15

179 10 0
                                    

Imbis na maging masaya ako dahil birthday ngayon ni papa nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa buong hapon na pagcelebrate namin ng birthday ni papa, hindi ako pinapansin ni Tom, kahit tignan man lang hindi niya nagawa.

“Happy birthday papa!” sabi ko sabay yakap kay papa. Agad naman akong napatingin sa gawi ni Tom na ngayon ay nakatitig lang sa lamesa. Ni hindi niya rin pinansin si Isabelle. Nagtataka nga ako kung bakit.

Bumati na rin sila kay papa at agad na kaming kumain. Sa hapag-kainan, pansamantala kong sinusulyapan si Tom na ngayon ay seryoso lang sa pagkain.

“Love...” sabi ko pero nabigla ako nang bigla siyang nabilaukan at naubo kaya agad siyang binigyan ni Isabelle ng tubig at ininom niya naman iyon. Nagpigil naman ako ng ngiti at tumingin nalang sa pagkain ko.

How cute.

“Hmm?” he responded pero umiling naman ako. Gusto ko lang naman sanang tanungin siya kung ayos lang ba siya pero mukhang hindi na siguro.

Nang matapos na kaming kumain ay agad naming kinantahan si papa ng happy birthday inislice yung cake. Nagulat nga ako sa biglaang pagpahid ni Tom sa akin ng icing. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay may nakakaloko nang ngiti sa labi. Syempre hindi ako magpapatalo. Kumuha ako ng icing at pinahid sa mukha niya.

Naghahabulan na kami rito sa bahay. Sana palagi nalang kaming masaya tulad nito.

“Ang daya! Ang rami ng sayo, Love!” sabi ko at natawa naman siya. Napansin ko naman ang natutuwang titig nila mama at papa sa aming dalawa ni Tom ngunit si Isabelle ay tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa. Well, wala akong pakialam kung magseselos siya dahil jowa ako ni Tom at sabihin nating kaibigan lang siya ni Tom.

“Oh sige, tama na yan, magligpit na kayo at maghilamos na pagkatapos” pagpipigil sa samin ni mama. Inakbayan naman ako kaagad ni Tom at agad na hinalikan ang pisngi ko kahit may icing pa ito. Napansin ko rin ang pagtayo ni Isabelle at ang pagligpit ng mga plato.

Tinulungan naman namin siya na magligpit at nag-insist ako na ako na ang maghugas ng plato. Sumang-ayon naman si Isabelle ngunit si Tom ay hindi.

“I'll help you.” aniya, ngumiti naman ako at umiling na pero dahil nga matigas ang ulo niya tinulungan na niya ako. Pinapasok na niya si Isabelle sa kwarto nito dahil sabi pa nga niya may lagnat daw si Isabelle pero feeling ko wala naman siyang lagnat.

“Ayos lang ba kayo ni Isabelle?” tanong ko sa kaniya bigla.

“Of course, why?”

Napailing-iling naman ako at nagfocus nalang sa paghugas ng pinggan. I'm so happy right now. Nabalik na siya sa Tom na kilala ko at Tom na nagpapakilig sa akin.

“Who's that guy?” napalingon naman ako kaagad sa kaniya nang itanong niya iyon. Halatang si Song ang tinutukoy niya.

“A friend of mine.” sabi ko at napangiti. Ewan ko nga ba dahil kahit yun lang ang tanong niya, nagsimula ko nang ikwento sa kaniya yung mga masasaya naming pagsasama ni Song bilang magkaibigan pero syempre di ko sinabi yung about sa confession ko kay Song noon. Nakakahiya kaya tsaka boyfriend ko 'tong kaharap ko no.

“You must be really happy when you're with him” aniya tsaka ay napatingin sa plato na hinugasan niya at napabuntong hinga. Nawala rin ang ngiti na nasa labi ko at nagfocus na sa paghugas ng pinggan.

“Panny...”

“Hmm?”

“I love you and that will never change, please remember that.” sabi niya at napalunok naman ako.

I really love him too.

Maraming nangyari sa sumunod na tatlong araw. Nabalik na sa dati ang pagsasama namin ni Tom, madalas na siyang pumapasok sa kwarto ko para makatabi lang matulog at napansin ko naman ang pagiging tahimik ni Isabelle palagi.

Nagpapansinan naman sila ngunit hindi na tulad noon na kinaseselosan ko talaga.

“Love, sasamahan ko muna si Isabelle.” sabi bigla ni Tom kaya napakunok ako dahil syempre si Isabelle na yan. Alam ko namang ako ang mahal ni Tom pero di b pwedeng maging selfish lang pagdating kay Tom?

“Saan ang punta nyo?” tanong ko. Nakikibit balikat lang siya dahil sabi pa niya ay hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Isabelle.

Magsasalita na sana ako nang bigla naman akong tinawag ni mama dahil raw may tao sa labas. Agad ko namang iniwan si Tom at lumabas ng kwarto. Napatalon naman ako bigla dahil sa biglaang paghila ni Song sa buhok ko at tsaka tumawa siya. Bwiset talaga ng lalaking 'to.

“Bakit hindi ka pa nakabihis?” tanong niya sa akin. Oh I forgot! Lunes pala ngayon!

“Sensya na ah, may amnesia lang.”

“Sige lang ah, nakakatampo ka na Ning ah. Sana sinaksak mo nalang ako sa apdo.”

Buang.

Napalunok naman ako bigla nang may napatikhim sa likuran ko. It's probably Tom. Napalingon naman ako sa kaniya and napangiti ng bahagya. Agad naman siyamg pinansin ni Song. Feeling close talaga nitong Song na 'to.

“Bro, what's up?” tanong ni Song pero tinignan lang siya ni Tom kaya napakamot nalang ng batok si Song.

“Bro, pwede pahiram muna ng girlfriend mo ngayong araw?” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa tanong ni Song. Napatingin naman kaagad si Tom sa akin kaya napangiti naman ako at nang nabalik na ang tingin ni Tom kay Song ay sinamaan ko na naman ng tingin si Song.

“No.”

“Ay ang damot ng jowa mo Ning.”

Napalunok ako dahil napansin ko sa mukha ni Tom na naaasar siya.

“Kahit ngayong araw lang promise, magkaibigan naman kami. Hindi ako mangingialam sa relasyon niyong dalawa. Matagal na kasi kaming di nagkikita  tsaka syempre matalik kaming magkaibigan nitong jowa mo kaya pumayag ka na pre. Magkaibigan lang talaga kami promise.” mahabang sabi niya. Buang talaga nitong lalaking 'to. Di ko nga alam na may kaibigan pala akong abnormal.

“Love...” tawag kaagad sa akin ni Tom kaya ay napatingin naman ako sa kaniya.

“Papayag na ako.” sabi ni Tom at napa-yes naman ng mahina si Song.

“Salamat ng marami, pre. Ibabalik ko naman kaagad 'tong jowa mo” sabi pa ni Song emphasizing the word "jowa".

“Love, magbihis na tayo” aniya na hindi pinansin ang sinabi ni Song. Wait, tayo? Ah oo nga, aalis rin pala sila ni Isabelle.

“Sasama ka?” biglaang tanong ni Song kaya agad naman ding napatingin si Tom sa kaniya. Tom smirked and nodded.

“Of course, I'm the boyfriend here. You're the friend. Ako nga dapat ang ka-date ng jowa ko but well, thank me I'm not selfish.” sabi ni Tom kaya napalunok ako.

“D-diba may lakad kayo ni Isabelle?” tanong ko.

“She can manage herself, love. I'll go with you.” aniya at naun nang pumunta sa kwarto niya at sa tingin ko ay magbibihis na yun.

Napatingin lang kami ni Song kay Tom na naglakad papasok sa kwarto nito.

“Grabe siya, ang damot masyado hindi ka naman gold.” sabi ni Song na agad ko namang binatukan.

“Isa nalang talaga Ning. Isa nalang talaga!” sigaw niya kaya napatawa ako.

Sana nalang talaga maayos lang ang pamamasyal namin ngayon. Sana masaya at walang away na mangyayari.

Papasok na sana ako sa kwarto ko para magbihis nang magsalita naman si Song.

“Ang hirap mo namang makuha, Ning. Pasensya na kung ngayon lang. Noon pa sana 'to e.” aniya.

Napatitig ako sa kaniya nang may pagtataka pero nabigla naman ako nang bigla niya akong itinulak papasok ng kwarto.

“Ang bagal mo namang kumilos magbihis ka na!” aniya.

Ano bang ibig sabihin ng noon pa sana?

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now