-1020-

187 17 8
                                    

🇦 ng akala ko ay ako ang lasing na lasing sa aming dalawa, pero hindi na halos makasakay si Kiray sa kotse kanina kaya tinulungan ko siyang makapasok.

Alam ko naman na masamang magmaneho ng nakainom.. Lalong-lalo na pag lasing. Pero, parang nawala nalang bigla ang epekto ng alak sa akin nang makita ko si Kiray na halos humiga nalang sa kalsada dahil sa kalasingan.

Hindi ko nga akalain na lango na pala talaga siya, ang tino niya pa kasing kausap kanina..

Malapit na kaming makarating sa bahay.

Narinig kong parang naduduwal si Kiray sa likod.

Tiningnan ko siya sa rearview. Binuksan niya ang bintana ng kotse at inilabas ang ulo.

"Kiray.. Ipasok mo ang ulo mo... Konting tiis nalang, malapit na tayo.."

Nakita ko naman na ipinasok niya ang ulo.

Binilisan ko pa ang takbo ko para makarating na kami.

Mahirap na.. Baka masukahan pa ang kotse ko..

Mga limang minuto ang lumipas,

Sa wakas at nakarating na rin kami!

Agad akong lumabas at pumunta sa pinto ng backseat.

"Saan kayo galing?"

Gising pa pala siya.. Tsaka, nandito siya sa labas??

Hindi muna ako sumagot dahil inuna ko munang palabasin si Kiray dahil parang nagpipigil lang siyang mailabas ang kanina niya pa kinikimkim.

Saktong nakalabas na siya nang bigla siyang sumuka...

Umupo siya sa sahig at patuloy na sumuka.

Hinayaan ko lang si Kiray..

"Teka, bakit siya lasing!??? Saan nga kayo galing???"

Lumapit na siya sa amin.

"Wala, uminom lang kami.."

"Ano??? Uminom kayo na kayo lang dalawa?? Kanina pa kayo dun??? Anong oras na ngayon??? Mag aalas dose na! Jusko naman Blaze... Pano kung napahamak kayo dun??? Nahuli kayo ng pulis at nakulong!? Pano kung may nangtrip sa inyo!? At may nangyaring masama sa inyo??? Hindi mo ba alam na nag-aalala na kami sa inyo dito?? Ni hindi man lang kayo tumawag o nagtext man lang.. Ni hindi MO MAN LANG AKO TINEXT para sana napuntahan kita dun! Kapag may nangyaring masama sa inyo..lalong lalo na SA'YO, hindi ko alam kung anong gagawin ko!"

Napansin ko na parang nawala na ang mga bulutong niya.

"Wait a minute.. Magaling ka na ba??? Bakit nasa labas ka?? Ahh.. Siguro magaling ka na nga.. Sa galing ba namang mag-alaga ni Belle di, ba? Kaya ka siguro nandito at pinapagalitan na kami kasi bumalik na ang energy mo.. Oh, pumasok ka na sa loob?? Kasi baka ikaw naman ang pagalitan ng nurse mo.. Sige ka.. ikaw rin.."

Naiiling siya na parang Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Huh.. Pwede bang sumeryoso ka naman Blaze!???? Buong araw kayong wala sa bahay! Buong araw din kaming hindi mapakali ni Belle! Pinilit kong bumangon! Kung saan na ako napadpad para lang mahanap kayo, dahil nag-aalala ako sa inyo! Lalong-lalo na sa'yo! Kaya, wag mo naman gawing biro ang lahat!.."

Para akong nagising dahil sa sinabi niya.

"T-totoo?? H-hinanap mo k-kami???"

"Oo. At kung ang akala mo, ang saya namin ni Belle dito.. Nagkakamali ka, dahil pati siya halos mabaliw na sa pag-aalala. Baka raw kung napano na kayo kaya hindi pa kayo umuuwi. Buti nga't nakinig sa akin at nakatulog na.. Bakit ba kasi kayo lumabas na kayo lang?? Na wala man lang pasabi??? Sa susunod ha.. Wag na wag nyo ng gawin yun!"

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon