-1010-

145 15 1
                                    

🇳agising ako sa ingay na nanggagaling sa labas.

Nakatulog din ako ng mahimbing. Kanina kasi, sa secret door pa rin kami dumaan ni Blaze which is yung sa Cabinet nya.

Pagkadating namin sa mismong kwarto nya, sya ang nag offer na patulugin ako. At! Take note, hindi na sa sahig nya ako pinatulog. Kundi, sa mismong kama nya! Oh di ba? Tinanong ko sya kung bakit ang bait nya sa akin ngayon, dahil lang daw natuwa sya sa akin kanina. Mapagkakatiwalaan nya raw ako pagdating sa pera.

(Syempre.. Kailangan kong magpa impress sa kanya. Dahil sya ang susi para makilala ko ang mga taong tumutulong sa kanila.)

Sabi nya rin sa akin bago sya lumabas ng kwarto, na bibigyan nya raw ako ng sarili kong kwarto sa bahay na ito. Kailangan nya pa raw linisin yun.

Well.. Tama lang naman yun. Kasi, ginawa nya akong hagdanan kanina. Masakit pa nga hanggang ngayon ang balikat ko.

Tsaka, pinahiya nya ako sa karinderya. Tapos nung umuwi na kami.. (Bigla kong naalala ang nangyari kanina)

"Lintik na yun! Bakit ko ba kasi ginawa yun? Tsaka, bakit ko sya hinalikan sa panaginip? Tsk! Bwiset!"

*tok*tok*tok*

Binuksan ko ang pinto.

Si Belle..

"Dom? Anong ginagawa mo dyan!? Bakit nandyan ka sa kwarto ni Blaze!? (⊙_⊙)"

"Ahh! Mali ka ng iniisip! Wala dito si Blaze. Pinatulog nya lang ako dito. Tsaka, wala ba sya sa labas?"

"Bakit naman nya gagawin yun? Eh ilang araw ka na ring nandito? Hindi naman sya nagpapatulog sa kwarto nya ng pangalawang beses sa kahit na sino. Tsaka,Wala siya sa labas. Pero bukas ang pinto. Kaya nga ako pumunta dito para sana kausapin sya. Akala ko tulog pa. Eh ikaw naman pala ang nandyan.. "

Hindi ko maintindihan pero nahihimigan ko sa boses nya ang pagseselos..

Teka? Kailangan ko bang sabihin na isinama ako ni Blaze kanina sa lakad nya? Baka naman magalit si Blaze pag ganun? O di kaya ang mga kasama nya? Baka isipin nila na madaling nagtiwala si Blaze sa akin. Lalo na yung Kyle na yun. Baka mas lalo syang magalit. Pinag-initan nya nga ako kagabi..

"Huy Dom! Okay ka lang??? Sigurado ka bang wala si Blaze dyan? Baka naman may nangyari!??"

"Walang nangyari."

Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Galing sya sa tapat na kwarto ng kwarto nya.

"B-Blaze.." -Belle

"Nilinis ko lang ang magiging kwarto nya. Bakit? Ano bang kailangan mo?" -Blaze

"G-gusto ka lang sana naming makausap.. Tungkol sa nang..yari kagabi.."

"Ganun ba? Nasaan sila? Sa sala tayo mag-usap." -Blaze

Naks! Halatang gusto nya talaga si Belle. Eh ang kalma ng boses nya.

Teka?? So.. Sa tapat ng kwarto nya ang magiging kwarto ko? Kung ganun, tama nga ang sinabi ni Belle sa akin..
Ako ang unang makakatulog sa kwarto na'yan..

"Huy! Sa sala!" Pinandilatan nya ako ng mata.

Hayy naku.. Ayan na naman sya.

Sumunod ako kay Blaze papuntang sala. Pagdating namin dun, nandun na sina Kyle, Igi, Kiray, Francine, Belle at Darren.

Hindi ko inaakala na biglang gagawin nila na sabay-sabay na lumuhod sa harap ni Blaze.

LUMUHOD SILA.

WANTED (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon