13

154 9 0
                                    

Umuwi ako sa bahay na para bang walang nangyari. Dumiretso ako sa kwarto at pinilit ang sarili na makatulog pero hindi ko mapigilang maalala si Isabelle at si Tom na nagngingitian sa bar.

May namamagitan ba sa kanilang dalawa?

Paano na ako kung ganun?

8:00 P.M. siya umalis and It's already 10:00 P.M and hindi parin siya umuwi. Nag-alala na ako baka ano na ang ginawa nilang dalawa pero kailangan ko lang talagang magtiwala kay Tom. Wala akong tiwala kay Isabelle ngunit may tiwala ako kay Tom.

Hindi ko na mapigilang lumabas sa kwarto at maghintay nalang sa kaniya sa sala. Itinext ko na din siya kung anong oras ba siya uuwi ngunit wala akong natanggap na reply sa kaniya hanggang sa nakatulog na ako dito sa sofa.

Umaga na nong nagising ako na nasa kwarto na ako. Hindi ko namana alam kung sino ba ang lumipat sa akin sa kwarto basta'y nagising na lamang ako na nandito ako sa kwarto.

Pagkalabas ko nama ay agad kong nakita si Tom sa sofa hawak ang cellphone niya para bang may katext siya. Nang makita niya ako ay ngumiti naman siya at agad niyang nilagay yung cellphone niya sa tabi. Tinapik niya naman ang sofa na para bang sinasabi niyang tumabi ako sa kaniya.

Bago ako umupo ay pasimple ko namang tinignan ang cellphone niya pero masyadong low ang brightness kaya hindi ko makita. Hinila niya ako kaya napaupo ako bigla. Niyakap niya ako at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

“Who's that?” tanong ko. Naramdaman ko naman ang pag-iling niya kaya mas lalo akong nagduda at kinabahan.

Akala ko sa araw na iyon magiging okay na. Akala ko sa araw na iyon ay para sa aming dalawa ngunit hindi pala. Nagulat ako sa pagdating ni Isabelle sa bahay dala ang kaniyang bag. Nagtataka ako.

Agad naman siyang sinalubong nila mama at papa at nagmano siya.

Sabi ni mama ay dito muna titira si Isabelle ng mga ilang linggo dahil sa pinapaalis na siya ng inuupahan niyang bahay. Wala na din siyang pamilya kaya ay naawa naman si mama.

“Panny, samahan mo si Isabelle sa magiging kwarto niya.” sabi ni papa. Tumango naman ako kay papa tsaka ay pinasunod ko na si Isabelle sa magiging kwarto niya. Hindi naman kalakihan yung bahay namin pero welcome na welcome ang mga tao rito.

Ngunit kinakabahan ako sa pagstay dito ni Isabelle. Paano kung may iba pa siyang pakay? Paano kung may gusto siya kay Tom?

“Dito yung kwarto mo” sabi ko at tinulungan na siya sa pagdala ng mga gamit niya. Umupo siya sa kama at inilibot niya ang mga mata niya. Maganda namana ng kwartong 'to kaso mas maganda yung kwarto ko. “Salamat” aniya. Nagpaalam na akong lumabas na ngunit napahinto ako sa tanong niya.

“Hindi ka ba galit sa akin?” napatitig ako sa kaniya na nagtataka kung bakit ganoon ang naging tanong niya.

“Why would I?” tanong ko. She smirked at agad naman iyon napalitan ng isang ngiti. Tumango siya sa akin at napailing. Weird.

Lumabas na ako para pupuntahan si Tom kaso nakasulubong ko siya. “Where are you going?” tanong ko.

“Gusto ko lang puntahan sandali si Isabelle.” aniya na may ngiti sa labi. Napalunok naman ako. At bakit gusto niyang puntahan?

“Okay.” iyan na lamang ang tanging sagot ko. Tinulungan ko nalang si papa sa kusina na nagluluto. Napabuntonghunga naman ako at nag-alala na sa mga posibleng mangyayari. Naramdaman ko ang paglingon ni papa sa akin.

“Panny, anong problema?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at umiling. Ayoko pang mag-alala si papa sa akin. Natahimik naman kami ni papa at nagpatuloy sa pagchop ng mga karne para ulam namin mamayang tanghali.

I Have A Sugar DaddyWhere stories live. Discover now