Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang dinala niya ako sa isang kwarto.
“Stay here.” aniya at lumabas siya. Halos hindi namn ako makapaniwala sa nangyari. Si Mr. Jude gusto akong maging baby niya? That's gross!
Umupo lamang ako sa kama tsaka ay naghintay lamang kay Tom. Sabi niya kasi dito lang ako kaya dito lang ako. Nagtataka lang din ako kung bakit ganoon ang reaksiyon ni Tom nong nakita niya kaming dalawa ng daddy niya and bakit ganun, parang hindi na niya nirerespeto ang ama niya?
Biglang bumukas ang pinto tsaka ay isang maid na may dalang tray ng snacks. Inilagay niya sa table dito sa kwarto at yumuko siya sa akin. Bago siya makalabas ay tinanong ko nama siya kung nasaan ang amo niya.
“He's with Mr. Smith.” aniya. Napatango naman ako at hinayaan na siyang lumabas. Ilang minuto ang nakalipas ay bumukas naman ang pinto at pumasok sa kwarto si Tom. Sumandal siya sa may pintuan tsaka ay tumitig sa akin kaya napaiwas ako.
Lumingon siya sa tray at napabuntong hinga siya. Kinuha niya iyon tsaka lumapit siya sa akin.
“Have a snack.” aniya. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung titingin ba ako sa mukha niya kasi kinakabahan talaga ako ngayon. Kinuha ko iyong snadwich at kinain iyon. Uminom ako ng juice at hinintay lamang niya iyon bago siya tumalikod.
“I'm sorry...” aniya tsaka nilagay yung tray sa table. Tumabi siya sa akin at tanging katahimikan lamang ang namumuno. Hindi naman ako makapagsalita dahil una sa lahat kinakabahan ako at pangalawa, naaalala ko yung mga pinagsamahan namin noon. I mean, hindi naman kami magjowa pero iba na talaga ang epekto niya sa akin.
“He wants to marry you.” aniya kaya napalunok ako. Alam niya pala ang tungkol doon. Alam ko naman ding wala siyang pakialam dahil nga sigurado akong may girlfriend na siya.
“The reason why I blocked you. He wants to have a video call with you and I don't like it.” aniya. Hindi ako nagsalita at nakatulala lamang ako sa sahig. Wala naman akong dapat na sabihin. Ayoko namang sabihin na may nararamdaman ako sa kaniya dahil nga natatakot ako baka mareject lang.
Akala ko naman may idagdag pa siya ngunit natahik na siya. Hindi man lang niya pinaliwanag iyong tungkol sa kahalikan niyang babae. May tinatago talaga itong lalaki 'to.
“Marry him, he'll give you money. I'm sorry.” aniya na para bang tinataboy ako sa ama niya bago siya lumabas sa kwarto. Ang sakit lang kapag narinig mo iyon sa taong mahal mo. Sa oras ma iyon, napagtanto kong hindi niya ako gusto at sigurado akong hinding-hindi niya ako magugustuhan
Nananatili parin ako dito sa kwarto lalo na nong nakita kong nandito yung maleta ko. Parang gusto ko nalang agad bumalik sa Pilipinas. Hindi naman pala ako promoted.
Simula nong napunta ako dito, palagi na akong kinakabahan sa tuwing makaksalubong ko si Mr. Jude. May something sa ngiti niya na nakapatindig balahibo sa akin. Hihintayin niya daw ang sagot ko about sa wedding para daw mapaghandaan niya.
Gusto kong tumakas dito at bumalik na sa Pilipinas ngunit sa kahit saang sulok ay mga bodyguard ang makikita ko. Oo nga pala bahay ito ng isang milyonaryo.
Tuwing gabi ay umiiyak naman ako palagi sa kwarto. Alam ko ding may nakikinig sa akim sa labas ng kwarto na iyon pero wala na akong pakialam kung sino iyon basta ang importante nailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.
Nagsisisi ako.
Okay na sana ang trabaho ko doon sa Pilipinas. Bakit pa ako pumunta dito sa America? Para maging asawa ng matandang di ko naman gusto?
Napadalas naman ang pag-alis ni Tom at para bang iniiwasan niya kami ng daddy niya. Madalas din siyang may dalang babae sa bahay na dinadala niya sa kwarto niya tuwing gabi at mga hagikhik at paglalandian ang naririnig ko sa kwarto niya.
Nasasaktan ako. I'm living in a big house kung saan nandito ang mahal ko na hindi ako gusto. Tinaboy pa nga niya ako sa ama niya. Nice one.
Then this day came when I heard moans sa kwarto niya. Doon ako nasaktan ng sobra dahilan upang pumayag akong magpakasal kay Mr. Smith.
Sigurado naman akong matutuwa si mama dahil makapangasawa ako ng mayaman. Pinadalhan sila ni Mr. Smith ng pera. Sigurado ako madidisappoint sa akin iyong si papa.
Alam ko namang isang masamang desisyon itong nagawa ko. Hindi ko pinangarap na maikasal sa matandang hindi ko naman gusto at hindi ko pinangarap na maikasal sa mayaman na hindi ako gusto.
“Hey baby, have you eaten already?” tanong ni Mr. Smith sa akin nang lumabas na ako sa kwarto ko. Umiwas ako sa kaniya ng tingin at nabigla naman ako nang iniyakap niya yung braso niya at nasa likuran siya. Napalunok nama ako nang hinalikan niya yung batok ko.
“Mist—”
“Shh, call me honey.” aniya. Shit, nakakadiri.
Saktong paglabas ni Tom sa kwarto niya at nakita niya ang pagyakap ni Mr. Smith sa bewang ko kaya agad akong kumalas sa pagkayakap at tinignan ko si Tom na nakatingin sa akin at tumingin siya sa bewang ko na niyakap ni Mr. Smith.
Dahan-dahan siyang umiwas ng tingin at napansin ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Agad niya kaming iniwan tsaka ay nararamdaman ko naman ang pag-akbay ni Mr. Smith sa akin.
“Do you love him?” tanong ni Mr. Smith. Napalunok ako at dahan-dahang umiling kahit na ang totoo ay mahal na mahal ko ang lalaking iyon.
“Good. Do you love me?” tanong niya tsaka nagdadalawang isip pa ako na tumango pero dahil nga pumayag ako sa kasal na sinabi niya, napatango naman ako.
Natatakot ako at nandidiri ako sa sarili ko kasi nga sa lagay nito, parang ginawa akong kabet kahit na sabing namatay na ang ina ni Tom pero iyan talaga ang tingin ko sa sarili ko. Isang babaeng nagpauto sa milyonaryong matanda.
At dahil nga pumayag ako sa sinabi niyang kasal, napapadalas ang pagsama ko sa kaniya sa tuwing may party. Maninigas ako tuwing ilalagay niya iyong kamay niya sa bewang ko at napalunok naman ako sa tuwing hawakan niya yung butt cheek ko. Namumuo ang luha ko sa mga mata ko. Hindi nama sana ako pumunta dito sa America para magpakasal, gusto ko lamang magtrabaho.
“Hey honey, just relax. I'll introduce you to my friends.” ani Mr. Smith at hinalikan ang pisngi ko. Napatingin naman ako kay Tom na ngayon ay nasa harapan lang namin. Tumingin lang siya samin saglit at nong napatingin ako sa kaniya ay bigla siyang napaiwas. Napansin ko rin ang oag-igting ng kaniyang panga at ang pamumula ng kaniyang mata.
Tumayo naman kaming tatlo nang may lumapit sa aming tao at pinakilala nga ako ni Mr. Smith sa mga iyon bilang fiancée niya. Sa tuwing mababanggit ang word na iyon ay napapansin ko talaga ang paglunok ni Tom. Nasa kaniya lang ang atensiyon ko buong gabi kahit na pumunta ako rito bilang fiancée ng ama niya.
Sa tuwing mapatingin naman siya sa akin ay mapapaiwas agad siya ng tingin. “I'll go to the bathroom” aniya at umalis na. Tinitigan ko lamang ang likuran niya habang papaalis siya. Nasasaktan ako.
“Honey, focus on me” sabi ni Mr. Smith at hinawakan niya ang pisngi ko. Napatingin naman ako sa kaniya at napaiwas. Ngunit sinundan niya talaga ang mga tingin ko para lamang magkaroon kami ng eyecontact. Nabigla naman ako nang bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. Mas nanlaki pa ang mga mata ko nong sa harapan ay nakita ko si Tom na nakatingin sa aming dalawa ng ama niya kaya bigla kog naitulak si Mr. Smith.
Tom smirked. Tumalikod siya at umalis na.
Napalunok ako. Sa reaksiyon niyang iyon, kulang nalang na masasabi kong gusto niya ako. Why is he being like that? Umaasa akong kukunin niya ako sa ama niya.
Umaasa ako.
YOU ARE READING
I Have A Sugar Daddy
RomanceIf loving you means hurting, then I'm happy to suffer in pain, forever, my lover. A story written by: asterovenia