Mabilis lumipas ang araw, naging busy si Mr. Smith dahil nga daw sa paparating naming kasal na parang siya lang naman yung excited.
Patuloy parin si Tom sa pakikipag-usap sa akin sa kwarto. Hindi siya nauubusan ng mga kwento sa akin. Kahit na gustong gusto ko nang umamin sa kaniya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko dahil sa tuwing makakasalubong ko si Mr. Smith palagi niyang pinapaalala sa akin ang mga magulang ko na nasa Pilipinas.
Gusto ko nalang umuwi. Gusto kong bumalik sa mga araw na wala akong pinoproblema. Sana di nalang ako nagpakita sa daddy niya nong nagvideocall kami.
Hindi ko naman pinagsisihan na nakilala ko si Tom, ang sakin lang naman yung ama niyang di ko akalain na ganito pala ang pagtingin niya sa akin.
Napapadalas na rin ang pag-aattend namin ng parties at everytime na akma akong hahalikan ni Mr. Smith. Aagawin niya kaagad yung atensiyon ni Mr. Smith kaya nakakahinga naman ako ng maluwag sa tuwing ganoon.
I excused myself para mag c.r and tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Stefanne, you'll be alright.
Nang makalabas ako ay nakita ko doon si Tom na nakasandal sa pader. Lumingon siya sa akin at hinarap ako.
“Are you okay?” tanong niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Halata kasing nag-alala siya sa akin.
“Hey, Stefanne, please tell me if you're feeling uncomfortable with him. I'll do my best to interrupt his flirty moves” aniya.
“You don't have to do that.” sabi ko kahit ang totoo ay laking pasalamat ko talaga sa kaniya.
“I want you to feel comfortable, so let me...” aniya. Hindi ako sumagot at tumango nalang. Okay, sabi niya e.
He's always like that. Hindi niya hahayaang gagawa ng malandi sa akin si Mr. Smith. Kinikilig ako sa mga kinikilos niya pero tinatago ko dahil sa baka makita kami ni Mr. Smith.
Naging busy na rin si Mr. Smith sa business niya kaya nagoasalamat naman ako dahil hindi niya ako nilalandi. Nandidiri talaga ako sa mga ikinikilos niya.
I wonder what's his job.
Napapadalas rin ang pagpunta ng mga businessman dito at hindi naman ako komportable sa mga tingin nila sa akin. Yung feeling na gusto na nila akong hubaran. Hindi ako sanay sa ganun.
“Want to play a game?” nasa sala lang ako nanonood ng movie nang bigla namang tumabi sa akin si Tom at may dalang chess board.
“I don't know how to play that game.” sabi ko at napalunok. Napatitig siya sa akin ng ilang segundo at tumawa siya ng bahagya.
“Stop being so cute.”
Feeling ko namumula na ang pisngi ko kaya ay napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Tatayo na sana ako nang bigla niya namang hawakan ang kamay ko.
“Stay here, I'll teach you”
Napatingin ako sa kamay na nakahawak tsala sa mga mata niya. Napakurap ako ng ilang beses. Napapadalas na ang ganitong kilos niya.
Gusto ko nang umamin sa kaniya sa nararamdaman ko ngunit natatakot ako sa posibleng gagawin ni Mr. Smith sa kaniya at posible ding may gagawin siyang masama sa sarili niyang anak.
Sa lagay ni Mr. Smith, masasabi mo talagang kaya niyang gawin ang lahat para lang makuha ang gusto niya.
“You're a fast learner!” natutuwang sabi ni Tom at ginulo niya ang aking buhok kaya napangiti naman ako. Nanalo lang naman ako pero feeling ko talaga ay nagpatalo lang siya.
Sa tuwing wala si Mr. Smith, palagi lamang kaming naglalaro ni Tom ng mga laro na hindi ko naman alam. Feeling ko nga ang daya ko kasi ako palagi ang mananalo kahit na alam ko namang nagpapatalo lang siya para lang masabi na ang galing ko.
Papalit na nang papalapit ang kasal at kinakabahan na ako sa posibleng mangyari. Mas lalo naman akong nahulog kay Tom. Nalilito na ako kung itutuloy ko ba ang pagpapakasal kay Mr. Smith o pipiliing magpaagaw nalang kay Tom.
Ngunit sa tuwing maiisip ko yan, biglang papasok sa isipan ko ang mga sinasabi ni Mr. Smith tungkol sa mga magulang ko.
Nagpahangin lamang ako dito sa may garden habang nakaupo sa damuhan. Dala ko ang isang libro na nakita ko lang naman sa maleta ko. Napatitig ako sa mga letra na nakasulat doon at biglang napatulo ang luha ko. Gusto ko nang umuwi sa Pilipinas.
“Are you crying?” agad ko namang napunasan ang pisngi ko at napatingin sa nagsalita. Si Tom, na nasa tabi ko lang. Buti nalang talaga may trabaho si Mr. Smith kaya ay may time si Tom na kausapin ako. Ngumiti ako at umiling.
“Liar.” aniya. Tumayo siya tsaka ay lumuhod sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking pisngi at yung taksil kong luha ay tumulo. Siya naman ang nakapunas non kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
“The wedding is coming and I'm still waiting for the answer, Panny.” aniya. Napalunok ako at di magawang tumitig sa kaniyang mga mata. Sa tuwing magkatitigan kami, maaalala ko yung mga sinabi sa akin ni Mr. Smith. Oo mahal ko itong lalaking nasa harapan ko at mahal ko rin ang mga magulang ko na nasa Pilipinas.
“I can wait. I can wait for you and I always will. Just tell me about your feelings. I'll do everything just to steal you away from him.” he said. Napatingin ako saglit sa kaniya at nakita ko naman ang bahagyang pagngiti niya. Makikita ko sa kaniya ang lungkot.
Nasasaktan rin ako para sa kaniya dahil nga hindi ko kayang sabihin ang nararamdaman ko tsaka ang sobrang sakit pa ay malapit na ang kasal namin ni Mr. Smith.
“I'm sorry...” sabi ko at iniwas yung pisngi ko na nakahawak niyang kamay. Hindi ko alam ang naging reaksiyon niya. Bumuntong-hinga lamang siya at bumalik sa pag-upo sa tabi ko.
“You stole my heart from the very start and now I don't know how to stop this feeling.” he said. Huwag mong itigil please lang hangga't sa kayang ko nang umamin.
“Will you marry him?”
This time napatingin na ako sa kaniya. Nakatingin siya sa diretso sa malayo. Napatingin naman ako sa adams apple niya na tumaas-baba. Halatang kinakabahan siya sa magiging sagot ko.
Hindi agad ako makapagsalita.
“Will you marry him?”
I can't marry that man.
“Yes.” kahit na ayoko naman talaga for the sake of my parents.
He chuckled at napatangk ng bahagya. “If you don't want to, please tell me.” aniya. Napapikit ako at sinabihan ko naman siya sa sagot ko na labag sa kalooban ko.
“I-I will marry him”
Napalunok na naman siya at umiling na naman siya. “If you want to refuse the marriage, please tell me.”
Tom, please stop being like this...
“I-I will marry him”
“Why? Why would you marry a man you don't love?” he suddenly asked.
Hindi ako nagsalita.
“Just tell me the truth.”
Gusto ko mang sabihin na dinamay ni Mr. Smith ang pamilya ko kaso nagulat kami dahil may tumutok ng baril sa ulo ni Tom at nagsalita sa likuran naming dalawa.
“She's mine. You can't steal her away from me. Steal her or I'll kill you” Mr. Smith said. Kinakabahan na ako sa mga posibleng mangyari.
He's an evil!
YOU ARE READING
I Have A Sugar Daddy
RomantizmIf loving you means hurting, then I'm happy to suffer in pain, forever, my lover. A story written by: asterovenia