05

266 13 0
                                    

“You must be excited on our wedding day” sabi ni Mr. Smith sa akin habang kami ay nasa pool. Hindi nga ako halos makagalaw kasi nga hindi ako sanay sa pinasuot niyang bikini sa akin. Nakayakap siya sa likuran ko tsaka ako naman ay nakaupo lang sa gilid ng pool.

Kagabi sa party, kahit sino nalang ang pinakilala sa akin ni Mr. Smith. Akala ko din kasi na umuwi na si Tom ngunut nong lumabas ako saglit upang magpahangin ay nakita ko siya doon sa may garden. Nakasandal sa isang puno at nakapikit lamang ang kaniyang mga mata.

Lumapit ako at tinitigan ko ang mukha niya. Nakaramdam naman ako ng pagkirot ng puso ko.

Bakit ba kasi hindi nalang ako? Okay naman kami noong una ah? Oh sige ayos lang kung friends na kami basta ay hindi na ako maikasal sa ama niya at mabalik na si Tom sa dati.

“Stop staring” nabigla ako nong sinabi nya iyan. Napaiwas ako ng tingin at napatingin sa mga bituin at napalunok. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nong maramdaman ko ang titig niya sa akin.

“Your fiancée will be mad. Go back to him.” aniya pero hindi ako sumagot. Nananatili akong nakatitig sa kalangitan at para bang ayaw ko munang umalis sa tabi niya. Napabuntong-hinga naman siya.

“He loves you, please take care of him” aniya dahilan upang mapalingon ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin na pala sa kalangitan. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

'How about me? I love you, can you please take care of me, too?' Iyan sana ang sasabihin ko ngunit hindi ko magawang magsalita. Pinangungunahan ako ng kaba. Lalo na nong paglingon ko ay diretso kaagad yun sa mga mata niya.

“Stay away from me, you might get hurt.” aniya tsaka ay iniwan na akong mag-isa rito sa hardin. Di ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Napunasan ko yun nong nakita ko si Mr. Smith na paparating.

Kahut ganun, umaasa parin ako na gusto niya ako. Yung mga reaksiyon niya lamang ang pinaghahawakan ko.

“Hey honey, are you okay?” nabalik ako sa katinuan nong nabigla ako sa paghaplos ni Mr. Smith sa mga binti ko. Nandidiri ako sa kaniya. Nandidiri rin ako sa sarili ko.

“Do you want to swim?” tanong ni Mr. Smith at napaigtad naman ako nang bigla niyang kinurot ang butt cheek ko. Napalunok ako at tumayo na. Kinuha ko ang tuwalya at nagulat naman ako nong hinawakan niya yung braso ko. “Where are you going?” seryosong tanong niya sa akin.

“I'm...hungry”

Binitawan niya naman ang kamay ko tsaka tumango. “Alright then. Please come back here when you're full.” sabi nito. Tumango naman ako kahit na ang totoo gusto ko nalang magmukmok sa kwarto.

Tumawag sila mama kanina at ang saya nila dahil sa pera na natanggap nila. Halos hindi naman ako makapaniwala. Hindi man lang ako tinanong kung masaya ba ako rito.

Sa totoo lang sobrang hindi. Dahil una, mas lalo akong umaasa na may nararamdaman si Tom sa akin at pangalawa, nakakulong ako kay Mr. Smith. Halos hindi nga ako lumalabas sa bahay dahil kailangan daw ako maghanda sa kasal sa mga susunod na buwan.

Pumasok ako sa bahay at nakasalubong ko naman si Tom na ngayon ay umiwas kaagad ng tingin at agad pumasok sa kwarto niya. Hanggang sa marealize kong nakabikini lang pala ako. Agad akong tumakbo sa banyo at kumuha ng bathrobe.

I mean, wala naman dapat akong itatago kasa wala namang laman itong dibdib ko pero si Tom yun e. Nakakahiya.

Nang makalabas na aki ay nakita ko nama si Tom na nasa dining table na kumakain lamang. Hindi niya ako pinansin. Focus na focus lamang siya sa kinain niya. Dumaan naman ako sa likuran niya nong nagulat ako nong bigla siyang nabilaukan. Napalingon ako sa kaniya at agad naman siyang uminom ng tubig. Napahinto siya at napatingin sa akin tsaka agad din namang umiwas tsaka nagpatuloy lang sa pagkain.

“Tom, I'm here!—” napalingon naman ako sa babaeng sumigaw at nagulat nong bigla itong nilapitan ni Tom at hinila papunta sa kwarto niya para bang natataranta talaga siya.

Pumasok na ako sa kwarto na nagtataka sa reaksiyon na pinakita kanina sa akin ni Tom. Nagbihis na ako at nahiga lamang sa kama. Napatingin naman ako sa maleta ko. Ngayon ko lang din napagtanto na si Tom pala ang bumili nito. Yung mga damit na dala ko ay siya din ang may bili.

Hindi ko naman kasi alam na dito pala ako mapunta at hindi naman pala ako magtatrabaho. Magiging asawa pala ng milyonaryong iyon.

Ayoko sa ama, gusto ko yung anak.

Nakatulog ako ilang oras. Nagising lamang ako dahil sa mga braso na yumakap sa akin. Napalingon naman ako kung sino yun at nanigas naman ako nong napagtanto kong si Mr. Smith, nakahiga sa tabi ko tsaka ay nakatitig sa akin. Ngumiti siya at napaiwas naman ako ng tingin. Agad akong bumangon at buti nalang talaga may damit pa ako. Akala ko na ano na.

“You're so beautiful when you sleep.” aniya. Napangiti ako ng peke at nagpasalamat.

“Be ready, we'll be having our date” aniya tsaka ay tumayo at lumapit sa akin. Hinalikan niya ang noo ko tsaka ay lumabas na. Parang gusto ko nalang ulit matulog. Ayokong makipagdate sa kaniya. Kung sino Tom pa yun, kahit buong araw kami magdate okay lang basta ayoko kay Mr. Smith.

Pero wala na akong nagawa, nagbihis ako ng  simple sa above the knee dress at nakadoll shoes lamang ako. Kung titignan nga, magmumukha akong anak ni Mr. Smith.

Nang makalabas naman ako ay bigla akong napahinto nang makita ko si Tom na nakasandal sa pader katabi ng kwarto ko. Napalingon siya sa akin tsaka ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

“Where are you going?” tanong niya. Akala ko ba lalayo siya sa akin? I mean akal ko ba ayaw niya akong mapalapit sa kaniya?

“Date with...Mr. Smith” ayan nasabi ko na. Tumango naman siya at napatingin ulit siya sa akin mula ulo hanggang paa. “Wear t-shirt and jeans.” aniya tsaka tumalikod na papaalis. Napakunot ang noo ko. What's wrong with him?

Sinunod ko yung sinabi niya. Naka-t-shirt lang ako at nakajeans at akala ko nong pupuntahan ko na si Mr. Smith ay napatingin siya sa suot ko. “Are you sure you'll wear that?” tanong nito sa akin. Naptingin naman ako kay Tom na nasa likuran ni Mr. Smith na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin.

“Honey...” sambit ni Mr. Smith kaya napaiwas ng tingin si Tom at ako naman ay napatango kay Mr. Smith. Ngumiti naman siya tsaka ay inakbayan ako. Lumingon siya kay Tom at sinamaan niya ito ng tingin. Napairap naman si Tom at hinila naman ako ni Mr. Smith papalabas ng bahay.

Bago kami sumakay sa kotse ay tinanong niya ako. “Do you love me?” seryosong tanong niya bigla. Napalunok ako. At hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“I-i...”

“If you'll say no, then something might happen to your family.” he said then smirked. Ito talaga palagi ang sasabihin niya sa tuwing tatanungin niya ako kung mahal ko ba siya.

“I love you” napipilitan kong sabi at ngumiti ng bahagya he smiled the kissed my forehead tsaka ay inalalayan niya akong sumakay sa kotse.

Ito ang isa sa mga kinatatakutan ko. Dinadamay na niya ang aking pamilya. Bago kami umalis ay napalingon ako sa bahay. Nakita ko doon si Tom na nkatingin lamang sa kotse namin na papaalis.

Tom, please save me.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now