CHAPTER 21

70 7 0
                                    

𝘼/𝙉: It's been awhile since I last posted, napakabusy kasi ng buhay ko hahahhaa, and you know guys, sa tagal na namahinga ako sa pagsusulat ay editing lang ang nagawa ko at limang chapter that I still didn't update, but don't worry guys, di ko kayo iiwan sa ere, magsisipag ako na magsulat, then if you have time, try niyong basahin simula sa umpisa, kasi kung makikita niyo, binago ko na yung description then may ilang part akong inedit sa naunang chap kasi feeling ko may mali sa nauna kong pinost, pero ngayon ay feeling ko naman ay umayos na siya, kaya guys, pls support me by voting my story and of course, by reading it❤❤❤

Guys, simula sa chap na to ay ang chap na hindi ko pa naeedit, kaya sorry kung may mali hehe...

AMARY'S POV

Ngayon ay dahan-dahan akong naglalakad pababa ng hagdan kahit na alam kong wala ng mga tao dito sa loob ng mansion dahil lahat sila ay pumunta na sa kani-kanilang mga kwarto, pero dahan-dahan pa rin akong naglalakad dahil baka biglng magising si Acer.

Pagkababa ko ng hagdan ay mabilis na 'kong naglakad papunta sa garden habang maloko akong nakangiti. Subrang curious talaga ako sa sinulat ni Acer sa papel na binigay ko sa kaniya at gusto kong makita at malaman kung ano ang meron do'n kaya naman ngayon ay para akong kriminal na tahimik na pumupunta ngayon sa garden.

Pagkalabas ko sa bahay ay agad akong pumunta doon sa mga roses na pinagsabitan namin kanina ng wish nito. Pero nang makalapit ako ay biglang kumunot ang noo ko ng may makita akong isang lalaking may malapad na katawan na parang binabantayan 'yong mga rosas.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito? "

"Good evening ma'am, ako nga po pala 'yong pinabantay ni sir Acer dito sa mga rosas para daw walang makalapit at makabasa no'ng wish niya daw po," sabi nito at napatampal na lang talaga ako sa noo ko dahil sa ginawa ni Acer.

"Napaka OA naman talaga ng lalaking 'yon, kala mo talaga may mag-iinterest na basahin 'yong sinulat niya," yamot na sabi ko.

"Eh diba ma'am pumunta kayo dito para sana basahin 'yong sinulat ni sir?" Nakangiting sabi no'ng lalaki at ilang naman ako ditong ngumiti dahil nabuking ako nito.

"Nako, h-hindi no, na'ndito ako para sana magpahangin," sabi ko dito at nagkunwari akong humikab "pero parang inaantok na 'ko ngayon, sige matutulog na din ako, wag mong basahin 'yong sulat ha," sabi ko dito na tinanguan lang ako kaya naman dali-dali akong bumalik sa kwarto pero pagkaangat ko palang ng hagdan ay agad kong nakita si Acer na nakangisi habang nakasandal ito sa gilid ng pinto ng kwarto namin.

"Ayy palaka ka!" Gulat na nasabi ko dito "ba't ka ba nanggugulat diyan?!"

"No I'm not, nagulat ka lang kasi may gagawin ka sanang mali no?" Sabi nito na inirapan ko lang "hon, mautak ang asawa mo kaya di mo ko maiisahan," sabi nito sa'kin at inis ko naman siyang tinulak papasok para makapasok din ako sa kwarto.

"Kala ko ba tulog ka na?" Yamot ko pa ring tanong dito habang papunta ako sa kama namin.

"Mabilis akong magising hon, kaya nagising ako nang tumayo ka," nakangisi pa rin nitong sabi.

Pretend To Be A Slave [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon