01

708 26 0
                                    

“Oh, inday. Humingi ka muna ng pera sa kano na kachat mo. Wala na tayong bigas para sa susunod na linggo.” saad ni mama. Tumango naman ako tsaka ay inichat yung lalaki na kung tatawagin ay sugar daddy. Hindi naman sana ako mamgkakaroon ng sugar daddy kung hindi lang ako pinilit ni mama.

Hindi siya online kaya naglaro muna ako ng ml at hinintay lamang na magreply siya. Ilang minuto ang nakalipas ay nagreply siya sa akin tsaka ay sabi niya magpapadala daw siya bukas. Sinabihan ko naman si mama kaya ayun ay napakasaya niya.

Napabuntonghinga ako. Ako naman yung nahihiya kay daddy Tom, kasi nga sa kaniya kami palaging tatakbo kapag wala kaming makakain. Mahirap lang ang buhay namin buti nalang ay nakacellphone ako ng cherry mobile at marunong akong magfacebook tsaka nakilala ko pa yung sugar daddy ko. Si daddy Thomas Smith A.K.A Tom, 56 years old na daw siya. Taga America.

Nakilala ko siya noong Grade 10 ako. Nagchat-chat lang kami. Hindi kami nagvivideocall and nagcall man lang. Tanging chat lang.

Sa tulong niya, nakabili ako ng iPhone 12 na cellphone tsaka nakapagtapos din ako ng pag-aaral sa highschool and ngayong college na ako ay tumutulong parin siya sa akin.

Si papa kasi ay naparalyzed and si mama naman ay isa lamang labandera at hindi talaga sapat ang pera na matatanggap niya.

“Bukas daw po ipapadala” sabi ko. Nagreklamo pa siya kung bakit hindi ngayon. Grabe naman itong si mama. Di ko naman kasi tinanong kung bakit bukas.

Lumipas ang mga araw na sunod-sunod na ang paghingi namin kay daddy Tom at talagang hiyang-hiya na ako. Naisipan kong magstop muna sa social media. At syempre nagpaalam naman ako kay daddy Tom. Nagsorry din ako sa mga nahingi ko sa kaniya.

“No need to be sorry, I will always help you baby.” sabi niya sa chat. Syempre, hindi naman ako kinilig. Nandidiri pa nga ako dahil una sa lahat ayokong magkajowa ng mas matanda pa sa akin. Kahit naman sugar daddy lang iyon.

Yung mga kapitbahay naman namin, pinakalat na may jowa daw ang matandang kano kaya daw medyo nakaahon kami sa hirap. Mas mabuti nalang daw kung ibenta ko nalang ang sarili ko sa kano para daw mas yayaman kami.

Isa din yan sa dahilan kung bakit ko itinigil ang pagcommunicate kay daddy Tom. Ayoko ng issue. Gummawa ako ng panibagong account at don ay mga classmates, teachers, frienda and relatives lamang ang inadd ko don.

Sa third year college ko ay nagpapart time job ako at ako na ang nagpursigi upang makapagtapos ako ng pag-aaral.

Nagalit si mama sa akin dahil bakit ko daw pinutol ko ang komunikasyon kay daddy Tom.

“Ma, ayokong maging pabigat sa ibang tao” sabi ko. Nung araw na iyon galit na galit talaga si mama sa akin. Hindi niya ako pinansin ng mga ilang araw at nong may sweldo na ako ay grabe naman kung makahingi. I mean, okay lang naman sa akin dahil bibigyan ko naman siya pero ang hindi ko lang maintindihan kay mama ay parang itataboy na niya ako kapag walang pera.

Hanggang sa dumating ang oras na naisipan kong i-open ang old account ko. Agad ko namang inopen yung messages at unang-una talaga ang name ni daddy Tom.

May message siya 20 minutes ago.

“I'm in the Philippines right now, I'm going at your place. I know you'll never read this because I guess you forgot your password. I know your address you said before. I hope that you're still living there. Good bye.” aniya. Kinakabahan na ako. Lumabas ako sa bahay at tinawag si mama na ngayon ay naglalaba sa kabitbahay namin.

“Ma, pupunta si Tom rito” bulong ko sa kaniya. “Eh paano niya nalaman address natin?” tanong ni mama.

“Sinabi ko sa kaniya noon” sabi ko. Tumayo naman si mama tsaka ay agad na naglinis ng bahay hanggang sa may kumatok na sa pintuan. Binuksan ko naman iyon at unang bumungad sa akin ang isang gwapong binata na kano. “Magandang umaga” aniya at slang pa siya.

“I'm sorry but who are you?” tanong ko. Ngumiti siya at kinuha niya yung cellphone niya tsaka pinakita niya yung message ko at ni daddy Tom. Wait? What?

“Are you daddy Tom's son?” tanong ko. He chuckled and umiling siya. “I'm Thomas Smith a.k.a. Tom, son of a millionaire.” sabi niya. Napanganga naman ako. Owshit really? All this time he's lying about his age?

“Is it really true?” tanong ko. Tumango siya at may sinabi siyang pamilyar sa akin. Iyon yung nickname ni Tom sa akin. “Panny” kasi nga my name is Stefanne and iyon yung ginawa niyang nickname sakin. Napalunok ako. “I'm still young. I'm 26 And I bet you're 25” sabi niya. Napatango naman ako.

I really don't expect na ang kinilala kong sugar daddy ay isa palang binata at isa pang anak ng milyonaryo.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now