AMARY'S POV"Wow... Ikaw nag-isip ng design nitong buong bahay?!" Gulat na tanong ko kay Acer habang nakatingin ako ngayon sa harap ng vacation house nito.
Ang buong bahay ay para sa'kin ay subrang laki pero maliit pa rin ito kumpara sa bahay nito. Nakaharap ito sa dagat at private din ang island na ito sa Palawan. At para sa'kin ay hindi ito matatawag na vacation house dahil sa laki ng bahay nito.
Kulay white na may halong blue ang pintura ng buong bahay at napakapresko nitong tignan lalo na no'ng pumasok kami at nakita ko ang napakalinis na loob no'n, wala masiyadong laman ang bahay at halata ngang vacation house lang iyon pero kompleto naman ang mga gamit na na'ndoon. Magaganda din ang mga nakadisplay doon dahil may mga shell at mga nagsisigandang bato ang design nito, napakamanly at minimalist ang style ng buong bahay.
"Yes, you like it?"
"Oo, ang galing mo pala sa interior at exterior designs!"
"Yeah and you know, ikaw palang ang babaeng pinunta ko dito maliban sa family ko," Sabi nito na nagpangiti sa'kin at natouch ako sa sinabi niya.
"Talaga? Sigurado kang di mo pa nadadala dito 'yong Amandine na 'yon?" Tanong ko dito na nakangisi itong lumapit sa'kin at hinapit nito ang baywang ko.
"Tinatanong mo sa'kin 'yan tapos sasabihin mong di ka nagseselos,"
"Bakit, sabi mo asawa mo ko," Nakangiti ko ditong sabi habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa batok nito"Ano naman kung magseselos ako?" Tanong ko dito habang pinipigilan kong hindi matawa sa hitsura nito dahil literal na nagulat ito dahil bumilog ang mga mata nito.
𝘿𝙖𝙢𝙣 𝘼𝙢𝙖𝙧𝙮, 𝙨𝙖𝙗𝙞 𝙢𝙤 𝙡𝙖𝙡𝙖𝙮𝙤 𝙠𝙖 𝙣𝙖 𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙖𝙣𝙜-𝙖𝙖𝙨𝙖𝙧 𝙠𝙖 𝙥𝙖... 𝙏𝙨𝙠!
"R-really?" Tanong nito na di ko na talaga napigilang ang sarili ko at tumawa na dito.
𝙊𝙝 𝙜𝙤𝙙! 𝘿𝙞 𝙠𝙤 𝙢𝙖𝙥𝙞𝙜𝙞𝙡𝙖𝙣, 𝙣𝙖𝙥𝙖𝙠𝙖𝙡𝙖𝙪𝙜𝙝 𝙩𝙧𝙞𝙥 𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙠𝙝𝙖 𝙣𝙞𝙮𝙖!
"Ba't parang gulat na gulat ka do'n, syempre magseselos ako dahil asawa kita sa loob nga lang ng dalawang buwan, diba? At tsaka parang inapakan na rin ang pride ko ng pagiging kunyaring asawa mo kuno," Sabi ko dito at biglang dumilim ang mukha nito at pinakawalan na ako nito.
"Magpapahangin lang ako," Cold na sabi nito na nagpakunot sa noo ko.
"Wait, may problema ba sa sinabi ko?"
Wag mong sabihing pati ang pagseselos ko ay pagbabawalan na nito dahil mababangasan ko talaga 'tong lokong 'to.
Tinignan ako nito ng malalim na parang may malalim itong iniisip hanggang sa parang minimemorize na nito ang buo kong mukha.
Bumuntong hininga ito, "magpalit at magpahinga ka muna, I know that you're tired right now," Sabi nito na di sinagot ang tanong ko sabay lakad palabas ng bahay.
Ako naman ay buntong hininga ring pumasok sa kwarto para magpalit ng damit at sinuot ko lang ang sando at short na dala ko bago ako humiga. Tama nga ang sinabi nitong pagod ako kaya agad akong nakatulog.
Nagising ako ng 5pm at padilim na kaya naman tumayo ako at dumiretso sa kusina para sana magtimpla ng sarili kong kape pero ng makita ko sa labas si Acer na nakaupo sa isang Canopy Chair ay dinalawa ko na ang tinitimpla ko ngayon na kape. Kita ko 'to kahit nasa labas ito ng bahay dahil glass ang ginawa nitong pader at saktong nasa harap din siya sa kusina nakaupo.
"Coffee?" Tanong ko dito sabay abot dito ng kape at nang tanggapin niya iyon ay umupo ako sa tabi nito.
"Buti nagising ka pa," Nakangisi nitong sabi habang nakatingin lang ito sa kape niya.
BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Roman d'amour•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...