AMARY'S POV
"Oh gosh, totoo ba?! So ibig sabihin alam niya na ang tungkol sa anak niyo?" Gulat na tanong ni Storm habang nasa sala kami. Ikwenento ko dito ang nangyari kanina sa'min ni Acer.
10pm na kaya naman tulog na si Achaz sa kwarto ko. Si Storm naman ay ginabi na dahil subrang busy daw sa company ni Acer ngayon lalo na siya dahil siya ang pinalit sa'kin na maging CFO ng company ni Acer at miss na miss niya na din daw kasi ang kagandahan ko at gusto niya din kasing makita si Achaz galing ang epik lang dahil tulog na ito pagkadating niya kaya nagkwentuhan nalang kami.
"Oo, pero Storm, wala ako ngayong planong ipakilala sa kaniya si Achaz bilang anak niya, kasi baka mas lalong di niya permahan ang annulment paper namin," problemado ko ditong sabi.
Actually di ko pa nasasabi kay kuya ang nangyari kanina dahil hindi ko rin s'ya matawagan, siguro ay busy din ito.
"Wag ka nalang kaya magpa-annul, tutal para nalang sa anak niyo. I mean, alam ko naman na hindi magandang tignan na magsama kayo ng ganiyan ang kalagayan niyo ngayon, pero mukhang mahirap 'yan para sa bata kung wala siyang kilalaning ama," sabi nito na parang may alam na siya sa ganitong problema "at tsaka, mas mabilis ang magiging daloy ng lahat. Kung ayaw niyo magsama, ayos lang naman, tungkol kay Achaz naman ay pwede niyong pag-usapan,"
"Pero Storm, ewan ko pero may kung ano sa'kin na nagsasabing makipaghiwalay sa kaniya. Hindi ko naman ipagkakait sa kaniya si Achaz eh, sadyang ililihim ko lang ngayon para mapermahan niya ang annulment paper namin," desidido kong sabi.
Tama naman ang sinabi ni Storm na p'wede akong di makipaghiwalay kay Acer pero ayaw ko na sanang magkaroon ng ano mang ugnayan sa pamilya ni Acer. Naalala ko ang lahat kapag tinatawag ako sa apelyedo ni Acer, okay nang ang anak ko nalang ang may ugnayan sa kaniya... Pero wag lang ngayon.
"So anong plano mo? Pupunta ka ba sa company bukas?" Tanong nito na tinanguan ko "ano namang sasabihin mo kay Acer tungkol kay Achaz?"
" 'Yon ang hindi ko pa alam. Hindi naman tanga si Acer para isipin niyang hindi namin anak si Achaz,"
"Hayys makakaisip ka din kapag kaharap muna na siya, nakakatalino kaya kapag kinakabahan ka na," biro niya na ikinatawa namin.
Aaminin kong namiss ko din si storm dahil sa loob ng tatlong taon ay di din kami nagkita at nakapag-usap dahil hindi siya makapunta sa'kin o magkaroon ng ugnayan sa'kin dahil baka daw sundan siya ni Acer at malamang may contact pa siya sa'kin, dahil tanong daw ito ng tanong sa kaniya dati ng tungkol sa'kin na sinasabi niya nalang na di niya alam kung ano ng nangyari sa'kin. Si Pako lang ang nakakapag-update dito sa mga nangyari sa'kin.
Nagkwentuhan pa kami ni Storm hanggang sa umuwi na din ito pagsapit ng 11pm. Pinilit ko pa ito na dito na sa bahay matulog pero sabi niya ay wala siyang dalang damit na pamalit, meron mang pangbahay dito na pwede kong pahiramin sa kaniya ay wala naman siyang damit na pangtrabaho kaya napilitan akong payagan itong umuwi.
Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga katabi ng anak ko. Pinagmasdan ko ang kabuohang itsura ng anak ko hanggang sa natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko na hudyat na may nagtext sa'kin.
𝘍𝘳𝘰𝘮: 𝘜𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯
𝘓𝘦𝘵'𝘴 𝘵𝘢𝘭𝘬 𝘵𝘰 𝘮𝘺 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦 𝘢𝘵 8 𝘢𝘮 𝘴𝘩𝘢𝘳𝘱.
Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa nabasa kong text, wala mang nakalagay do'ng name ay parang kilalang kilala ko na agad na si Acer 'yon.
Takte ka Acer, balak mo ba akong puyatin ngayon!
BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Romance•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...