang tulog ko kanina."

"Oo nga. Pasalamat ka matagal dumating si Blaze kanina at nakatulog ka pa ng mahimbing dahil pag nagkataon na maaga syang dumating... Ewan ko kung ano mangyayari sayo CB." Sabat naman ni Kyle.

"Pwede ba Kyle, tigilan mo na nga ang pang aalaska mo kay Dom? Bakit di mo nalang sya tanggapin sa grupo? Tsaka.. Nakiki CB ka pa. Hindi CB ang pangalan nya. DOMINIQUE."

Buti pa to si Belle..

"😏 alam ko. Kakasabi nya lang kanina di ba? Tsaka, yun ang tawag ni Blaze sa kanya, kaya marapat lang na yun din ang itawag natin sa kanya. Ikaw? Tawagin mo sya sa pangalan nya kung gusto mo alam ko naman na kilala mo na sya eh. Gusto mo na nga agad.."

Hmmm...... I smell something fishy sa dalawang to.....

Kaya siguro walang umiimik sa kanilang dalawa simula pa kanina dahil malamang sa malamang. Nagseselos itong KYLE sa AKIN.

Ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan, kaya iniba ko nalang amg topic.

"Blaze... Bakit panlalaki ang pangalan niya Belle? Tsaka.. Bakit kayo natatakot sa kanya? Eh para naman syang mabait."

"Hindi naman TAKOT yun Dom, kundi RESPETO. Siguro yung iba takot sa kanya. Gaya ni Kyle." Pasaring nya kay Kyle.

"Wow!. Hindi ka takot kay Blaze?? Talaga?? Hahahaha!!! Alam mo CB, TAKOT kaming lahat sa kanya. Bukod sa brutal, takot lang namin na mawalan ng pinagkikitaan. Si Blaze ang lider ng grupo. Sya ang namumuno sa amin. Kung nasaan sya, nandoon ang pera kaya sumusunod kami lahat sa kanya. Pati si Belle." Bawi niya kay Belle.

"Ahh.. Ako kasi hindi naman ako natakot sa kanya. Siguro kung malaking bulas at lalaki sya, gaya ng naiimagine ko nung una, matatakot pa siguro ako. Nakakadismaya nga eh. Maliit pala tsaka babae. Astang lalaki nga lang. " pagyayabang ko kay Kyle. HAHAHA
TAKOT SILA DUN? Pati yung Darren?? Eh magkasing-tangkad lang kaming tatlo. Tapos masisindak lang kami sa isang yun? Haha. Siguro sila. Pero ako?? No way!

Nanlaki ang mga mata nilang dalawa ni Belle sa sinabi ko.

"Huh! Kakainin mo talaga yang mga sinasabi mo." -Kyle

"Tingnan natin.." -Ako

Ilang saglit pa ay huminto kami.

"Nandito na tayo." Pag-anunsyo ni Kyle sa amin.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon