-1019-

99 13 4
                                    

🇭 alos paliparin ko na ang motorsiklo ko para makarating agad sa bahay.

I need to hurry! He must be waiting for me..

Nakabili na ako ng gamot para sa lagnat at pati na rin para sa mga blisters ng balat niya.

Malapit na ako sa parking lot kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko.

Ilang sandali lang, sa wakas ay nakarating na rin ako.

Agad akong bumaba at dumiretso sa loob.

"Kumusta na siya???"

Agad kong tanong sa mga taong nagbabantay sa kanya ngayon.

Nadatnan ko si Kiray at si Belle.. Nasa tabi mismo ni Dominique si Belle, nakaupo sa gilid ng kama niya.

Teka.. Baka hindi pa nagkakabulutong itong si Belle..

"Belle anong ginagawa mo diyan??? Umalis ka dyan baka mahawahan ka ni Dominique!"

"Tapos na akong magkaron nyan Blaze kaya wag ka ng mag-alala.."

Kaya pala confident na confident tumabi kay Dominique..

Tiningnan ko si Dominique, natutulog lang siya.

Napansin kong medyo basa ang damit niya.

"Teka, tapos mo na ba siyang punasan Kiray?"

"A-ahh. Oo.. Kanina pa."

"Bakit hindi mo man lang pinalitan ng damit??"

"Ehh.."

Lalapit na sana ako kay Dominique nang pigilan ako ni Belle.

"Ako nalang ang magpapalit ng damit niya Blaze.."

Hindi ko mapigilang matigilan dahil sa sinabi niya.

Siya na raw ang magpapalit sa damit ni Dominique.. Ibig sabihin, gusto niyang siya ang mag-alaga dito..

Well.. Ano namang problema doon? Okay nga yun, hindi na kami maaabala ni Kiray..

"O-Ohh S-Sige.."

Tumabi nalang ako at hinayaan siya. Kumuha muna siya ng damit sa cabinet tsaka siya muling lumapit dito. Kinuha niya muli ang bimpo at maingat na pinunasan muli si Dominique. Habang kami ni Kiray, nakatayo lang na pinanonood siya.

Pagkatapos niyang punasan ito, akala namin bibihisan na niya agad ng panibagong damit si Dominique.. Pero, tumigil siya at tiningnan kami.

"Ahh.. Pwede bang lumabas muna kayo?? Baka kasi magising si Dom tapos makita niyang naka tunganga lang kayo diyan habang binibihisan ko siya.. Alam nyo na.. Baka mahiya siya.."

Nagkatinginan kami ni Kiray.

Minsan pang kumurap-kurap ang mata ni Kiray..

"O-oo nga naman! Tara na Blaze, lumabas muna tayo.."

Hindi na ako naka react dahil hinila na niya ako palabas.

"Hayaan nalang natin si Belle doon. Mukhang marunong naman siyang mag-alaga ng pasyente eh.. Tsaka, si Dominique ang inaalagaan niya kaya paniguradong iingatan niya yun.."

Tiningnan ko si Kiray.

Halatang alam din niya ang tungkol sa hindi matago-tagong nararamdaman ni Belle kay Dominique..

Wala nalang akong nagawa kundi ang mapa buntong-hininga.

Well.. She's right. We will let her take care of him while he is still sick.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon