18

174 10 0
                                    

“Wake up, it's time to visit them.” paggising sa akin ni Song ngunit hindi ako nakinig. Nananatili akong nakahiga sa kama habang nakatulala lamang. Tumulo ang mga luha ko habang naalala ang panahong iyon.

Mga panahong masaya pa kami nila mama at papa kahit walang Tom sa buhay namin. Mga panahong puro pagbabangayan ni mama at papa ang narinig ko. Mga panahong minsan pinagsisihan ko dahil ko man lang natupad ang pangako ko sa kanila.

Ang pangakong binuo namin ni Tom sa mga panahong kami pa.

Bibigyan namin ng apo sila mama at papa.

Hindi parin ako makapaniwala na wala na akong mga magulang. Na tanging kaibigan ko nalang ang nandiyan para sa akin. Wala na rin akong balita kay Tom sa loob ng tatlong buwan.

“Stef, nag-alala na si mommy sa iyo” sabi niya. Napakagat ako sa labi ko dahil nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Pwede naman sigurong ako nalang ang nawala diba? Bakit sila pa ang pinatay ng lalaking iyon?

“Stef, bumangon ka na. Kapag di ka babangon diyan, uubusan kita ng paborito mong ulam” sabi pa ni Song na hindi parin niya ako pinansin.

Sa loob ng tatlong buwan, si Song palagi ang nasa tabi ko. Sinusubukan niya akong pangitiin kaya minsan napapangiti naman ako ngunit hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko.

“Shh, you missed them, am I right?” he asked. I bit my lower lip and started to cry more. I can’t handle this pain. If only I could turn back the time, I already did. I want to be with mama and papa right now.

“They’re just sleeping and all we need to do is to sing them a lullaby.” Song said. Hindi ako nagsalita at hinhintay lang ang sasabihin niya na akala ko may kasunod pa ngunit wala na pala. Nagulat ako nang hinila niya ang mga kamay ko para mapaupo ako. Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at pinahid ang luhang dumaloy doon.

Napapikit ako dahil naalala ko ang mga panahong ganito rin ang ginawa sa akin ni Tom noon sa tuwing iiyak ako.

Shit, bakit ko ba siya iniisip.

“Take a bath, we’ll visit your mama and papa.” he said and kissed my forehead. Iniwan na niya ako sa kwarto niya. Nahihiya rin ako dahil sana dito matutulog si Song sa kama niya ngunit sa sala siya palaging natutulog doon sa couch.

Tatlong buwan na siyang doon natutulog. Minsan nga ay nakikita ko siya sa study table niya na doon magmukmok at matulog. Napalunok naman ako. Hindi niya dapat ginawa ang mga bagay na ito. Oo alam kong mag-isa na ako at ayos lang sakin na manatili sa bahay namin. Ayokong iwanan ang mga alaala ko roon.

He will always check up on me kahit alam kong busy na busy siya sa trabaho niya. He's an attorney at alam kong napakaraming cases ang babasahin niya ngunit mas pinili niya ako. Hindi niya ako iniwan. Nandyan siya palagi sa tabi ko.

In 3 months, I felt the loneliness in me. I’m lost. I blame myslef for the death of my parents and he will always say “It’s not your fault. Don’t say things like that.”

Pero kasi hindi ko maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. Paano kung hindi nga ako umalis? Sigurado akong walang mangyayaring ganoon.

I’m sorry for everything Song.

Tamad akong naghanda at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I’m all wasted. Namamagang mata, mapuputlang mukha at para bang mahihimatay nalang ako minu-minuto lang. Napabuntonghinga ako bago ako lumabas ng kwarto at tsaka nakita ko doon si Song na naghihintay lang pala sa akin.

“Let's go?” he smiled. Kahit ayaw ko, I tried to smile for him. Siya na nga itong gumawa ng paraan para masamahan ako sa puntod nila mama at papa.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now