11

246 14 1
                                    

Agad akong bumaba sa kwarto at doon lamang dumaan sa hagdan na nasa bintana. Dali-dali kong nilapitan si Tom na ngayon ay nahihirapan nang huminga. Pinunit ko ang aking damit at dali-daling nilalgay sa tiyan niya kung saan siya nabaril.

“Please stay alive!” umiiyak na sabi ko at dali-daling inalalayan si Tom sa pagtayo. Bahala na kung makita kami ng matandang iyon. Kailangan kong dalhin si Tom sa hospital!

“I'm o-okay...” nauutal na aniya. Marami agad akong naiisip tungkol sa posibleng mangyari. Mamamatay na ba si Tom? Hinang-hina na talaga siya. It's already 1:00 A.M and nakita ko ang pag-alis ng kotse ni Mr. Smith kaya nagkaroon ako ng oras oara tulungan si Tom.

Kinausap ko ang bodyguard na alalayan ako dahil hindi ko kayang kargahin si Tom na ako lang ngunit sabi niya, si Mr. Smith lang daw ang may karapatang utusan siya. Naiinis ako oo, buti nalang talaga lumapit iyong driver ng kotse ni Mr. Smith para tulungan ako. Alam ko namang pinigilan siya ng body guard kaso tinulungan niya parin ako.

“Thank you.” sabi ko sa driver. Hindi naman siya nagsalita at nagdrive na papunta sa hospital.

Pagkarating sa hospital ay agad inasikaso si Tom at dinala sa E.R. Napaupo naman ako tsaka ay napahilamos ako sa mukha. Kasalanan ko 'to. Hindi sana mangyari kay Tom ito.

Napatingin naman ako sa driver na ngayon ay nakatayo lamang sa harapan ko. Tinitigan niya ako at napabuntong-hinga.

“Alagaan mo siya.” aniya. Nagulat ako dahil sa biglang pagtagalog niya. “Huwag kang magulat, Fil-Am ako.” aniya kaya napatikom  ako ng bibig. Feeling ko kaedad ko lamang siya.

Umupo siya sa tabi ko tsaka ay sumandal sa pader. “I'm his poor friend. Thomas Smith is really a good guy.  Ngayon ko lang yan nakitang nababaliw sa isang babae kaya alagaan mo siya, lalo na yung puso niya.” aniya nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bigla naman akong kinabahan dahil sa pagpikit niya sa kanyang mga mata at ang pagbiglang pagbuntonghinga.

“Heart failure.”

Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. Napailing-iling ako nang mamuo ang luha sa mga mata ko.

“Nagulat nga ako dahil sa nakita ko kanina, hindi ko naman magawang lumapit kay Mr. Smith dahil isa lamang akong driver.” aniya kaya ako ay napatulo na ang mga luha. Napangiti naman ako ng peke tsaka pinahid yung luha na nasa pisngi ko.

“Natatakot ako na mamamatay siya. Akala ko iyon na ang katapusan niya ngunit nang makita ko ang mga mata niyang nakatitig sa may bandang kwarto mo. Pilit siyang lumaban. Gusto pa niyang mabuhay” sabi niya. Napatulala naman ako at hinayaan nalang na tutulo yung luha sa pisngi ko. Di ko naman mapigilan. Mas mabuti nang iiyak nalang ako.

“Alam mo ba sa tuwing magkakausap kami, palagi niya akong tatanungin kung ano ba aang magandang gawin kapag manligaw.” napatawa siya ng bahagya tsaka yumuko.

“A-anong sinabi mo?” nanginging ang boses kong tinanong iyon sa kaniya.

“Sabi ko, magpakalalaki lang siya't ipakita lang niya yung totoong nararamdaman niya. Noong nagkachat pa lang kayo, ako palagi ang takbuhan niya kapag manghingi siya ng advice.” proud pa niyang sabi. I smiled ngunit patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.

“He's loyal to you. Nagalit nga siya nong hinalikan siya ng babae ngunit hindi rin siya makakatakas dahil kasali iyon sa deal nila tsaka iyong pag-upload sa facebook.” napalunok ako sa sinabi niya.

“Alam mo rin bang nag-aaral siya ng tagalog dahil sayo?” tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Nakangiti na siya at napansin ko ang paglunok niya.

“Iyong babaeng palaging pumunta sa mansion, Filipino tutor niya iyon” sabi niya. “Nagpapaturo din siya sa akin at inaasar ko pa nga siya dahil sa nabaliw siya sa babae which is ikaw.” aniya. Napalunok ako tsaka ay napaiwas ako ng tingin.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now