AMARY'S POV
Pagkababa ko nang hagdanan ay nakita ko sila Nadir at Sapp na nakatingin sa kabaong ng lola ko habang nasa tabi nila si Acer na mukhang pagod na pagod na ito.
Nakaramdam naman ako ng awa sa asawa ko dahil feeling ko ay di ito nakatulog dahil sa pagbabantay at pagstay nito sa tabi ng lola ko.
Napatingin sa'kin ang tatlo nang makababa ako. Papalapit ako sa kanila habang tumatango sa mga nagsasabi sa akin ng condolence, sabi kasi ay bawal daw ang mag thank you kapag sinabihan ka ng condolence kaya naman tinatanguan ko nalang sila.
"Condolence, Amary," sabay na sabi ng dalawa na tinanguan ko din.
"Kanina pa kayo nakarating?"
"Actually kakarating lang namin," sabi ni Sapp na mukhang nagseryoso ngayon.
"Hon, kumain ka na muna," sabi ni Acer.
"Sabayan niyo ko," sabi ko sa kanilang dalawa na pumayag naman at nanguna sa paglalakad papunta sa dining table.
"Acer?" Tawag ko kay Acer habang papunta kami sa dinning area.
"Hmm?"
"Sorry hon," masinsinan ko ditong sabi.
"Why?" Nakakunot noo nitong tanong.
"Kasi napagod kita dahil dito, hinayaan din kita na asikasuhin ang lahat ng 'to, kahit na ako naman talaga dapat ang mag-asikaso ng lahat, sorry hon kung hinayaan kong akuin mo ang lahat ng ito,"
"Shh, it's fine, I am courting you, remember?" Sabi nito na mahina kong ikinatawa "isipin mo nalang na nagpapabibo ako sayo," biro nito na nagpagaan naman ng nararamdaman ko ngayon.
Buti nalang nasa tabi kita ngayon Acer, kasi di ko alam kung anong mangyayari sa'kin kung sakaling wala ka sa tabi ko ngayon.
Pagkalapit namin sa dining table ay may hinain na pala si ate Nika, nakita siguro nito ang pagbaba ko at ang pagdating nila Sapp at Nadir.
"Sapp, diba nasa ibang bansa ka?" Bigla kong natanong kay Sapp habang kumakain kami dahil naalala kong nasa ibang bansa dapat ito ngayon.
"Yeah, pero di kita matiis eh," sabi nito na mukhang pinipigilan pa nito ang sarili na magbiro pero di nito kinayanan.
"Oh really Mr. Driscoll?" Sarcastic na tanong ni Acer na ikinangiti ko naman.
"I just want to change the atmosphere, just for a minute," sabi nito kay Acer na inikutan lang nito ng mata "by the way, do'n sa tanong mo Amary, tama ka, nasa ibang bansa dapat ako ngayon pero nagpapasama kasi 'tong si Nadir na puntahan kayo kaya siya talaga ang di ko matiis," akala ko ay seryoso na siya pero nakalimutan kong di pala 'to marunong magseryoso.
Nakatanggap ito ng batok mula kay Nadir na siyang katabi niya lang.
"Loko-loko ka talaga, magseryoso ka nga," sabi ni Nadir na sinunod naman nito "wag nalang natin 'yang kausapin, kasi as long as na tahimik 'yan ay seryoso pa 'yan tignan, kaya hayaan niyo nalang na tahimim 'yan," seryoso na sabi ni Nadir na mukhang gusto talaga kaming kumbinsihin na wag pasalitain si Sapp.
"Ahh ok, now i know," sabi ko habang nakangiti at tinuloy na namin ang pagkain.
Bumalik na din ang dating atmosphere lalo na't pagkatapos naming kumain.
ACER'S POV
Malakas na umiyak si Amary habang unti-unti ng binaba ang kabaong ni Lola. Ngayon ang araw ng libing ni Lola. At kahit ako ay gusto ko na ring umiyak pero pinatatag ko ang sarili ko para sa asawa ko.

BINABASA MO ANG
Pretend To Be A Slave [COMPLETED]
Romance•Pretend Series#1 Amaryllis Chrysalis is an independent girl who live alone for 5 years because her parents died of an accident... or maybe not? After what happened to her parents she thought that no one would leave again, but she's wrong. The man t...