Nang umuwi na si Tom sa hotel na pinasukan niya, agad namang nakichismis itong mga kapitbahay namin. “Uy ang pogi non Stefanne, may jowa na ba yun? Nandito si Maris, single 'to. Ireto ko na ang anak ko sa kaniya” sabi ni Aling Marites. Medyo natawa pa nga ako dahil ang paplastik lang.
“Anak ba iyon ng sugar daddy mo?” tanong naman ni Aling Selda. Umiling ako at si mama naman ay halos nagpipigil lang ng ngiti na nakatingin sa akin.
“Oh baka kabit mo yun? Doon ka nalang sa sugar daddy mo, kay Maris nalang yung si pogi” sabi pa ni Aling Marites. Kapal naman. Hindi pa nga ako nagkakajowa since birth. Hindi ko rin naman jojowain iyang si Tom kasi nga ayoko pang magkajowa and gusto ko lang siya as a friend.
“Tumigil kayo, kay Stefanne na ang lalaking iyon.” sabi ni mama at tinataboy pa si aling Marites at si aling Selda.
“Ito naman si mare, sinabi na nga ng anak mo na hindi niya iyon jowa. Kay Maris nalang iyon” itinaboy na sila ni mama at inilock na yung pinto tsaka ay nilapitan ako ni mama at niyakap. “Manghingi ka kay Tom ng pera” sabi ni mama.
“Ma, ayoko. Nakakahiya” sabi ko.
“Milyonaryo naman iyon, tsaka panggamot natin sa papa mo at tsaka pambayad ng hospital bills” sabi ni mama. Napabuntong hinga ako nang maalalang may babayaran pa kami sa hospital. May ipon naman ako iyon nalang ang ibabayad ko pero kasi pangtuition ko iyon.
Nahihiya naman akong manghingi kay Tom kasi nga ayokong makaabala and hindi naman talaga ako ang mukhang pera, si mama naman yun. Sorry na agad ma.
Napadalas na ang pagpunta ni Tom sa bahay. Minsan nga ay dinadala niya kami sa mga mamahaling restaurant at minsan ay sumasama siya doon sa hospital kung saan nandoon si papa.
Pagpasok ko sa school, hinahatid niya ako gamit ang kotse na binili niya. Nahihiya pa nga ako at naiilang kasi nga yung mga students sa school, grabe kung makatitig. Tinatanong nila ako kung jowa ko ba daw yun o ano ba yung ginamit kong gayuma.
I mean, maganda ako at mabait, hindi na kailangan ng gayuma. Charot.
Okay na si papa at palagi naman siyang kinakausap ni Tom. Nagulat nga kami nong nag-english si papa as in fluent talaga sa english.
“Valedictorian ako nong panahon ko” sabi ni papa. Ay sanaol, ako kasi nag-aaral lang.
Nagkasundo kaagad sila and tinuturuan din ni papa si Tom na magtagalog.
“Jowain mo nalang yan, tignan mo oh, okay na okay yung papa mo sa lalaking yan” bulong sa akin ni mama habang nakatingin sa dalawang lalaki na nag-uusap. Tumitig ako kay Tom. It's been a month since napunta siya dito sa Pilipinas at sobrang bait niya talaga. Kahit na isa siyang milyonaryo ay napakahumble niya.
May tinulungan siyang pulubi sa daan, pangalawang beses na. May pinatayo siyang mga bahay para sa mga taong mahirap. As in napakabait niya.
“Ma, ayoko.” sabi ko kasi hindi ko naman siya gusto romantically, I only like him as my friend. Kinurot naman ni mama ang tagiliran ko kaya napaaray ako. Lumingon sa gawi namin si Tom. Nakatulog na din pala si papa. Lumapit siya sa amin ni mama.
Nagtatagalog na siya. Fast learner din itong lalaking 'to. “Gusto n'yo bang lumabas muna?” aniya. So slang. Napatingin naman kami kay papa na ngayon ay mahimbing na natutulog. Nagpaiwan naman si mama don at kami lamang dalawa ni Tom ang lumabas.
Namasyal kami at nahihiya pa nga ako dahil binilhan niya ako ng mga gamit. “Hoy huwag na,” sabi ko. Buti nalang talaga makaintindi na siya ng language namin. Ngumiti naman siya at umiling as in andami niya talagang binili sa akin. Binilhan pa nga niya sila mama at papa and isa pa, may binili din siya sa kapit bahay namin.
“I'm leaving next week. Kailangan ikaw bilhan ko ng marami” sabi niya. Sinabi ko na kasing huwag nalang pero nagpumilit siya kaya ayun nagpasalamat nalang ako. Nagulat pa nga ako nang hinalikan niya ang noo ko. At tumitig sa mga mata ko. “I will miss you.” ngumiti naman ako. Same, I'll miss him too.
Sa sumunod na linggo ay bumalik na nga siya sa America. Sa linggong iyon ay nakalabas na din si papa, okay na si papa. Nahihiya pa nga siya nong nalaman niyang si Tom ang nagbayad ng hospital bills.
Nagbalik na ang communication namin. Palagi kaming nagchachat, nagvivideocall at nagcall. Hihintayin niya lang yung free time ko. Kahit nga gabi sa kanila at umaga dito, kaya niyang magpuyat makausap lang daw ako.
And that's when nagsimula akong mahulog sa kaniya. Hindi ko lang kayang sabihin baka kasi magkaiba kami ng nararamdaman. Masasaktan lang ako.
“My dad wants to meet you.” sabi niya sa videocall. Kinabahan naman ako nang nagpakita ang daddy niya sa screen. Napalunok ako. Hindi ko naman akalaing mukha pang bata ang ama niya. “I'm Jude, call me daddy Jude” aniya. Napansin ko naman ang pagngiti ni Tom sa gilid. Napangiti naman ako. Kami ulit ni Tom ang nag-uusap kasi may gagawin pa daw ang daddy niya. Tinanong ko naman siya kung ilang taon ba daddy niya at sabi niya ay 49.
Nag-iba na ang aming usapan, tinanong niya ako about sa pag-aaral ko. Tinutulungan pa nga niya ako sa mga hindi ko alam na subjects especially Math. Ang talino niya.
Okay na sana lahat e, hanggang sa dumating ang araw na hindi na kami palaging nag-uusap. Sa tuwing tatawag ako ay sabi niya mabubusy siya. Minsan ay makikita ko talaga sa mga mata niya ang lungkot tsaka sa tuwing mapapansin ko iyon, palagi na niyang ineend yung call.
Lumipas ang mga araw, nawala na ulit yung communication namin. I don't know why. Sa tuwing mag-oonline ako. Online naman siya oero hindi na niya binabasa anh mga chat ko.
Kaya ako naman broken.
Then, one day, habang nagscroll scroll lang ako sa newsfeed. Napahinto ako sa isang post. Niclick ko yung post at napalunok ako nang maview ko yung picture.
Tom is kissing a girl.
Nasasaktan ako, oo. Nagseselos ako, oo pero hindi naman siguro dapat kasi nga hindi naman kami at siguro kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin.
Then imemessage ko na sana siya nang napatitig ako sa message niya.
“Sorry...”
Hindi na ako makareply, he blocked me.
I smiled, sadly. Maybe, hindi lang talaga kami para sa isa't isa.
YOU ARE READING
I Have A Sugar Daddy
RomanceIf loving you means hurting, then I'm happy to suffer in pain, forever, my lover. A story written by: asterovenia