12

201 10 1
                                    

Nang makarating na kami sa Pilipinas, naging maayos ang pamumuhay namin. Natutuwa sila mama at papa dahil nakakasama na namin ulit si Tom. Sinabi naman ni Tom ang lahat nang nangyari doon sa America at halos mahigh-blood nga si mama sa narinig niya.

“Wag na wag ka nang babalik doon!” aniya. Napatawa naman ako at napatango.

Tom and I started dating. It's been a month since nagconfess ako sa kaniya at masaya na kami ngayon. Dito na sa amin nagstay si Tom. Tinuring naman nila mama at papa na tunay na anak si Tom. 

Nakakamangha nga lang talaga dahil napakafluent na ni Tom sa pagtatagalog pero pumupunta parin dito si Isabelle para ipagpatuloy ang pagtutor nila. Minsan nga ay sumasali si papa sa pagtuturo habang ako naman ay nakikinig na sa kanila.

“Panny, I have something for you.” ani Tom habang nasa sala kami nanonood ng movie. Nakayakap siya sa akin at bigla siyang may pinakita na maliit na box sa akin. Siya na mismo ang nagbukas habang nakayakap parin sa akin.

Kuwintas.

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya. Napangiti at tumango. Agad ko siyang niyakap tsaka hinalikan sa pisngi. Hindi sa labi dahil gusto kong siya yung magkukusang hahalik sa akin sa labi.

Having Thomas Smith in my life is the best thing that happened.

Unti-unti na namang gumagaling ang sugat niya ngunit may napapansin lang ako. Napapadalas ang paghingal niya at nahihirapan siyang makahinga nang maalala ko iyong sinabi ni Rico sa akin.

May heart failure si Tom.

Napalunok ako at pinapanood si Tom habang tinutulungan si papa na nagtatanim ng mais sa sakahan. Tumabi si mama sa akin.

“Ang bait ni Tom.”

Ngumiti ako at tumango. Nakatingin lang kami sa direksiyon nila Tom at namumuno naman ang katahimikan. Ilang minuto ang nakalipas ay nagsalita si mama. Naghihingi siya ng tawad sa pagiging mukhang pera niya at hindi naman sana kailangan dahil napapatawad ko naman siya.

Dumating si Isabelle kaya tumigil si Tom. It's time for Filipino class.

“Panny, gusto mo sumama?” tanong ni Tom.

“I'm fine here, magfocus muna kayo sa class.” sabi ko. Ngumiti naman si Isabelle sa akin tsaka ay binigay niya yung pinabili ko sa kaniyang mga prutas.

Kakainin 'to namin ni Tom mamaya. Fruits are good for the heart kaya kailangan ito ni Tom. Sa tuwing i-oopen up ko sa kanya about sa puso niya, hindi niya ako titignan sa mata at parang ayaw nya akong mag-alala.

Tinignan ko sila na ngayon ay nasa sala ng bahay namin. Tumatawa sila kaya napabuntong-hinga ako. Napalingon saglit si Isabele sa akin kaya nawala ang ngiti sa labi niya. Umiwas naman ako ng tingin at tinulungan si mama na dalhin yung mga prutas sa loob ng bahay.

May napansin lang talaga ako. Tom is very fluent in tagalog but bakit kailangan pang pupunta rito si Isabelle? Hindi naman ibig sabihin na hindi ko siya gusto o nagseselos ako pero may nararamdaman lang akong kakaiba sa tuwing nandito siya sa amin.

Oo na, aaminin ko. Nagseselos ako.

“Love, come here” pagtawag sa akin ni Tom kaya lumapit ako sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ay hinalikan iyon. Niyakap niya ako tsaka ay ginulo bahagya ang buhok ko.

Napatingin naman ako kay Isabelle. Nakangiti lang siya ngayon sa amin. Well, I guess wala naman akong dapat pagselosan.

Pumasok na kami sa loob at kumain na ng prutas. Sinusubuan pa nga ako ni Tom.

“Say ah” aniya. Napangiti naman ako at napailing. My mouth is so full kaya ay di ko na magawang ibuka ng malaki ang bibig ko.

And nagsisisi naman ako nang bigla namang sinubuan ni Tom si Isabelle. Napangiti naman si Isabelle. Napaiwas ako ng tingin at ngumuya ng prutas.

Something's not right.

Napatingin naman silang dalawa sa akin at inakbayan naman ako ni Tom. “Tapusin mo yang kinain mo, magde-date tayo” aniya. Tahimik lamang akong napatango at napatingin kay Isabelle na ngayon ay nakikipag-usap na kay mama at papa.

Pumasok muna ako sa kwarto at napaupo. Bumukad naman ang pinto at alam ko naman kung sino ang pumasok.

“Love, are you okay?”

Napalunok ako at napatango sa kaniya ng bahagya. Tumabi siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

“Don't worry about me. I'm okay. My heart is okay as long as you're with me. I love you.” sabi niya at hinalikan ang noo ko tsaka ang ilong ko.

Imbis na selos ang nararamdaman ko, napalitan iyon nang pagkalungkot. He open up about his heart failure. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari, paano kung lumala iyang sakit niya? Ano ang gagawin ko?

Ipinagdikit niya yung noo namin at napapikit siya sa kanyang mata. “Where's my 'I love you too?'”

Sa simpleng pag ganyan niya ay napangiti ako. Sa halip na sagutin siya ay hinalikan ko siya sa ilong niya.

I love him. I really do.

Hindi kami nakapagdate kasi biglang umulan. Akala ko nga uuwi na si Isabelle ngunit dito na siya pinatulog nila mama.

Napapansin ko rin ang pagtitig niya sa akin kaya naiilang ako sa kaniya. Kung noon ay palagi siyang nakangiti. Nagtataka lang ako ngayon dahil hindi na siya tulad noon, dahil siguro sa pagkamatay ni Rico. Sinisisi ko ang sarili ko sa pangyayaring iyon.

Hatinggabi nang pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Pabalik na sana ako sa kwarto nang nakita ko si Isabelle na nasa labas ng bahay na may kausap sa cellphone nito.

Dahan-dahan naman akong lumapit at nakinig sa pag-uusap nila. Oo na, chismosa na ako.

“I'm fine here. Don't worry.” she said then laugh sweetly. Bagong jowa niya ba ang kausap niya?

Nang mapalingon siya ay natigil siya at napansin ko ang paglunok niya tsaka ay ngumiti siya sa akin ng bahagya. Pumasok na siya sa bahay at dumiretso sa kwarto kung saan siya natutulog.

Our days went well. Mas nakikita ko ang sweet side ni Tom. Hinahalikan niya ang noo ko tuwing gising ko at babatiin niya ako nang nakangiti. “Good morning, love.” aniya.

Sa mga nakaraang araw ay umuwi naman kaagad si Isabelle pero ang pinagkakataka ko lang ay si Tom na naman ang palaging aalis. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta kaya ang tanging gagawin ko lang ay maghintay sa kaniya.

Then one night, pinatulog niya muna ako pero nagpapaalam na siya sa akin kanina na may pupuntahan lang siyang kaibigan. Duda na ako kaya ay nagtulog-tulogan ako. Pagkatapos ay naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

“I'll be back.” iyan ang sabi niya.

Lumabas na siya kaya ay dali-dali rin akong tumayo at nagbihis upang sundan siya. Dapat naman sana siyang magpahinga para sa puso niya.

Sinundan ko siya papunta sa isang lugar na hindi ako masyadong pamilyar.

Bar?

Anong gagawin niya sa bar?

Nanatili akong dumistansya sa kaniya ng ilang dipa para naman di niya ako mapansin. Nahihilo ako sa lights pero kaya ko 'to.

Sinunandan ko siya nang tingin hanggang sa huminto siya sa isang table kung saan nandon ang isang babae. Lumapit ako ng konti upang kilalanin ang babaeng iyon.

Nakangiti siya at nang mapatingin naman ako kay Tom ay ganun din ang nakikita kong ngiti. Napalunok ako. Nagseselos ako. At parang gusto ko nang sabunutan ang babaye nang bigla niyang ginulo ang buhok ni Tom. Napangiti naman si Tom.

Isabelle.

Napatulo ang luha ko. Tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kanila. Akala ko okay na lahat ngunit feeling ko nagsisimula pa lang ito.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now