AMARY'S POV
"Ma'am? Ma'am? Ma'am... Na'ndito na po tayo," rinig kong tawag ni manong na siyang driver ng taxi. At no'ng magising ako ay bigla akong napaupo ng maayos habang habol ko ang aking hininga. Nararamdaman ko ring may luha sa mga mata ko kaya naman agad ko 'yong pinahid bago ako tumingin sa bintana ng taxi at agad kong nakita ang mansion ni Acer.
Panaginip lang ba 'yon?
"Ma'am, namatayan po ba kayo?" Tanong ni manong at agad naman akong napatingin dito.
"Po? "
"Kasi umiiyak po kayo kanina habang nananaginip po kayo kaya akala ko ay pinapaginipan nin'yo ang mahal niyo sa buhay na namatay na," sabi ni manong habang kumakamot ito sa buhok nito na nasa likod ng ulo nito.
"Ahh hindi po, pero masasabi ko pong binangungot ako kanina. Ayyyt manong, ito po pala ang bayad ko, sa inyo na po ang sukli," sabi ko dito at narinig ko naman itong nagpasalamat sa'kin bago ako tuluyang nakalabas sa taxi.
Pagkalabas ko ng taxi ay biglang tumunog ang cellphone ko na ibig sabihin ay may tumatawag sa'kin at pagkatingin ko sa caller ay si Storm 'yon kaya naman napahinto ako sa paglalakad ko papasok sa bahay ni Acer para sagutin ito.
"Bes, na'ndito na si Neil!" Mahina pero may diing sabi nito kaya naman napagtanto ko agad na nasa trabaho siya ngayon.
"Oo alam ko, nagkita kami ngayon-ngayon lang," sabi ko dito at bigla naman itong tumahimik "bes, need ko ng ibaba 'tong tawag na 'to kasi pinapamadali na ko ni Acer "
"Sige sige, kita tayo bukas, papasok ka naman diba?"
"Oo," sagot ko dito bago ako dali-daling pumasok sa bahay at sinalubong naman ako ni manang.
"Ohh hija, anong nangyari at ba't ka nagmamadali?" tanong nito pero nginitian ko lang ito.
"Saan po si Acer?" di ko na pinansin ang tanong nito at agad ko 'tong tinanong ng tungkol kay Acer.
"Nasa garden, sa likod ng bahay,"
"Sige manang thank you," sabi ko dito bago ako dali-daling pumunta sa garden.
Nang makita ko si Acer na nakaupo sa isang bench na na'ndoon ay agad na guminhawa ang pakiramdam ko lalo pa nang makita kong di gano'n kadilim ang aura nito. Dahan-dahan akong lumapit dito at nang malapit lapit na ako sa kaniya ay agad siyang lumingon sa'kin na ikinahinto ko.
"Hon, ba't ngayon ka lang?" parang bata nitong tanong habang nakanguso pa ito kaya naman bigla akong napangiti dito at parang gusto ko 'tong biglang yakapin. Pero nang maalala ko ulit ang pinanaginipan ko kanina ay parang ayaw bigla gumalaw ng mga paa ko para yakapin ito, dahil natatakot ako na maulit ang nangyari sa panaginip ko.
𝙈𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙩𝙤, 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙨𝙩𝙚𝙢𝙖 𝙠𝙤 𝙨𝙞 𝘼𝙘𝙚𝙧.
"Tsk, sige tumayo ka lang diyan," kunyaring nagtatampo nitong sabi at nakanguso pa ito. Siguro ay nainis na ito dahil talagang ito pa ang tumayo para hilain ako paupo sa tabi nito.
Pagkaupo ko ay agad na binura ko sa isip ko ang napanaginipan ko kanina, ayaw ko munang isipin 'yon.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa garden?"
"Baka hinihintay kita hon, no?" pilosopo nitong sagot.
"Ayyt talaga ba mister? kung naghihintay ka sa'kin, eh ba't na'ndito ka sa likod ng bahay at wala ka do'n sa harap, dito ba dadaan 'yong sinasakyan ko?"
BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Romance•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...