-1017-

137 12 0
                                    

🇵 asado alas singko nang magising ako.

Mga tatlong oras lang ako nakatulog dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ma process ng utak ko ang nakita ko kagabi.

Buhay si Reincci at magkikita kami bukas..

Marami akong gustong itanong sa kanya .. Kung pano siya nakatakas at sino ang mga taong inilibing namin. Kung bakit hindi niya sinabi sa amin ang lahat.. At kung alam ba ni Blaze na buhay siya....na buhay ang nobyo niya..

Hindi na ako makapaghintay na malaman ang sagot sa mga tanong ko.

Baka alam ni Blaze ang tungkol dito.. Baka siya ang babaeng sinasabi ni manong driver na kasama ng kamukha ko.. Baka magkasama sila ni Reincci nang araw na iyon..

Palabas na ako ng kwarto dahil tapos na akong maligo.

Kahit puyat kakaisip sa mga nangyari.. kailangan ko pa ring gumising ng maaga para puntahan sila Blaze. Hanggang ngayon kasi, wala pang ni-isa sa mga kasama niya o kahit siya mismo ang nandito.

Siguro, okay na kung ngayon ako pupunta sa presinto. Hindi na siguro magtataka ang mga pulis kung ngayon ko sila puntahan para magpyansa nang makalabas na sila. Gagamitin ko nalang ang perang nakuha namin kagabi.

Papunta na ako sa sala.

Napansin ko kaagad ang repleksyon ng tao sa malaking salamin na nasa dingding.

Teka...

"B-Blaze??"

Agad na tawag ko sa kanya nang makita ang malinaw na repleksyon niya sa salamin.

Nakaupo siya sa sofa habang nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang hita.

Agad akong lumapit sa kanya.

Ngayon ay nakita ko kung anong itsura niya..

Bagong ligo si Blaze at nakapagbihis na.

Nakalabas na pala si Blaze.. Kagabi pa kaya siya dito? Pero, parang hindi naman.. Mukhang kararating niya lang kasi..

Masamang tingin ang agad na sumalubong sa akin nang makalapit na ako sa kanya.

"SA'N KA PUPUNTA???"

Matigas na tanong niya sa akin na hindi man lang gumagalaw sa kinauupuan.

"Pupuntahan ko na sana kayo sa presinto para pyansahan. Pero, nandito ka na pala.."

Bigla siyang tumayo.

"Talaga!?? Baka naman tatakas ka?? Asan na ang pera!?"

"Relax Blaze.. Alam mo namang hindi kita gagantsohin.. Heto ang pera, walang bawas yan kahit piso."

Binigay ko sa kanya ang bag.

Pag pera talaga pinag-uusapan, nagiging wild ka..

Agad naman niyang kinuha
iyon.

"Tsaka.. Kung may balak man akong takasan kayo, edi sana.. Kagabi ko pa ginawa.."

Nag roll eyes siya sa akin.

"Teka, bakit ngayon mo lang naisip na puntahan kami doon!? Gusto mo bang ma detain kami ng matagal!? Sabihin mo nga sakin.. May binabalak ka ba??"

"Blaze.. Pwede ba? Ilang beses mo na akong tinatanong ng ganyan.. Wala akong binabalak na masama.. Hindi agad ako pumunta doon dahil mainit pa ang mata ng mga parak sa atin. Baka kung sumunod agad ako, imbes na pyansahan ko kayo baka pati ako ikulong din nila. Siguradong magtatanong yun kung saan ko nakuha ang pera, tapos malalaman nila na kasama niyo ako. Buti nga, hindi nila ako nakita kagabi.. Oh, tingnan mo? Safe ang pera at wala pang nabawas kahit piso. Di, ba?"

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon