14

170 7 0
                                        

Hindi na ako mapakali sa mga sumunod na araw dahil sa mas may time na si Tom kay Isabelle kesa sa akin. Sa tuwing mag-uusap kami ni Tom ay hindi na ako kinikilig dahil nasasaktan ako. Hindi ko lang naman matanggap na ako sana ang jowa, ibang babae naman ang inaatupag niya.

Si papa ang naging takbuhan ko palagi. Sa kaniya ako palaging nanghihingi ng advice and palagi niyang sinasabi sa akin na papalayasin nalang daw ang dalawa pero sabi ko hindi. Ayoko munang magpalayas ng tao dahil hindi ko naman alam ang totoong namamagitan sa kanila. Kailangan ko munang obserbahan lahat ng mga kilos nila.

Nagising ako ng maaga dahil sa sermon ni mama. Nagbihis na ako ngayon dahil sasama ako kay mama na mamalengke. Try ko ding isama si Tom, kung papayag nga lang. Pumunta ako sa kwarto niya at kumatok ngunit walang sumagot galing sa loob.

“Love...” tawag ko pero wala paring sumagot. Binuksan ko ang pinto ngunit walang tao roon. Pumasok sa isipan ko na baka nasa kwarto siya ni Isabelle kaya napalunok ako. Kung tama man ang hinala ko, oras na siguro para makipaghiwalay na ako kay Tom. Nasasaktan na ako. Durog na durog na ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa kwarto ni Isabelle at kinatok iyon ng tatlong beses ngunit walang sumagot kaya ay binuksan ko lang iyon at hindi naman ako makapaniwala sa nakita ko.

Si Tom nakaupo sa upuan habang nakatitig kay Isabelle na natutulog na ngayon. Kaya naman pala hindi niya marinig ang katok dahil nakaheadset siya. Napabuntong- hinga naman ako at aalis nalang sana nang napansin kong bigla siyang tumayo.

“Love, where are you going?” tanong nito sa akin. Kung noon kikiligin ako tuwing tatawagin niya akong love, ngayon ay kumikirot na ang dibdib ko. Tinawag man niya akong love, hindi ko naman alam kung sino ba talaga sa amin ni Isabelle ang mahal niya.

“Mamamalengke kami ni mama. Sasama ka?”

Napangiti siya ng bahagya at napalingon kay Isabelle.

Piliin mo naman ako kahit ngayon lang.

“Baka hindi, nilalagnat kasi si Isabelle.” aniya. Napangiti naman ako ng peke tsaka ay napatango ng bahagya. So I guess, si Isabelle ang pinili. Nagpaalam nalang ako na aalis na kami and ang tanging sabi lang niya ay “Ingat kayo.”

Wala ng 'I love you' 'forehead kiss' and 'hug'. Everything changed.

Naglalakad lang kami ni mama papunta doon kasi medyo malapit lang naman.

“'Nak, ayos lang ba kayo ni Tom?” napatingin naman ako kay mama na ngayon ay focus lang sa paglalakad.

“Ayos lang naman... siguro...”

“Ayos ka lang ba?”

Hindi ako nakapagsalita.

“Sabihin mo lang sa amin ng papa mo kung hindi at kung nagseselos kana kay Isabelle, pwede naman nating paalisin.” sabi niya.

“Hindi ma, ayos lang po”

Hindi ko nga muna sila papaalisin.

Nakarating na kami sa palengke at nagsimula na kaming mamalengke ni mama. Birthday ni papa ngayon at gusto naming maghanda para sa kaniya.

Nagulat nga ako dahil binilhan ako ni mama ng bagong cellphone. Oppo A3s. Ang saya ko na.

“Ma, sayo nalang 'tong cellphone” sabi ko ngunit umiling siya dahil para sa akin daw iyon. Palagi nalang kasi akong nanghihiram sa keypad na cellphone ni mama kapag itetext ko na si Tom and ngayon may sariling cellphone na ako. Naghiwalay muna kami ni mama dahil bibili lang ako ng cake and si mama naman bibili ng karne don sa karnehan, syempre.

Habang pumipili ako ay nailang naman ako bigla dahil sa titig ng lalaking nakaupo sa gilid. Feeling nag-oorder din ng cake. Hindi ko siya kilala tsaka nakamask siya pero napakapamilyar ng mata niya.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now