03

314 16 0
                                        

“Stefanne, ayos na ako. Huwag ka na magtrabaho” sabi ni papa habang nasa sakahan siya. Kumakain kami dito ng pananghalian at kakauwi ko lang din naman galing sa paaralan. Kailangan ko yung trabaho para mabayaran ko lahat ang tuition fee ko. Graduating student na ako and nakakatuwa kasi di ko naman inakalang masasali ako sa cumlaude.

“Pa, ayos lang. Gusto ko rin naman pong sanayin yung sarili ko sa pagtatrabaho.” sabi ko. Napatitig naman si papa sa akin na para bang hindi na talaga niya ako mapigilan kaya napangiti ako. Si papa talaga mahal na mahal ako. Nilagyan niya ng ulam plato ko.

“Hindi parin ba siya nagparamdam?” tanong niya nawala bigla ang ngiti ko at umiwas ng tingin. It's been a month simula nong hindi na siya nagparamdam at wala na kaming communication. Nagtataka parin ako kung bakit niya nagawa iyon at bakit ang bilis niyang makahanap ng babae e okay naman kami non.

“Mahal mo?” tanong ni papa pero hindi ako sumagot.

“Alam mo, kung para sa iyo talaga ang isang tao, para sa iyo talaga iyan. Marami mang haharapin na consequences pero pag nakatadhana kayo sa isa't isa, kayo talaga ang magkatuluyan.” sabi niya. I smiled a bit. Imposible naman kasing magustuhan ako ni Tom. Oo alam kong maganda ako, iyan ang sinabi sa akin sa karamihan, pero kasi ano naman ang kagandahang 'to kung yung mismong taong gusto ko ayaw sa akin?

“Malaki ka na, andami mong manliligaw pero tinataboy mo lang. Pwede mo namang sagutin ang isa sa kanila. Di naman ako magagalit.” sabi ni papa. Alam ko namang nakasupport lang palagi si papa pero kasi hindi ko sila gusto. Nasa malayo ang gusto ko. Nasa ibang bansa ang gusto ko.

“Ang tanong, papayag ba si mama?”

Si mama yung sobramg nagalit nong nawalan kami ng komunikasyon ni Tom kasi daw wala na daw magpapadala ng pera sa amin. Kahit sasabihin ko pa siyang may jowa na yung tao at niblock na ako ako yung papalabasin niyang may kasalanan. Bakit ko daw kasi di jinowa agad ganun. Hindi rin naman kasi ako ganoong tao.

Ayokong jowain ang taong hindi naman ako gusto. Gusto ko nalang magmahal ng patago hanggang sa dumating ang time na mamahalin niya ako pabalik.

“Intindihin mo nalang yung mama mo, galing iyon sa hirap at ngayon lang yan nakaranas ng maraming pera na matatanggap.” sabi ni papa.

Kaya nga nagpupursigi ako sa pag-aaral para makapatrabaho ako at mabigyan ko sila ng magandang buhay.

A year had passed, nakapagtapos na ako sa pag-aaral and nakatrabaho na ako sa isang kompanya about sa mga computers. The Ele-computer Company. Isa ako sa mga programmers doon. Malaki ang sweldo at napakabait pa ng boss namin.

“Uy Stefanne, pansinin mo naman itong kaibigan ko oh” ani Miro, isa sa mga kasamahan ko dito. Yung kaibigan niyang si Joshua ay nanliligaw sa akin pero hindi ko pinansin. May goal ako. Ayoko munang magjowa kahit na may trabaho na ako. Kaya nga ako sinasabihan na boring ang aking buhay pero di naman.

“Uy bukas may promotion daw na magaganap.” sabi ni Diane, isa din sa mga kasama ko dito. I really wish na isa ako sa mapopromote. Ganito kasi yan, gusto ko din makapagtravel sa ibang bansa tapos sa ibang bansa mas malaki ang sweldo doon kaya mas gusto ko talaga mapromote.

Maraming excited at isa na ako doon kaso nong dumating ang araw ng promotion nalungkot ako kasi hindi natawag ang pangalan ko. Umuwi ako sa bahay na malungkot. “Hintayin mo nalang ang next promotion” sabi ni papa.

“Ayan, di mo naman kasi ginalingan” sabi din ni mama. Ngumiti lamang ako at pumasok sa kwarto ko.

Pupunta ako sana banyo upang maghilamos ngunit biglang may nagtext. Unknown number.

Unknown number:

“Miss Stefanne, please meet me at the coffee shop. Tomorrow, 8: 00 A.M.”

Who's this? Bakit kilala niya ako? Saan niya nakuha ang number ko? Halos hindi naman ako makatulog sa kakaisip kung sino iyon. Baka scammer.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now