Special Chapter

207 9 7
                                    

I HAVE A SUGAR DADDY (SPECIAL CHAPTER)

Sones Andrei Perino's POV

“How's Stefanne?” tanong ni mommy. Napabuntonghinga naman ako tsaka nakikibikit balikat. Hindi ko kasi masasabing ayos na siya dahil kakalibing lang ng mga magulang niya.

“Nasa kwarto parin” napatitig naman si mommy sa akin at tinapik niya ang aking balikat. Hindi siya nagsasalita pero alam kong parang sinasabi niyang magiging okay rin yun.

Napaupo naman ako sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. Pagod na pagod ako pero kailangan kong pasayahin ang taong malungkot. Ipapasyal ko siya ngayon.

“Mom, pasyal lang muna kami ni Stefanne”

“Mag-ingat kayo.” tumango ako sa sinabi niya tsaka ay tumayo na agad pero nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napahawak ako sa ulo. Napalingon naman sa akin si mommy at agad na kinuha ang gamot tsaka ay pinainom iyon sa akin.

“Sabing huwag masyadong pagurin ang sarili mo. Magpahinga ka nalang muna, samahan mo nalang si Stefanne don sa kwarto” sabi niya pero ngumiti ako at umiling. Alam kong nag-alala si mommy sa kalagayan ko. Sa pagod lang 'to. May mga araw kasi na hindi ako natutulog dahil sa tuwing gabi binabantayan ko si Stefanne habang nag-aasikaso ng sandamakmak na files para sa mga kaso tsaka sa tuwing umaga, pinapasyal ko si Stefanne para kahit minsan ay hindi na siya malulungkot.

“Alagaan mo sarili mo, kailangan mo rin ng pahinga.” sabi ni mama. Tumango ako tsaka nagpaalam na pumunta sa kwarto. Pagkadating ko doon ay agad kong nakita si Stefanne na nakatitig lang sa sahig habang nakayap sa tuhod niya.

“Ning...”

Hindi siya sumagot at patuloy parin siya sa pagtitig ng sahig kaya naupo na ako sa tabi niya.

“Alam kong hindi ka pa totally sanay na wala ang mga magulang mo.” sabi ko. I smiled at inalala ang mga panahong pinapunta ako sa ibang bansa para doon tapusin ang pag-aabogado ko.

Hindi rin ako sanay na mawalay sa mga magulang ko dahil close na close kami ng pamilya ko. Halos araw-araw nga kami magkukulitan. Hindi rin naman mawawala yung safutan ng mga magulang pero sa pamilya namin, kapag may ganun siguradong may araw talaga na magfafamily bonding para magkaayos.

Inakbayan ko si Stefanne at isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko tsaka nagselfie ako na kasama siya. Kahit naman hindi siya nakatingin sa camera ayos lang. Cute parin naman.

“Delete mo yan” walang ganang sabi niya pero hindi ako sumagot at itinago nalang yung cellphone ko. Napangiti naman ako dahil sa mga ala-alang pumasok sa isipan ko noong elementary palang kami.

Nanghiram ako non ng cellphone ni mommy dahil maglalaro lang ako ng talking tom hanggang sa nakita ko si Stefanne sa may flagpole nakasimangot na kumakain ng ice cream tapos ayon nakyutan ako kaya pinicturan ko buti nalang talaga di niya ako napansin. Doon din ako nagsimulang magkacrush sa kaniya.

Hindi ko nga din akalain na maging close kami at mas lalo pa akong nagulat nong nagconfess siya sa akin noon. Hindi ako makapaniwala kasi kahit elementary palang ako may ultimate crush na ako no, at si Stefanne iyon. Natatakot lang talaga akong tanggapin ang confession niya dahil nga bata pa kami at syempre magbabago pa ang nararamdaman namin. Pero mali ako sa part ko, siya lang talaga ang crush ko mula noon hanggang ngayon. Mahal ko na siya.

“May ipapakita ako sa iyo” sabi ko kaya napalingon siya sa akin. Ngumiti naman ako at tumayo tsaka lumapit sa cabinet kong matagal ko nang hindi nabuksan dahil para lang to sa mga secret ko.

Nasa kabilang kwarto naman ito kaya hindi makita ni Strfanne kung ano ang gagawin ko. Sigurado naman din akong nakatulala na naman siya doon sa kwarto.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now