3 YEARS AGO~~~
AMARY'S POV
Nakasuot ako ng itim ngayon habang may mga hawak akong mga bulaklak. Tinignan ko ang lupang pinaghihimlayan ng mga mahal ko sa buhay... Napakasakit talagang isip na halos lahat ng mga mahal ko sa buhay ay nawawalan ng buhay. Pero wala akong magawa. Lagi nalang akong walang nagagawa.
No'ng una, lungkot ang nararamdaman ko kasi iniisip ko na baka oras na talaga nila kaya nila ako iniiwan pero ngayon ay may bahid na hinagpis at galit na ang nararamdaman ko dahil hindi na oras ang may gawa ng mga bagay na 'to kun'di tao na.
Para akong pinaglaruan ng di ko namamalayan, ang sakit pa dahil huli ko na 'yon nalaman kung kailan halos wala ng matira para sa'kin at halos parang kinuha na ang lahat ng sa'kin.
Tumulo ang luha ko ng ilapag ko ang mga bulaklak sa mga puntod ng mga mahal ko sa buhay at unti-unting naglakad sa kanila palayo.
Lalo kong naramdaman 'yong sakit kahit na ilang taon na ang nakakalipas, parang hindi manlang 'yon nabawasan.
Sa loob ng isang taong namalagi ako dito sa probinsya ni Lola ay walang sawa ko silang binibisita, pinupunan ko 'yong mga taon at araw na hindi ko sila madalaw, at sa tuwing dumadalaw ako ay lagi nalang akong umiiyak. Pakiramdam ko sa tuwing dumadalaw ako ay parang kahapon lang 'yon nangyari.
2 years akong nagtago sa probinsya ng Negros Oriental, feeling ko kasi ay baka hinahanap ako ni Acer at ayaw ko siyang makita.
Sa dalawang taon na 'yon ay nabalitaan kong namatay ang Lolo ni Acer. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil ako ang dahilan no'n, pero siguro nga at hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kan'ya dahil kahit na anong pilit kong makonsensya ay tumitimbang pa rin sa isip ko na mas masahol ang ginawa niya.
Pagkatapos ng dalawang taon ay pumunta ako dito at balak ko na sana ditong tumira pero kailangan kong pumunta sa Maynila. Kailangan ko na siyang harapin.
Napatigil ako sa pamamaneho ng makita kong nasa hotel na ako ng tinutuluyan ko ngayon, ayaw ko sa bahay ni Lola dahil feeling ko hindi ako do'n makakahinga at maaalala ko lang ang lahat at baka bumalik na naman ako sa dating walang buhay na ako.
Pagbaba ko ng kotse ko ay saktong tumunog ang cellphone ko at si Pako ang tumatawag do'n.
"Hey Pako,"
"Tsk, Pako pa rin ang tawag mo sa'kin, ang sakit naman no'n, my Queen,"
"Yuck, bakit ba my Queen pa ang napili mong itawag sa'kin, pwede naman na 'yong Mary, diba?" Yamot na sabi ko na tinawanan naman niya. Naglalakad ako ngayon papalapit sa elevator.
Alam ko namang inaasar niya lang ako kaya 'yon ang tinatawag niya sa'kin pero more on Pako at Mary pa rin ang tawagan namin kahit hindi naman na tamang tawagin ko pa rin siyang Pako, eh bakit ba? 'Yon ang nakasanayan kong itawag sa kaniya eh.
"Hayy nako, masanay ka na, tatawagin kitang Mary pag gusto ko at tatawagin din kitang my Queen kapag gusto ko rin and that's final," sabi nito na halata namang nagbibiro na di ko nalang ginatungan.
"By the way, gabi na diyan sa Canada diba?" He was in Canada right now and Philippines is 13 hours ahead on that country kaya naman kung malapit ng mag 2pm sa Pilipinas ay ibig sabihin ay malapit na ding mag 1am sa Canada at madaling araw na 'yon!
"Yeah right, patulog na nga ako eh, napatawag lang naman ako saglit bago ako matulog eh," pagrarason pa nito na halatang iniiwasan lang nitong magalit ako.
"Aba't dapat lang, hindi porket 3pm pa ang flight ninyo bukas ay magpupuyat ka na," bukas ang flight nila pabalik dito sa Pilipinas. Didiretso na sila sa Maynila at do'n ko naman sila sasalubungin.
BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Romance•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...