3 MONTHS LATER
AMARY'S POV
"Hello ma, pa and Lola. Ilang years na din ang nakakalipas and I miss the three of you very much," nagsimula na namang bumigat ang dibdib ko kaya naman huminga ako ng malalim "hayy, by the way, ma, pa, and Lola. Gusto ko lang sabihin na madadagdagan na ang apo ninyo, sabi ng ama nitong baby ko ay babae na daw po ito kaya sakyan nalang po natin at baka magkatotoo. Gusto ko lang sanang ipakilala ang magiging bagong parte ng pamilya natin. Alam ko na nakikita at binabantayan niyo kami sa langit at gusto ko na malaman ninyo na ok lang ako dito sa lupa at masaya ako kaya wag kayong mag-alala sa'kin, magpahinga kayo diyan ng matiwasay and I love the three of you very much... Goodbye again pero promise na after kong manganak ay dadalasan ko na po ang pagdalaw sa inyo,"
Mabigat man sa pakiramdam na maglakad papalayo sa mga puntod ng mga mahal ko sa buhay ay nakayanan ko. Lumapit ako sa isang itim na kotse na naghihintay sa'kin. Doon naghihintay si Acer.
"Let's go?" Tanong nito after kong magset belt at tumango naman ako.
"Mama, papa!" Salubong ni Achaz habang tumatakbo ito papalabas sa bahay na pinatayo ni Acer malapit sa bahay ni Lola.
"Careful!" Automatic na sabi ni Acer nang makitang nagmamadali itong tumakbo papalapit sa'min. Kasunod nito ang mama at papa ni Acer.
Pagkalapit ni Achaz sa'min ay nagpakarga agad ito kay Acer at mabuti nalang malaki ang katawan ng asawa ko dahil kahit malaki na si Achaz ay na gagawa pa rin nitong buhatin ang anak namin.
"Hija, hijo, tara na sa loob, at baka napapagod na si Amary," sabi ng mama ni Acer at nilapitan agad ako para alalayan na akala mo naman ay napakalaki na ng tiyan ko.
Pumasok kami sa bahay at nakita ko si kuya na nakaupo sa carpet ng sala habang nakasandal ito sa couch at nakatulog ito.
"Ohh, mukhang nakatulog na si Neil after siyang basahan ng science book ni Achaz," sabi ng papa ni Acer na ikinatawa naming lahat at dahil do'n ay nagising si kuya.
"Baby A, tapos munang basahin 'yong book?" Antok nitong tanong.
"Di ka naman po nakikinig eh, next time nalang po kapag di ka na po inaantok," sabi ng anak ko kay kuya.
"Oo, next tine nalang, kasi kakain na pala tayo, nakahanda na daw pala ang hapag, tara na at pumaroon na tayo sa dining area," sabi ng mama ni Acer na sinunod namin.
After ng mga nangyari sa'min ni Acer ay nagawa pa rin naming ayusin ang lahat at ngayon ay 2 months na akong buntis at hopefully na babae nga itong aking isisilang pero kahit ano pa ang gender niya ay ok lang sa'kin.
Tama ang naging desisyon ko na piliin muling mamuhay kasama si Acer dahil mas naging masaya ako at ang anak ko, mas naramdaman naming mag-ina na maging buo. Akala ko ay hihilom ang sugat na nabuo dahil sa mga pinagdaanan namin kung sakaling aalis ako at magpapakalayo. Pero hindi pala laging sulosyon ang pagpapakalayo sa pagpapagaling sa sugatan mong damdamin dahil may pagkakataon na ang lunas sa sugat mo ay nasa lugar kung saan di muna kailangang pumunta sa malayo, baka nga nasa tabi o nasa iisang lugar lang kayo.
Dahil napagtanto ko na kapag gusto mong magmove on o maging better ay maggawa mo 'yon kahit na lumayo ka o magstay ka. Magagawa mo 'yon kahit ano pang gawin mo basta gugustuhin mo lang. Ang dapat mo lang gawin ay alamin kong pa'no at do'n mo mapagtatanto kung anong kailangan mo para gumaling ang sugat na meron ka.
2 YEARS AGO
"Ang kyut kyut mo talaga, akin ka nalang," sabi ni kuya sa anak namin ni Acer na si Amelia Chantria.
One year old na si Tria, at nagkatotoo nga ang sabi ni Acer na babae ang aming anak at tuwang tuwa ito noong nagpaultrasound palang ako at pinagmumukha niya na napakagaling niya daw talaga at wala nalang akong reklamo doon.

BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Romance•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...