AMARY'S POV
Excited akong lumabas sa service bus na sinakyan namin pagkahinto nito sa harap ng isang hotel dito sa tagaytay na kung saan gaganapin ang team building at celebration namin. Pero bago kami maglakad papasok sa hotel ay pinapila muna kami ni Mrs. Ellis na aalis na din pagkatapos ng maikli naming orientation dahil nga sa maselan ang pagbubuntis nito kaya di ito dapat mapagod.
"So here we go guys, mag-enjoy kayo mamaya, bukas at sa susunod na araw ha, pero bago 'yon syempre gusto ko munang icongrats ulit si Amary dahil sa napromote siya because of her hardworking," sabi nito at nagsipalakpakan naman ang mga kasamahan ko at ako naman ay nagpasalamat lang din "at dahil sa hindi na din kasi ako makakapunta sa celebration mo Amary sa susunod na araw kaya ngayon nalang kita kinonggrats,"
"Okay lang po," sagot ko dito.
"And speaking of hindi ako makakaattend ngayon ay gano'n din pala si sir Acer," balita ni Mrs. Ellis at nagsitinginan naman sa'kin ang mga kasamahan ko at nginitian ko lang sila.
"Hala bakit naman ma'am? Kala ko pa naman ay makakasama namin siya sa pagcelebrate namin sa pagkapromote ni Amary," Thia.
"Okay lang, nagsabi na din naman siya sa'kin na hindi siya makakapunta sa tatlong araw na na'ndito tayo," sabi ko sa kanila.
"At tsaka busy ngayon si sir, masyadong madaming problema siyang dapat na resulbahan sa ibang bansa dahil nagkaaberya daw ang company nila doon kaya mukhang matatagalam ang pagbalik ulit ni sir, kanina nga ay nakita ko ang mga reports mula sa California at England na subrang daming palpak ang nagyari doon kaya sure akong galit na galit ngayon si sir doon," pagbabalita ni Mrs. Ellis at bigla namang tinusok ang puso ko dahil sa balitang iyon.
Masyado akong napabaya at inisip ko lang ang sarili ko, inisip ko lang na kahapon ay malaking problema na pala ang inaalala ni Acer tapos kagahapon ay tungkol lang sa sekreto ang pinoproblema ko. Di ko rin siya nadamayan o natulungan manlang kahit papano sa problema niya, kasi nasayahan agad ako na di siya makakapunta ngayon.
Napakapabaya 𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙨𝙖𝙬𝙖.
"Amary, pasok na tayo," tawag sa'kin ni Hannah at di ko napansing natapos na pala ang orientation at nakaalis na din pala si Mrs. Ellis.
Tumango ako kay Hannah at walang buhay akong pumasok sa hotel. Biglang nawala ang sigla ko dahil sa nalaman ko ngayon, parang di ko kayang magsaya habang si Acer ay nasa ibang bansa at namomoblema ngayon.
"Oh si sir Neil," rinig kong sabi ng mga kasamahan ko kaya naman napaangat ang tingin ko at nakita ko nga si Pako na naghihintay sa loob ng hotel.
Ngumiti ito ng magtama ang mga paningin namin, pero sa mga oras na 'yon ay di pa rin nababago ang pakiramdam ko, wala pa rin akong gana kahit na nasa harap ko ngayon si Pako.
Pilit akong ngumiti kay Neil ng makalapit ito sa'kin "Akin na 'yan," mahina nitong sabi sa'kin at umaakto na 'tong kukunin sa'kin ang bagahe ko pero iniwas ko ito sa kan'ya.
"Kaya ko na to," mahina ko ring sabi sa kaniya at nakita ko namang sinenyasan ako ng isa kong kasamahan na lumapit na sa kanila
"Sige mamaya nalang sir Neil," pormal na paalam ko dito na di na hinintay ang sagot nito at lumapit na sa mga kasamahan ko.Alam ng mga kasamahan ko na kasal kami ni Acer dahil mahal namin kuno ang isa't-isa kaya hindi dapat makahalata ang mga ito tungkol sa'min ni Pako at baka magtanong at maghinala pa ang mga ito.
"Room 197 Amary," sabi ni Thia sabay abot sa'kin no'ng susi ko.
"Sige mamaya nalang ha," paalam ko sa mga ito na tinanguan naman ako bilang tugon. Kaya naman tumalikod at pumunta na ko sa kwarto ko para magpahinga at mag-ayos saglit ng mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Romance•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...