“She's mine. You can't steal her away from me. Steal her or I'll kill you” Mr. Smith said. Kinakabahan na ako sa mga posibleng mangyari. Napatayo naman ako bigla nang hinila ako ni Mr. Smith at itinago sa likuran niya. Si Tom naman ay nananatiling nakaupo sa damuhan.
“You're the one who stole her from me.” sabi ni Tom.
Tom please huwag ka nalang magsalita...
Tumawa naman ng malakas si Mr. Smith at inalis ang baril sa ulo ni Tom at inilagay ito sa bulsa niya. Bigla namang naging seryoso ang mukha niya tsaka ay hinila na ako papalayo sa hardin. Naiwan si Tom doon.
Napalingon ako sa kay Tom na ngayon ay nakatayo na at nakatanaw sa amin ni Mr. Smith na paalis. Bahagya siyang napangiti at tumingin sa baba. Tumalikod siya at umalis na nakapamulsa.
Simula non ay may mga bodyguard na ako. Yung personal bodyguard ko lang. Nakakairita nga minsan dahil kahit na papunta ako sa banyo ay susundan ako pero syempre nasa labas lang sila.
Hindi nila hahayaang makalapit sa akin si Tom. Kung magkasalubong man kami ni Tom ay agad namang haharang ang bodyguard.
“I can handle myself.” sabi ko sa isang bodyguard habang nagdidilig ako ng tanim. Sabi pa nga niya na mahigpit ang bilin ni Mr. Smith na papahingahin lang ako sa kwarto at kung may gusto daw akong gawin sasabihin ko lang daw sa maids and sa body guard.
I don't want to be treated this way. I just want to live a normal life.
Sa tuwing may pulunta rito na business partner ni Mr. Smith didiretso na talaga ako sa kwarto dahil parehas lang sila. Feeling ko parang huhubaran na ako sa mga titig nila.
There was a time na pinatawag ako ni Mr. Smith doon sa opisina niya dahil may gusto raw na makilala ako isang negosyante rin.
“You have a beautiful fiancée.” sabi ng negosyante nang makapasok na ako sa opisina. Napatingin naman ako sa lamesa kung saan nandoon ang droga. Napalunok ako at natatakot na tumingin kay Mr. Smith. Parang gusto ko na lumabas.
“I need to go to the bathroom.” sabi ko bilang palusot kaso itinuro ni Mr. Smith ang bathroom na nasa opisina niya. Napangiti ako at yumuko ng bahagya. Nanginginig akong pumasok sa banyo at ramdam ko talaga ang titig nilang pinadidirian ko.
Napatingin ako sa salamin at nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Kung may cellphone pa lang ako. Siguro tinawagan ko na si Tom para sabihin na sa kaniya yung totoo kong nararamdaman ngunit kinuha lahat ni Mr. Smith ang gamit ko at itinago niya. Yung mga damit na susuotin ko palagi ay pinalitan niya ng mga sexy ma damit at ayoko non.
Napatakip ako sa bibig ko nong napahikbi ako. Narinig ko naman ang pagtatawan nilang dalawa.
And ilang minuto ang nakalipas ay may kumatok. “Honey, are you done?” ani Mr. Smith. Nangingilabot parin ang balahibo ko sa tuwing tatawagin niya ako ng ganun. Dali-dali kong pinahid ang luha sa pisngi ko at naghilamos.
Nanginginig kong hinawakan ang doorknob at napabuntonghinga ako bago ko binuksan iyon. Agad namang tumapat sa akin si Mr. Smith na nakangiti sa akin. Nilagay niya ang braso niya sa balikat ko at iyong kasama naman niya ay napakagat sa labi. Buti nalang talaga pagkatapos non,pinabalik narin niya ako sa kwarto.
I always asked myself, kapag uuwi ako sa Pilipinas, wala ba akong maririnig na issue tungkol sa akin? I mean, Mr. Smith is a milllionaire and base sa nakikita ko, druga panigurado ang negosyo nila. Illegal business. Kilala siyang tao and paano kung mabalitaan nilang magpapakasal ako sa isang matanda? Mmatutuwa siguro si Aling Marites dahil ay single si Tom.
“Ma'am, it's time to sleep.” ani isang bodyguard habang ako naman ay nasa balkonahe parin nakatingin sa paligid. Malamig ang gabi ngunit hindi pa ako inaantok.

YOU ARE READING
I Have A Sugar Daddy
RomanceIf loving you means hurting, then I'm happy to suffer in pain, forever, my lover. A story written by: asterovenia