CHAPTER 31

63 3 0
                                    

AMARY'S POV

"Kayo po 'yong asawa ni Sir Acer?!" Manghang tanong ng katulong sa bahay ng lolo ni Acer.

Wala akong ganang makipag-usap ngayon sa ibang tao, kumukulo ngayon ang dugo ko at parang gusto kong manakit ngayon. Tama ba ang lahat ng nalaman ko?! Totoo bang nagpa-imbestiga si Acer ng tungkol sa pamilya ko ng di ko manlang alam?! Totoo bang ang Lolo niya ang pumatay sa magulang ko?! Totoo ba ang lahat ng mga nalaman ko ngayon?! Bakit parang hindi na to makatutuhanan?!

Lagi nalang! Sa t'wing nagiging masaya ako ay may ganitong nangyayari! Bawal na bang maging masaya?! Hindi ba ako pwedeng maging masaya?!

"Opo, ako nga po, nasa'n si Mr.Armond Damaris?" Walang emosyon kong tanong dito habang tinatanong ko kung nasa'n ang lolo ni Acer, di ko kaya itong tawaging Lolo kaya naman ginamit ko nalang ang full name niya.

"Ahh 'yong lolo po ng asawa ninyo?  Nasa kwarto niya po ma'am, hatid ko na po kayo,"

"Wag na ate, ako nalang po mag-isa, pang ilang kwarto po ba 'yon pagkaakyat ng hagdanan?" Walang emosyong tanong ko dito.

"Unang kwarto po ma'am," sabi nito na tinanguan ko nalang bago ito lagpasan at umakyat na ng second floor.

Agad kong nakita ang kwarto nito, binuksan ko 'yon at nakita ko kung ga'no siya kapayapang natutulog ngayon.

Napakuyom ako sa kamay ko kaya pati ang hawak ko na sobre na may lamang sulat na parang report ay gusot-gusot na din pero wala ako do'ng pakialam. Gusto ko 'to ngayong patayin dahil sa mga nalaman ko pero hindi naman ako kriminal katulad niya... Hindi ako tutulad sa kaniya!

Unti-unti ng pumapatak ang mga luha ko sa'king pisngi at nanginginig na din ang mga kamay ko sa gigil.

Ramdam ko kung ga'no siya kakomportable ngayon habang nakahiga sa napakalaki niyang higaan. Oo nga at may sakit ito, pero napakapayapa nitong tignan. Pero kinuha niya ang buhay ng ibang tao na dapat ay payapa din sanang namumuhay ngayon, kinuha niya ang magulang ng isang taong nangangailangan ng suporta at alaga nila. Para niyang kinuhaan ng candy ang isang batang paslit pero ang pinagkaiba ay ang kinuha niya sa'kin ay di niya kayang palitan.

Napakasakit na ang taong pinahahalagahan ni Acer ay siyang taong kumuha din sa taong pinahahalagahan ko, para akong baliw na sinisisi ang sarili ko sa bagay na dapat naman pala ay may ibang sisihin!

Napakatanga ko para isiping isa lang 'yong aksidente at ako dapat ang sisihin dahil di ko sila sinamahan pero wala din palang pinagkaiba kahit na samahan ko sila, siguro nga merong pinagkaiba, kasama sana ako sa mamatay, planado na pala ang lahat! Napakahalang ng Lolo mo Acer!

"Apo?" Sabi nito ng mabuklat nito ang mga mata niya at nakita niya agad ako.

"Napakalakas ng loob mo para matawag mo pa akong apo," sabi ko dito na hindi pa ako sumisigaw, pero nanginginig na ang boses ko.

"A-Amary, ano bang nangyari, bakit ka umiiyak at bakit parang galit ka sa'kin, apo? Nag-away ba kayo ng asawa mo?"

"Wala ba akong dapat na ikagalit sa'yo? Wala ba dapat akong iyakan ngayon?... At wag mo kong tawaging apo, wala akong lolong mamamatay tao!" Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko, nagulat ito at di nakapagsalita "siguro nakalimutan muna no? Gano'n lang ba sayo kadaling kumitil ng buhay ng iba? Gano'n lang ba kadaling pumatay, para makalimutan mo sila ng ganiyan kabilis?!"

Pretend To Be A Slave [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon