Naiwan ako sa kwarto at natulala sa sinabi niya. Paulit-ulit na pumasok sa utak ko iyong sinabi niya sa akin. Agad akong napadapa sa kama at napangiti. Kinuha ko yung unan tsaka ay impit na napasigaw don. Nakangiti lang naman ako at agad tumayo. Kailangan ko agad sabihin kay Tom na mutual feelings kami.
Nang binuksan ko ang pinto, napahinto ako tsaka nawala ang ngiti sa labi ko. Nakita ko si Mr. Smith naka nakacross-arms. Masama ang tingin sa akin. Nabigla nga ako nang bigla niyang hinila ang buhok ko tsaka ay dinala niya ako papunta sa kwarto niya.
Napatulo na ang luha ko dahil sa sakit lalo na nong tinulak niya ako sa kama niya. Agad naman niyang hinawakan yung panga ko at pinaharap niya ako sa mukha niya.
“Me or him?” seryosong tanong niya sa akin. Hindi ako nagsalita at napapikit dahil sa sakit. Ang higpit ng pagkahawak niya sa panga ko. Inulit pa nga niya yung tanong niya pero di ako sumagot sa kaniya.
“Once you'll choose him, say goodbye to your parents.” aniya. Nakapikit lamang ako at patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
“Me or him?” tanong niya ulit. Magsasalita na sana ako nang hinigpitan niya pa ang pagkahawak sa panga ko. “Answer me!”
“You!” napasigaw ako habang umiiyak. Idinilat ko ang mga mata ko tsaka ay nakita ko siyang nakangiti na. Damn you Mr. Smith!
Inilapit naman niya yung mukha niya sa akin at dinilaan yung pisngi ko. “ I'll kiss you when we're married. Reserve your kiss for me.” aniya at binitawan na ang panga ko. Napayuko naman ako at napaiyak. May kinuha naman siya sa cabinet niya at may inihagis siya sa akin.
Credit card.
“That will be yours, you can buy whatever you want, honey.” aniya at lumapit siya sa akin para halikan ako.
Humiga siya sa kama at hinila niya naman ako papahiga. Ayoko sana pero dahil ayoko namang mabanggit na naman niya yung mga mahulang ko, hindi na ako nagsalita at humiga nalang katabi siya. Yumakap naman siya sa akin tsaka nabigla pa nga ako nong kinagat niya ang aking tenga.
“Stay away from him. You're mine.” sabi pa niya.
Days had passed, pinapansin na ako ni Tom at palagi niyang pinapaalala sa akin na kumain na ako o tatanungin niya ako kung kumusta ba ang tulog ko pero ako na naman itong iiwas. Natatakot ako once na mapalapit na naman ako kay Tom, may gagawin na talagang masama si Mr. Smith kela mama na nasa Pilipinas.
Nasa sala lang ako ngayon nanonood ng action movie nang bigla naman akong napalingon sa tabi ko. Si Tom, umupo siya sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin at iniwas ko aman ang tingin ko.
“Stefanne, is there something wrong?” tanong niya sa akin. Nakatitig parin ako sa TV and napailing naman ako biglang sagot sa tanong niya.
“Then why are you ignoring me?” tanong niya. Hindi ko siya nilingon at nakafocus lamang sa TV na hindi ko naman maintindihan kung ano na ang nangyari. “I'm not” sagot ko. Napalunok naman ako tsaka napalingon sa labas. Nakita ko ang paparating na kotse ni Mr. Smith kaya nataranta ako. Agad kong kinuha ang remote at in-off yung TV. Ramdam ko rin naman yung pagtitig ni Tom sa akin at nasasaktan ako non.
Yung kahit gustong-gusto ko siyang pansinin ngunit nalilito ako dahil natatakot akong mapahamak ang aking pamilya na nasa Pilipinas.
Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama. Ang laki nga ng bahay na ito ngunit hindi naman masaya. Puto lamang sakit yung nararamdaman ko dito.
Habang nakahiga lamang ako at nakatulala sa kisame, may bigla namang kumatok. Hindi ako bumangon at hinayaan lamang pagtitig sa kisame.
“Stefanne...”
Napalunok naman ako nang marinig ko ang boses niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman yung kirot ng puso ko. Eto na nga, pati boses niya, iba na ang epekto sa akin.
“I know you're awake. I'm still waiting for your answer.” hindi ko magawang magsalita at hinintay ko ang mga susunod niyang sasabihin.
“And I'm hoping for a yes. I know you're afraid but please let me handle this. Tell me about what you feel and I'll promise to do everything that will make you happy.” aniya. This time napatulo ang luha ko at agad ko naman iying pinahid.
“Stefanne...”
Hindi ako sumagot.
“Do you want to go back to Philippines?” tanong niya. Napatango ako kahit naman hindi niya iyon nakikita.
“If you want, then I'll make you go back to the Philippines. I'll promise. Just tell me, okay?” aniya.
Shit, Tom, why are you being like this?
Mabilis lumipas ang mga araw at sumapit na ang araw na pumunta na kami ni Mr. Smith sa isang famous fashion designer. Inicompliment pa nga ako ng fashion designer kasi ang ganda ko raw. Ngumiti lamang ako sa kaniya bilang pasasalamat.
Hindi ako masyadong nagfocus sa mga designs at pinili ko lang yung plain. Hindi ko rin alam kung matutuloy yung kasal. Gusto kong tumakas. Gusto ko nang sabihin kay Tom ang nararamdam ko para maibalik na niya ako sa Pilipinas.
Napapadalas rin ang paghalik ni Mr. Smith sa pisngi ko at sa bahay may oras nga na akma na niya akong hahalikan sa labi at nagpasalamat ako kay Tom dahil sa tuwing hahalikan ako sa labi ay susulpot siya. Palagi timing. And I'm thankful for him.
Parang naintindihan niya naman ako kasi sa tuwing mapapalapit si Mr. Smith ay iiwas siya sa akin. Sa tuwing darating naman iyong babae na nagngangalang Aira, agad naman niyang pinapasok sa kwarto niya at parang kinakabahan pa nga siya sa tuwing makikita ko yung babae.
Alam ko namang di niya iyon kaibigan, alam ko namang girlfriend niya iyon, tinatago niya lang.
Oo, nagseselos ako.
Pero these past few days, mas lalo akong nahulog kay Tom dahil ginagabi-gabi niya ang pagpunta sa kwarto ko kahit naman nakasara iyon nasa harap lang siya ng pintuan at kinakausap niya ako.
Nagkukwento siya ng mga experience niya noong bata pa siya and maririnig ko naman siyang tumatawa ng mag-isa.
“Embarassing, right?” tanong niya sa akin nang mabanggit niya ang isang pangyayari daw noon na nakakain siya ng dumi ng kabayo na akala niya daw nahulog na chocolate. Napatawa naman ako ng mahina non.
Actually, karamihan naman sa mga ikinukwento niya ay tungkol sa mga nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.
Natahimik siya ng ilang minuto at ako naman ay naghintay lamang sa mga sasabihin niya.
It's been 2 weeks since sinimulan niya ang gabing pumupunta siya sa rito sa kwarto ko at nakatambay lamang siya sa labas. Buti nalang siya di siya nahuhuli ni Mr. Smith.
“Stefanne..” aniya. Hindi ako nagsalita at naghintay lamang sa sasabihin niya.
“I'm hoping for a mutual feelings, I'm always here. I love you. Goodnight” aniya na nakapagpatulala sa akin. Narinig ko naman ang mga hakbang niya papalayo sa kwarto at ako naman ay dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko.
I love you too Tom. I always do. Goodnight.
YOU ARE READING
I Have A Sugar Daddy
RomanceIf loving you means hurting, then I'm happy to suffer in pain, forever, my lover. A story written by: asterovenia