Akala ko magiging okay na kami ni Tom simula nong jacket scene ngunit ganun parin pala. Sa bahay, hindi parin niya ako pinapansin at iniiwasan niya parin na makasalubong ako. Minsan nga ay mapagkamalan ko na siyang baliw dahil mahuhuli ko siyang nakatitig sa akin minsan at umiiwas naman agad.
Kung kakausapin niya lang sana ako, sana may lakas loob na ako para iwan itong si Mr. Smith.
Napapadalas din ang pagpunta rito sa bahay ang babaeng nakita ko nong nakabathrobe lang ako. Titingin naman siya sa akin at ngingiti lang pero amg totoo niyan alam ko namang si Tom ang kaniyang pakay.
Minsan nga ay nakikinig ako sa pag-uusapan nila kaso puro tawanan lang naman iyon. Napabuntonghinga na lamang ako at bumalik sa kwarto.
Ayoko namang pumunta sa fifth floor kung saan ang opisina ni Mr. Smith kasi nga gusto kong umiwas sa kaniya.
Minsan ay magugulat nalang ako dahil nasa tabi ko na siya nakahiga at nakayakap pa sa akin. Hindi naman niya ako ginagalaw at bilib ako sa kaniya sa parte na iyon. Ang hindi ko lang talaga nagustuhan ay masyado niyang finifeel ang pagfiancée naming dalawa na pinandidirian ko naman.
Pinadalhan na naman niya ng pera sila mama at sigurado akong nagpaparty na naman yung ina ko. Si papa naman siguro, di ko alam kung ano ang reaksiyon non. Hanggang ngayon kasi pinaniniwalaan parin nilang nagtatrabaho ako. Hindi ko rin namab sinabi sa kanila na fiancée na ako ng isang matandang milyonaryo.
“Ma'am, Mr. Smith wants to meet you in his office.” sabi ng maid. Napatango naman ako at lumabas na sa kwarto. Sumakay ako sa elevator and pinindot ang fifth floor.
Nang makarating ako roon agad sumalubong sa akin si Mr. Smith na may nakakalokong ngiti sa labi. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinila at pinasok sa opisina niya. Pinaupo niya ako sa sofa at may kinuha siyang isang magazine sa lamesa niya.
“Choose a ring” aniya. Napalunok ako at dahan-dahang kinuha ang magazine. Nagpanggap ako na pumili pero ang totoo non, punong-puno ang isipan ko. Makakasal na ba talaga kami? Hindi na ba ako aagawin ni Tom? Final na talaga?
Pero kasi si Tom, napaghalataan na e. Mukhang may girlfriend na talaga siya and I bet yung babaeng palaging pumupunta sa bahay nila.
Itinuro ko na lamang yung singsing na plain na walang kadesign-design kasi nga wala talaga ako sa sarili ko ngayon ngunit ayaw ni Mr. Smith non. Edi siya na pumili, siya lang naman may gusto sa kasal na 'to.
“Next week, we'll go to the fashion designer for your wedding gown. Next month will be our wedding” sabi niya. Napalunok naman ako at tumango.
“Honey, don't be scared. I can take care of you” he said. Nabigla naman ako nang pumunta siya sa likuran ko at hinahaplos yung balikat ko. Naninindig ang mga balahibo ko. Lalo na nong inilapit niya ang kaniyang labi sa tenga ko.
“I will make you fall in love with me. Once you'll say no to me, say good bye to your parents” aniya kaya napalunok ako. Nanlaki pa nga yung mata ko nong bigla niyang dinilaan ang pisngi ko.
Buti nalang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Tom. Nakatitig siya sa aming dalawa. Tumingin siya sa akin saglit at tsaka kay Mr. Smith. Sinamaan niya lang naman ng tingin si Mr. Smith tsaka ay lumabas na sa opisina.
Pinalabas naman ako ni Mr. Smith nang may biglang pumasok na ta tauhan sa opisina at para bang may importanteng sabihin kay Mr. Smith. Nakahinga naman ang ng maluwag non.
Napakamot ako sa ulo ko habang naglalakad ako papunta sa elevator nong bigla akong napahinto. Nakita ko si Tom na nakasandak sa pader at nakatingin sa akin. Nagtataka lang naman akong napatitig sa kaniya.
“Do you love him?” biglaang tanong niya naman. Bakit niya naitanong? Bakit? Aagawin na ba niya ako?
“Y-yes...” I lied. Gusto ko lang namabg makita ang reaksiyon niya e. He smirked at napailing siya. “Liar.” sabi niya. Napalunok naman ako. He asked me once again.
“Do you love him?” seryosong tanong niya and this time. Sasabihin ko na ang totoo.
“N-no.” sabi ko. He smiled.
“What about me? Do you love me?” napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo ngunit hindi ko magawang sumagot sa kaniya.
May tinignan naman siya sa likuran ko at nabigla naman ako nung agad niya akong hinila papasok sa elevator.
Nagtataka ako dahil napakahigpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.
“Tom...” sambit ko at lumingon naman siya sakin. Damn, ang gwapo naman ng lalaking 'to.
“What is it, Panny?” tanong niya. Gamit niya parin yung pangalan na tinawag niya sa akin noon. Napatitig lang ako sa kaniya at napatitig lang naman siya sa akin. Bigla naman siyang umiwas at bumuntong hinga.
“If you want to ask me about girlfriends, no, I don't have a girlfriend.” aniya.
“Then who's that woman you kissed?” tanong ko patungkol sa babaeng kahalikan niya noon. “It was just a dare.” aniya. Wow, grabe naman ng dare nila dito sa America, halikan. Wow, as in wow.
“Then who's the girl you uhm...”
“I haven't bed any girls in my room. To be honest, I watch porn.” aniya. Bigla naman akong napaiwas ng tingin. Ambastos naman. Buti pa ako mabait.
“And about the noisy girl, she's my friend.” sabi pa niya pero hindi parin ako nakamove on sa unang sinabi niya.
Nang bumukas na ang elevator ay inihatid niya ako doon sa kwarto ko. Pumasok pa nga siya at tinitigan yung maleta. Napaiwas naman ako ng tingin. Oo, siya yung bumili ng mga gamit na dinala ko ngayon. He smiled.
“You're good at keeping things.” hindi ako nagsalita. Napalingon siya sa akin at nawala naman ang mga ngiti niya.
“Please, answer the question I asked you earlier. Promise, if you'll say yes, I'll do everything to steal you away from him...” aniya tsaka napatalikod at napagulo ng kaniyang buhok. Ako naman ay gulat na napatingin sa kaniya.
“Right from the start, I want you. I love you. I need you and this time, I'll do anything to steal you from him. I want to claim you as mine. Just tell me what's your answer before the wedding. I'll patiently wait.” aniya at napakamot sa batok niya. Lumabas na siya at sinara naman ang pinto.
Ako naman ay nagulat sa nangyari.
He just confessed!
YOU ARE READING
I Have A Sugar Daddy
RomanceIf loving you means hurting, then I'm happy to suffer in pain, forever, my lover. A story written by: asterovenia