AMARY'S POV
Nakatingin ako sa dagat ngayon habang nasa bangka kami at peke akong tumawa ng tumingin sa'kin si Acer.
"H-hehe, feeling ko hindi para sa'kin ang paglangoy," Sabi ko dito na ngayon ay nakangisi na siya.
"You don't know how to swim?" Pangangasar nito.
"Syempre alam ko, pero di naman malalim ang nilalangoyan ko no, tsaka di ko pa natry magdiving," Sabi ko dito na pinapadive ako sa part na malalim.
"Hon, there's no people that do underwater diving on a shallow part of the sea. Do you know what is diving?"
"Alam ko kung ano 'yong underwater diving na 'yan pero di ko alam kung pa'no 'yon kaya nga magpapaturo ako sa'yo, diba?!" Inis na sabi ko dito.
"Fine," Sabi nito sabay lapit sa'kin at tinuro nito kung pano gamitin ang mga abubot na nakakabit sa suot ko ngayon "did you get it?"
"Putek Acer, pag-ako nalunod, mumultohin talaga kita, humanda ka." Banta ko dito na tinawanan lang nito.
"Relax hon, your husband was expert in diving," Sabi nito na malokong nakangisi.
"Dalawa ang pwede mong sisirin Acer, kaya linawin mo kung sa'n ka magaling," Sabi ko dito na malakas nitong tinawanan.
"Your a green minded,"
"Ayusin mo kasi... Basta wag mo kong iwan ha," Sabi ko dito na biglang matamang tumingin sa'kin.
"Fine, I won't... And I wish you are too."
"Syempre di kita kayang iwan diyan no, baka ako pa malunod pag iniwan kita, di naman ako mayabang na nagmamarunong no!"
"Yeah, you'll just stay because you need me right now,"
"Ha?" Tanong ko dito ng di ko masyadong marinig ang sinabi nito dahil mahina ang pagkakasabi niya.
"I said that you just need to follow my instruction while we are under,"
"S-sige lang," Sagot ko dito habang kabado akong nakatingin sa dagat.
"Sumunod ka sa'kin ,okay?" Sabi nito na tinanguan ko naman.
Umupo ito sa gilid ng bangka bago ito patalikod na nagpatihulog sa tubig at ng makita ko 'tong nakaahon na ay kabado akong sumunod dito.
"Here you go," Sabi nito ng makaahon ako sa tubig "Are you ready?" Tanong nito na tinanguan ko naman bago sinalpak ulit ang oxygen ko at nagdive na nga kami.
No'ng una ay kinakabahan pa ko pero no'ng masanay at naging komportable na sa'kin ang ilalim ng tubig ay bigla nalang nawala ang kaba ko kanina.
Totoo din ang sinabi ni Acer na magaling ito sa diving dahil ginaguide ako nito na parang instructor ito.
"You enjoy it?" Hingal na tanong ni Acer sa'kin ng makaahon na kami.
Sininyasan kasi ako nito na oras na para umahon dahil may oras daw ang paggamit ng oxygen kaya naman kahit naganahan pa ako ay kailangan na talaga naming umahon at ngayon ay pabalik na kami sa Isla.
"Yes, super!" Energetic ko ditong tanong "anong next nating gagawin?"
"You are not tired yet?"
"Hindi pa eh," Nakangiti ko ditong tanong.
"Good,"
"Bakit good, ano bang next nating gagawin?"
"Exercise," Nakangisi nitong sabi .
"Talaga? Anong kind ng exercise?" Inosente ko ditong tanong na biglang lumapit ang mukha nito sa tenga ko.
"Are you innocent, hon?" Maloko nitong tanong na do'n ko lang napagtanto ang exercise na tinutukoy nito kaya agad ko itong pinalo sa hita dahil katabi ko lang naman ito ngayon.
BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Romance•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...